CHAPTER ONE

963 26 11
                                    

Cassandra's POV.

Matapos ang one ay nakauwi na ako sa bahay namin ni Eon.

Tahimik pa rin pero pagkapasok ko pa lang ng bahay ay nakarinig na ako ng parang may nabasag kaya naman dali dali akong umakyat sa kwarto ni Eon at nakita siyang nagbabasag ng mga vase may mga dugo ang kamay niya at nagkalat ang mga bubog.

"E-Eon" tiningnan niya ako....hindi kumupas ang kagwapuhan niya kahit nawala siya ng dalawang linggo.

"What are you doing here?" Cold na sabi niya nang hindi ki siya sinagot ay nagsalita siyang muli

"Bat bumalik ka pa?....masaya na nga akong wala ka bumalik ka pa!" Nagulat ako sa pagsipa niya sa isa sa dalawang vase na nandoon ang isa ay ang bigay ng mama niya sa kaniya na nabasag na ngayon at ang isa ay ang regalo ko sa kaniya. Nasasaktan ako. Masyadong masakit yung sinabi niya.Pinigilan ko ang mga luha kong nagbabadya ng tumulo

"Sumagot ka!" Tumayo siya at hinarap ako ng may masasamang tingin dahilan para mapaatras ako at ma corner sinuntok niya ang pader na nasa may kanang ulo ko.

"C-Cassandra" yon ang nasabi niya at nawalan siya ng malay at napahawak sa espada niya na nandoon ng bigla iyong mahulog kaagad ko siyang iniiwas kaya ako ang nasugatan sa braso....tiniis ko ang sakit at ihiniga siya sa kama. Tinitigan ko ang gwapo niyang mukha

Ang mahahabang pilik mata...matangos na ilong manipis na labi at nangungusap na mga mata lahat yon ay nasa kaniya perfect jaw shape lahat lahat nasa kaniya. Bahagya kong hinaplos ang kaniyang pisngi at kasabay nuon ang pagdaloy ng dugo sa nasugatan kong braso at ang pagsikdo ng sakit duon. Kinumutan ko siya at nagtungo ako sa kwarto ko upang gamutin ang sugat ko.

"Hindi niya ako sinaktan" napangiti ako na parang timang....natutuwa ako dahil hindi ako sinaktan ni Eon at kanina ko lang ulit narinig sa kaniyang sabihin ang pangalan ko. Pagkatapos kong gamutin ang sugat na hindi naman ganoon kalalim ay kumuha ako ng dustpan at walis at nilinis ang kwarto ni Eon.

Hindi ko maiwasang masugatan kaya ang ending sugat sugat ang kamay ko ng dahil sa bubog ng vase pagkatapos kong maglinis.

Nagluto na rin ako ng hapunan Menudo ang niluto ko ngayon...dahil iyon ay isa sa mga paborito niya...

"So bakit bumalik ka pa?" Napatalon ako sa gulat habang naghahanda ng pagkain ng mangibabaw ang tinig ni Eon

"Ano...kasi"

"Bakit nga ba ako aasang mawawala ka na ng tuluyan sa buhay ko? Cassandra Andrea?" Para na namang tinusok tusok ng kutsilyo ang puso ko pero ngumiti ako.

"Kinailangan ko kasing magpahinga muna for two weeks k-"

"Saan ka nagpunta at sino ang kasama mo?" Pinutol niya ang sasabihin ko...gusto kong kiligin sa mga sinasabi niya pero alam kong naniniguro lang siyang hindi ako nagsumbong...para akong tanga masasaktan dahil kay Eon at kikiligin dahil sa walang malisyang kilos niya.

"Si Shine at Dianne tapos si Grid si Genieva si Lawrenze at Dranreb" may ibinulong siya pero hindi ko narinig hindi na ako nagtanong dahil baka sigawan nya lang ako.

Umupo siya sa mesa at kumuha ng pagkain, napatingin siya sa akin ng makitang nakatayo lang ako at nanonood sa kaniyang kumain.

"Oh? Anong tini-tingin tingin mo dyan?, bakit hindi ka kumain? Baka mamaya sisihin pa ako ng magulang mo kapag namayat ka" kahit yon naman talaga ang trato niya sa akin ay hindi ko maiwasan ang kiligin at mapangiti. Napatingin siya sa kamay ko na tinago ko agad pati sa braso kong may gasa at may bakas ng dugo.
Tiningnan niya lang iyon at kumain na ulit. Naupo ako sa upuan na kaharap ng kaniya kaunti lang ang kinuha ko at itlog lang ang inulam dahil allergic ako sa Menudo kaya medyo namumula mula ang mga balat ko ngayon. Nakakabinging katahimikam ang namayani sa ibabaw ng mesa tila tunog lang ng mga kobyertos at babasaging plato ang naririnig pagkatapos kumain ay nagtungo na siya sa kaniyang silid habang ako ay ginawa ang dapat kong gawin bago pa pumasok sa sarili kong silid nagulat ako ng pagkapasok ko ay nandoon si Eon na nakahiga sa kama ko.

MY ABUSIVE HUSBAND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon