_____

"Damn! Bakit ngayon pa?!" Inis siyang bumaba sa kanyang sasakyan at tinignan ang gulong non.

Flat.

Nagsalubong ang kanyang kilay bago sinipa ang flat na gulong.

"Damn it! Bakit ang malas ko sa araw na ito!" Napahilamos siya sa kanyang mukha bago marahas na sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.

Bumalik siya sa loob ng sasakyan para kunin ang kanyang shoulder bag. She took her phone out at nag-isip kung sino ang tatawagan niya. Ang Kuya niya o ang Daddy niya pero alam niyang nasa trabaho pa ang Kuya niya at this time. It goes the same with her Dad. Walang ganang ibinalik niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag.

I need a vulcanizing shop. She thought, pero saan naman siya maghahanap?

Para kasing may mali. Palaging nasa kondisyon ang kanyang sasakyan since hindi niya alam ang gagawin kung magkaka-problema iyon kagaya ngayon. Bago ang mga gulong niya kaya nakakapagtakang na-flat agad ito. She looked closely at napatda siya ng makita ang nakabaong solid na patalim doon. Tubeless ang kanyang mga gulong so kahit matusok hindi agad agarang mapa-flat unless kung bubunotin na talaga ang nakatusok doon. But in her case ay unti unting nawala ang hangin sa loob ng gulong. Kanina pa kaya ito sa school nila?

Aksidente ba o sinadya?

May sumipol sa kanya. "Hey Lennox!"

Napapikit siya sa inis ng maulinigan ang boses ni Malford. Matalim ang tingin niyang binalingan ito. Hindi pa man siya nakakalayo sa kanilang eskwela at heto na naman ang panibagong kamalasan sa buhay niya.

"Ano?!" Mataray at pabalang niyang sagot rito.

Nakangisi itong nasa loob ng kotse nito kasama ang kaibigan nito at kaklase nilang si Owen.

"How does it feels like to have a junk car now huh?!" Mayabang na balik tanong nito. Napakuyom ang kanyang kamao sa galit.

"I swear kapag may kinalaman ka-"

"Ako nga!" Maangas na sagot nitong hindi man lang nagkunwari. "But ofcourse! Wala kang ebidensya, Lennox! I could just easily deny it."

Aba't!

"Eh gago ka naman palang talagang pangit ka eh!" Nanggigigil niyang sigaw rito.

Mabilis itong nag-park sa harapan ng kanyang sasakyan at maangas itong bumaba ng sasakyan kasama si Owen. Tumigil ang dalawa sa harapan ng sasakyan niya't nag-init ang ulo niya ng itaas ni Malford ang kanang paa nito at ipatong sa hood ng kanyang sasakyan.

"I could easily kidnap you right here, right now. I'm gonna get everything you have, Lennox. I want to hear you beg. I want you to plead for your life-"

Nagulat siya ng may bola ng lawn tennis ang tumama sa mukha nito dahilan para mapaupo ito sa semento.

"Aah! Fuck shit!" Sigaw nito habang sapo ang ilong na nagdudugo. Hindi pa magaling ang ilong nito sa pagkakabali ng suntokin ito ni Keegan at ngayo'y tinamaan na naman. Naka-band aid pa nga ito. Tinulongan ito ni Owen para agad makatayo.

"Ikaw!" Duro ni Malford sa kanyang likuran habang nakasapo ang isang palad nito sa ilong nito.

Hindi pa siya nakakalingon sa kanyang likuran upang tignan kung sino ang bumato kay Malford ng makita niyang nanlaki ang mga mata ni Malford at Owen ng umatake ito sa kanila. Kaliwa't kanang suntok ang pinaulan nito sa mukha ng dalawa habang siya ay nakatayo lang at nakangangang nakatingin sa tatlo sa harapan niya.

"I told you to fucking leave her alone!"

"Tama na nerd. We're sorry." Si Owen habang nakaupo ito sa semento at nakasandal sa likuran ng sasakyan ni Malford. Ganun din ang hitsura ni Malford pero kung isa ang black eye ni Owen, dalawang mata naman kay Malford.

Serves him right, total jerk!

"Umuwi na kayo at kapag ginulo niyo pa si Lennox. I swear!"

"Hindi na. Sorry!" Si Owen ulit. Tulog na yata si Malford o talagang nawalan na ng malay.

Bumaling si Keegan sa kanya. She smiled so sweet to her. She couldnt imagine kung gaano ito kalupit sa bugbogan. Walang wala sa maamo nitong mukha at masama nga talagang magalit ang mga mababait. They could turn into murderers.

"Salamat, Kee."

"I just need to buy something sa mini stop ng makita ko silang ginugulo kana naman. Umuwi kana rin." Tumalikod na ito sa kanya.

Sungit!

"Salamat parin!"

Ito naman ngayon ang lumingon sa kanya. "Welcome witch!"

Aba't!

Who's Keegan? Part 1 (Completed)Where stories live. Discover now