Part 13- Healed but the scars opened again

461 21 3
                                    

 (Np: "Thinking of You" by Katy Perry)

*Comparisons are easily done

Once you've had a taste of perfection...*

I’m proud to say this. I’m healed.

Siguro may naiwan pang bakas ang mga sugat na nasa puso ko. Pero hindi na ganun kasakit. Hindi na ganun katindi ang sakit. Andrew healed me. And I love him.

*Like an apple hanging from a tree

I picked the ripest one, I still got the seed...*

Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari noon ay konting kirot nalang ang nararamdaman ko. Na para bang  tumulong ang panahon para mabawasan ang sakit. At na-realize ko na pwede rin palang umikot ang mundo ko sa ibang tao. Hindi lang para kay Jonathan. Hindi lang para sa lalaking minahal ko. At minamahal ko.

  *You said move on, where do I go?

I guess second best is all I will know...*

I’m now on my third year in College. Tatlong taon na ang lumipas na wala sya. Na wala akong balita tungkol sa kanya. Kahit gaano ko piliting kalimutan sya ay alam kong may bahagi parin sa puso ko na pagmamay-ari nya. Na para lang sa kanya at walang sinuman ang may karapatang gumalaw.

THIRD YEAR  COLLEGE

Isang huni ng motorbike ang narinig ko sa labas ng gate ng bahay namin. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tinakbo ko na ang hagdan pababa. Nadatnan ko si Kuya na nasa sala at tulad ng dati ay kasamang naglalaro ng baraha sina Calvin at Rowena.

“Umuwi ka kaagad” ang paalala ni Kuya habang nakasimangot. Kahit na hindi sya pabor sa paglabas ko lagi kasama si Andrew ay alam nyang wala syang magagawa. Dahil alam nyang si Andrew ang bumuhay uli sa kapatid nya.

Isinusuot ko palang ang sapatos ko nang magsalita si Rowena.

“Rose, I’m happy for you” ang madrama nyang wika at hindi na ako nabigla sa nakita kong mga luha sa pisngi nya.

“Iyakin” ang sabi lang ni Calvin saka hinagisan ng panyo sa mukha ang girlfriend nya. Yun na ang trabaho ni Calvin. Ang tagabigay ng panyo sa iyakin nyang girlfriend.

“No time for drama sis” ang nakangiti kong wika saka agad na tumakbo palabas ng bahay. Ayokong mainip ang boyfriend ko sa labas.

At nadatnan ko syang nakaupo sa motorbike nya habang suot ang shades nya. He’s so handsome with his blue shirt at white jacket. Nakasuot din sya ng kupas na maong na nakadagdag sa kagwapuhan nya. Nang makita nya ako ay tinanggal nya ang shades nya at ginamit ang matamis na ngiting iyon.

“You’re gorgeous” ang sambit nya. At nasanay na ako sa laging pagpuri nya sa akin na para bang ako na ang pinaka-perpektong tao sa buong mundo.

Napaikot ko ang mga mata ko. “Cheh.  Paandarin mo na nga yan at mali-late na tayo” saka ako sumampa sa likuran nya at yumakap sa mainit nyang likod. Just like…Jonathan’s back.

*'Cause when I'm with him I am thinking of you

(Thinking of you, thinking of you)*

Naipilig ko nalang ang ulo ko. Si Andrew ang kasama ko pero si Jonathan ang iniisip ko. I think it’s unfair on Andrew’s part.

*Thinking of you, what you would do

If you were the one who was spending the night

(Spending the night, spending the night)*

Until The Last Rose Dies (Short Story-Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon