One Look At You, I Fall

189 3 2
                                    

Dec. 02, 2014

Kakatapos lang ang klase nina Isabelle at James. Nagkayayaan silang sabay umuwi dahil laging nauuna si Isabelle umuwi. Mula sa building ng kanilang room ay nag-uusap na sila. 


"Alam mo bhe, sayang talaga yung ginawang effort ni Nick sa report niya sa Noli." kwento ni Isabelle kay James. Si James ay isang "out of the closet". Sumagot naman si James. 


"Oo naman bhe, sayang talaga. Bakit kasi hindi siya naglagay ng title? Sayang yung points niya." pagkababa nila, nakasalubong nila si Nick. Naroon din si Nica at Liza na magpapacheck ng report sa Noli. Nagkapansinan sina Isabelle at Nick. Nasa isang tabi lang si James at tinitignan sina Isabelle at Nick na nag-uusap. If I'm her... Dahil sa sobrang tagal, pinilit niya si Isabelle na umuwi na at nagpatuloy ang kanilang usapan. Napag-usapan nila ang tungkol sa practice nila sa Les Miserables sa English.


"Huy, alam mo bhe, hindi na naman nila matatapos 'yang play natin sa English!" open ni Isabelle kay James. 


"Ano pa bang bago? Ganyan naman lagi section natin! Walang pagkakaisa! May kanya-kanyang buhay, hati-hati. By the way, pahiram ng Noli mo para maumpisahan ko na yung pinapagawa ni Sir sa'tin." Hindi nila namalayan na nasa labas na sila ng school. Pumayag naman si Isabelle at tumango-tango sa sinabi ni James. Si Isabelle naman ang nag-open tungkol sa bagong trabaho ng boyfriend niya at sanay naman siya sa mga ganitong kwento niya. Para kay James, nakakainspire si Isabelle at ang boyfriend niya kahit nagmumurahan, mahal pa rin nila ang isa't isa. 

"Ano ba yan, December na December, umuulan!" naglabas ng payong si James at nag-usap ulit sila. Si James naman ang nag-open at habang siya'y nagkukwento, napatingin siya sa daan at nakita niya ang isang lalaki na matangkad, maputi, may kulay sa buhok, matangos ilong at may tattoo sa magkabilang braso. Naka-black shirt siya at gym pants. Tinignan niya ang kanyang mukha at naka-shades siya, may maliliit na bigote na saktong humubog sa mukha niya. Sh*t.  Ang pogi niya. Out of the blue, napatingin si Isabelle sa lalaki. Nang lumagpas na ang lalaki ay nilingunan ito ni James. Saktong lumingon din ang lalaki at nagkatamaan sila ng tingin pagkatapos niyan. Kinilig si James at inasar naman siya ni Isabelle. 


"Ang landi mo bhe, dinaig mo pa ako dun ah." 


"Siyempre, ako pa, at saka may boylet ka na noh. Aagawin mo pa yung akin." ngiting sagot ni James. 


"Bhe, punta tayong bahay ko, papahiramin ko sa'yo, libro ko sa Noli." pumunta sila sa mala-eskinitang daan at doon na ibinigay ni Isabelle ang ang libro kay James. 


December 25, 2014

Habang gumagawa ng Noli si James ay may tumatawag sa kanyang isang number. Unknown ito, sinagot niya naman ito. 

"Hello??" Gabi na't may tumatawag pa. 8:45 na ng gabi. 


"Pumunta ka sa Jollibee sa tabi ng simbahan" boses ng lalaki narinig niya. Nagpaalam si James sa kanyang ama at pinayagan naman siya nito. Pumunta naman si James sa Jollibee at tinawagan ulit siya, 

"Pumunta ka sa 2nd floor." pumunta naman siya at nakita niya ang lalaking nakita niya habang nakikipag-usap siya. May pagkaing nakalatag sa lamesa. Nandoon siya. Same outfit gaya ng nakita niya dati. Pinatay niya ang phone.

"Come here."

 Inalok siya ng upuan... pero sa tabi niya. Na-awkward tuloy si James pero umupo pa rin siya. Pinipigilan niya ang kalandian niya para iwas mapahiya. Tinanggal ng lalaki ang shades niya at tumambad sa kanya ang gwapong mukha niya. Nagpakilala siya. 


"Richard ang pangalan ko, what's yours?"

Richard pala ang pangalan ng poging 'to. Sumagot naman siya, "James."


"Nice meeting you, James. Alam mo, ikaw lang ang taong nakapagpatibok ng puso ko." What, ano ang pinagsasabi nito? Kinain na niya ang pagkaing nasa lamesa dahil gutom na rin siya. 


"Sa isang tingin mo lang, ikaw na ang tumatatak sa isip ko. Never pa akong nagkakagusto sa isang babae o lalaki. James, look at me." 


Dahil dito, tumingin sa kanya si James, napangiti si Richards. 


"Will you be my partner in life?" Napanganga si James. Relationship kaagad? Huminga muna siya ng malalim at nakapagsalita rin siya. 


"Bago ko sagutin 'yang tanong mo, paano mo nalaman yung number ko?" tanong ni James kay Richard. Napangiti ang lalaki at sinabing, "When people do fall in love, they'll find everyway to have the person who made their heart beat with that person." Awww, kakatouch naman si Richard. 


"Can I call you, Rick?" tanong ni James sa malambing na tono. 


"Of course. I would love to." 

"Your age?" tanong ni James


"21." sagot ni Richard. 


"How do you know my friend, Isabelle?" tanong ulit ni James.


"The question is already answered. Hey, do you want to answer my questions earlier?" natigil si James at huminga ulit siya ng malalim. Hindi niya namalayan na matagal na siyang nakatitig kay Richard. 


Sa bagay, iyon naman ang matagal niyang hinihingi kay Nick pero wala, kaya pumayag siya. Pumayag si James na mahalin siya ni Rick.  Hinalikan naman siya ni Richard to the fullest of his life. Gano'n din naman ginawa ni James at napakapit siya sa batok nito. They were kissing to the fullest of their lives.

One Look At You, I Fall (One Shot Story)Where stories live. Discover now