ERW1

65.8K 1.7K 671
                                    

ERW1

Malakas ang kabog ng dibdib ko noong umupo ako sa swing. My knees are a little weak and I feel so awkward. There are a total of three swing chairs here. Naupo ako sa dulo habang siya naman ay nasa kabilang dulo. Mayroon pang isang swing chair sa pagitan naming dalawa.

My favorite part of this park in front of SAU is this little playground. Madaming tao dito kapag umaga at hapon pero nawawala ang mga iyon kapag tanghali kaya mas gusto ko talagang pumupunta kapag tanghali.

Nakatingin lang ako sa harap ko, medyo kinakabahan pa rin dahil sa presenya ng lalaking katabi ko. Bakit ba hindi pa siya umaalis? Akala ko susundan niya agad iyong kausap niya kaya dito agad ako dumiretso kahit ang awkward sa pakiramdam.

Konting tiis lang, Sey.

"Sorry about what you've seen."

Nanlaki ang mata ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil narinig ko ang kanyang malalim na boses na biglang nagsalita. Inikot ko ang tingin ko upang tignan kung may iba siyang kausap. Mas lalo akong kinabahan noong makita kong walang tao na malapit saamin.

"H-ha?" I asked, finally realizing he's talking to me.

Wala akong nagawa kundi lumingon ng bahagya sa kanya, pero hindi ko din nagawang makayanan ang titig niya saakin kaya medyo umiwas agad ako ng tingin.

"You've seen it, right?"

"Ah... eh..."

Tumingin ako ulit sa unahan ko. What am I supposed to say? What the hell are you doing, Sey? Why are you even here with a human?

"Nagulat ka ba sa nakita mo?" he chuckled.

Mas lalo akong kinabahan dahil sa narinig kong tunog ng kanyang pagtawa. What...Umiling ako. Hindi pa rin ulit lumilingon sa kanya.

"H-hindi naman. Normal lang 'yon." sagot ko sa kanya habang pinaglalaruan ang kamay ko sa aking hita. Doon ko na lang tinuon ang aking pansin. Hindi pa rin ako mapakali dahil nararamdaman ko ang titig niya saakin.

"It's been so long yet she still can't forget."

Natigilan ako dahil bigla siyang nagkwento saakin. I mean, hindi naman kami close? At hindi ko naman siya kilala?

Akala ko nga aalis na siya agad!

Huminga ako ng malalim at unti-unting inulit sa isip ko na kasalanan ko ito at hindi ko ginamit ang isip ko. Hindi na ako makakawala dito kaya dapat ay harapin ko ito. Pero shit, ano naman bang maitutulong noong thought na 'yon?

"It's not easy." halos bulong ko nang sinabi.

Ramdam ko ang pagkilos niya saaking tabi pero hindi ko iyon nilingon. Nakakahiya na kasi talaga itong ginagawa ko tsaka ang bilis ng tibok ng puso ko, pati nga itong mga kamay ko ay mahahalatang nanginginig kung hindi ko lang nilalaro.

I felt his stare to me. I never dare to look up. Baka pagnaka salubong ko ang mata niya ay tumakbo nalang ako palayo.

God! What am I doing? This is very embarrassing! Hindi pa nga ako tapos sa hiya na nararamdaman ko mula sa presentation kanina tapos meron na namang kasunod? Ano pa ba, Sey?

"What?"

Ayokong makita ang ekspresyon niya. Nakakatakot kasi baka magalit siya sa bigla kong pangingialam na para bang kilala ko siya. Ngayon ko nga lang siya nakitang buong buhay ko eh...

"W-we are all struggling to live." I look up on the blue sky with some white clouds. Ang liwanag. My heart is pounding to fast. I wanna question everything that I am doing the moment I walk out of SAU.

Every Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon