U

1.1K 20 5
                                    

"Hoy! Belle, ikaw ang napili ni mam na maging leader sa gagawin nating project

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hoy! Belle, ikaw ang napili ni mam na maging leader sa gagawin nating project." Sabi sa kanya ni jenny, inis niyang tiningnan ang babae habang patuloy itong nag lalagay ng liptint sa mapula na nitong labi. "Hindi ka pa ba kontento diyan sa labi mong mukhang sinupsop ng aso?" Napangiwi naman ang ibang nakarinig dahil sa sinabi nito.

"Ay! Grabe sya oh, ikaw nga mukhang patay sa kaputlaan mo. Pinuna ba kita?" Sabi nito at inirapan si belle, kailangan niya kasing mag tipid dahil sa nabalitaan niyang may bagong ilalabas na cellphone. Gusto niyang mag karoon nito upang ipag malaki sa kanyang mga kaklase.

Hindi gaya ng nalalaman ng iba si belle ay anak mahirap na nag papanggap na mayaman o may kaya. Kinakailangan niyang mag panggap upang tanggapin siya ng mga ito. Mga anak kasi ng mayayaman ang mga barkada niya at kapag nalaman nila na hindi siya mayaman ay tiyak lalayuan siya ng mga ito na hindi niya gugustuhing mangyare.

Walang nakakaalam ng sikreto niya bukod kay mikaela, ang dati niyang kaibigan. Oo dati, may kaya si mikaela pero loner ito at nabansagang ugly nerd dahil sa nakakapal na salaming naka harang sa mara nito. Ayaw niyang makilala bilang ganoon, hindi man aminin ay attention seeker si belle, social climber din at gold digger?

"Babe" sabi ng bagong dating na lalaki. Si Cyprus o kilala bilang Cy, si Cy ay anak ng gobernador na naging kasintahan naman ni belle. Lahat ng gusto ni belle ay nakukuha niya at yun ang dahilan kung bakit hindi na hiniwalayan ni belle si Cy kahit harap harapan siya nitong niloloko.

"Babe!" Masayang sabi ni belle at sinalubong ng yakap ang nobyo. "Let's go?" Pag aaya ni Cy kay belle, may pinangako kasi si belle kay Cy at ngayon na nga ito sinisingil ni Cy.

"U-uhm.. Hindi ako pwede ngayon e. May pupuntahan ako, sorry babe" nag papa cute na sabi ni belle, napa buntong hininga si cy at tumango na lamang, maya maya ay nag paalam na itong aalis dahil may praktis pa sila ng basketball.

Nakita ni belle na pumupustura si mikaela at sinasabing sumunod siya dito sa labas. Napairap na lang si belle ng mata at sumunod ito kay mikaela matapod nitong lumabas.

"Bakit?" Mataray na sabi ni belle habang naka kulwit pa ang mga kamay nito.

"A-ah... Baka naman pwede ko ng makuha ang inutang mo? Kailangan ko na kasi—" hindi na pinatapos ni belle ang sasabihin ni mikaela.

"Grabe ka naman mikaela, mag papautang ka tapos bilis mong maningil? Hayaan mo babayaran kita, hindi naman kita tatakbuhan e." Mataray na sabi nito at nag walk out. Napa buntong hininga na lamang si mikaela at napailing.

May inilabas na notebook si mikaela at binuklat niya ito sa may likurang bahagi ng notebook. Dito nakasulat ang mga utang ni belle sa kanya. "Isang taon nang nakakalipas ang unang utang hanggang sa mga oras na ito utang pa rin."  Malungkot na sabi ni mikaela.

Kahit ganoon  na katagal ang utang sa kanya ni belle at kahit alam niyang hindi ito marunong mag bayad ay paulit- ulit pa rin niya itong pinapautang. Para kasi sa kanya si belle ang kaisa-isa niyang kaibigan kahit panandalian lamang.

Tandang tanda niya noong unang pasukan na nag kanda ligaw na siya sa malaking eskwelahan. Si belle ang tumulong sa kanya para mahanap ang silid aralan niya, doon din nito nalaman na mag kaklase pala sila. Naging close sila sa maikling panahon, sabay silang pumasok, mag lunch, recess at umawas. Pero nag bago ang lahat ng mapalipat sila sa classroom ng mga sikat.

Ang dating simpleng si belle ay nag hangad ng mas magarbo at magagarang kagamitan gaya na lamang ng mga sosyal na kaklase nila. Unti-unting kinain ng sistema si belle, unti-unti itong nag bago at napalayo sa kaniya. Kilala lamang siya nito tuwing uutang siya, kailangan ni belle palagi ng pera para makipag sabayan sa mga high class nilang kaklase, at alam niyang wala non si belle kaya andiyan siya para pautangin si belle.


Utang na kailan man ni isa sa mga iyon ay hindi siya nabayaran. "Mikaela, tatayo ka na lang ba diyan?" Tanong sa kanya ng kaklase niyang si jeff kaya naman napaayos siya ng tayo at pumasok muli sa loob ng room.

Doon niya nakita si belle na masayang nakikipag yabangan sa mga bago nitong kaibigan. Umupo na ito sa upuan niya.

Napatahimik ang buong klase ng pumasok si jenny sa at sumigaw. "Hoy, mikaela pinapatawag ka ni mam!" Mataray na sabi nito at dumiretso sa upuan niya.

"Bakit kaya?" Bulong ni belle kahit papaano ay tinuring din naman niya itong kaibigan. "Why do you care? Hayaan mo siya, bida bida palagi. Hindi niyo ba napapansin na favorite siya ng lahat ng teacher!" Sabi ni mike.

Tama naman ito, paborito si mikaela ng lahat dahil sa angkin nitong talino. Nangunguna ito palagi sa klase, active ito at parang ito na nga lang ang estudyante sa loob ng room dahil siya lang ang panay ang sagot sa mga tanong ng guro.

Tumayo na si mikaela at nag martsa patungo sa loob ng office nakita ni mikaela ang teacher nila. "Umupo ka." Seryosong sabi nito sa kanya. "Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. Mikaela, what's wrong with you? Bumabagsak kana sa lahat ng subjects mo, ang bababa ng exams at quizzes mo."

Napatungo naman si mikaela. "S-sorry po" napa buntong hininga na lamang ang guro nila. "This is the last option na maibibigay ko sayo para makapasa ka. Sumama ka sa field trip ng kabilang section, mahihila non ang grades mo. Kaya lang may bayad, 30 thousands"

"O-okay po"

Maya maya pa ay natapos na ang pag uusap nila. 30k? Saan naman siya kukuha ng ganoong kalaking pera? Biglang sumagi sa isip niya si belle, tama! Kung magbabayad si belle ng kahit 30k na utang nito ay makakasama siya sa field trip. Halos 200k ang utang nito sa kanya, oo ganoon kalaki. Simula sa unang utang hanggang sa nitonh nag daan ay hindi pa ito nakakabayad.

Mabilis siyang nag lakad papalabad ng school. Nag announced kasi na wala ng klase kailangan niyang pumunta sa kaniyang pinag pa- part time-an na karenderiya. Dito siya kumukuha ng gastusin sa eskwela, bukod pa ang pa tu-tutor niya, taga gawa ng project, assignments at iba pa. Marami siyang pinapasukang raket para makaahon sa hirap. Mag isa na lang siya kaya kinakailangang mag sumikap siya.

Kung hindi nga lang dahil sa kakaunting ipon ng kanyang ama ay hindi siya makakapasok sa eskwelahang iyon. "Oh, mikaela napaaga ka naman ata ngayon." Sabi sa kanya ng ate bibyan niya.

"Ah opo, maaga pong natapos ang klase." Sabi nito.

Agad niyang ibinaba ang kanyang dalang gamit sa loob ng karenderya nakita naman niya sa loob si jeff. "Nandito ka na pala."  Sabi ng binata, anak ito ng amo niya. Madalas itong tumatambay dito sa di niya malamang dahilan. "Ah oo. Sige don na ako." Paalam niya sa binata at lumabas na.


Utang✔Where stories live. Discover now