"Dalawang katulong ang kasama ko sa bahay na ito, Isabel," wika nito. "Nasa kusina ang isa. At isa'y kasama ng aking dalagang apo sa pamangkin ni Eman. Mayamaya lang ay narito na ang mga iyon..."

"D-dinadalaw ka ba ni... ni Tiyo Rustico?" She smiled sadly. "Iba na ang panahon ngayon, hija. Isa pa'y alam kong pinipigilan si Rustico ng napangasawa niya. Si Elvira ang humikayat sa aking apo na manirahan sa ibang bansa."

"N-narito sa Pilipinas si Cielo..."

Sandaling hinagilap sa isip ng matandang babae kung sino ang tinutukoy niya. Kapagkuwa'y nagbuntong-hininga. "Ang aking apo sa tuhod. Muy probrecita niña. Huli ko siyang nakita nang mamatay si Eman at ang kaisa-isa kong anak..." Umiling-iling ito. "I never liked her mother..." Walang malamang sabihin si Dana kundi ang tumango. Masuyo siyang hinagod ng tingin ni Consuelo. Kapagkuwa'y umangat ang kamay nito at hinaplos ang kanyang pisngi.

"Hindi ka nagbago mula sa huling pagkakita ko sa iyo napakaraming taon na ang nagdaan."

Muling napahikbi ang dalaga. Ikinulong ang kamay ni Consuelo sa mga palad at idinikit sa pisngi niya.

"Ang Lola Isabel ay dalawang linggo nang namamatay..."

Gumuhit ang kalungkutan sa kulubot na mukha ng matandang babae. Huminga ito nang malalim.

"Alam ko, Isabel," banayad nitong sabi. "Bumabalik ang mga sulat na ipinadadala ko sa kanya sa nakalipas na apat na taon. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Subalit nitong nakalipas na tatlong linggo'y tumanggap ako ng sulat mula sa kanya." Inangat nito ang salamin at pinahid ng alampay na nakasabit sa balikat ang mga mata. "Sulat ng pamamaalam. Walang address na nakalagay subalit nararamdaman kong hindi na talaga kami muli pang magkikita..."

Dana bit her lip. Muling ginagap ng payat at kulubot na mga kamay ng matandang babae ang kamay niya. 


"Maraming salamat. Kung hindi dahil sa iyo'y hindi nagkaroon ng katuparan ang pag-ibig ko kay Eman. Iisa lang ang naging anak namin. Subalit naging maligaya kaming dalawa. Natutuhan niya akong mahalin, alam mo ba iyon?" Muli nitong pinahiran ang mga mata ng alampay.

"Minahal ako ni Eman hanggang sa huling sandali ng buhay niya, Isabel," patuloy ng matanda. 

"Kung mayroon man akong ipinaghihinanakit ay ang pagsasawalang-bahala ng aking apong si Rustico. Subalit iyon ma'y tinakpan ng kaligayahan ko sa piling ng aking asawa sa buong panahong nagsama kami..."

"I–I'm so happy for you..."

Binitiwan ng matandang babae ang kamay niya at pumasok sa silid. Hindi gaanong nagtagal at muling lumabas. May iniabot sa kanya.

"Matagal nang gustong ibigay sa iyo ito ni Eman subalit hindi ipinahintulot ng pagkakataon...."Ang Calvin Klein niyang wristwatch! Ang ibinigay niya kay Eman may pitumpong taon na ang nakalilipas.

"Ayokong mag-isip at ayokong magtanong, Isabel," patuloy ng matanda. "Kung anumang kababalaghan ang nangyari'y hindi ko gustong guluhin ang aking kaisipan. Ang mahalaga'y naging maligaya ang buhay namin ni Eman. Taliwas sa naging buhay ni Isabelita na tumandang dalaga. Buong panahon niyang hinintay ang pagbabalik ni Leon. Hindi niya gustong ibaling sa iba ang pagtingin niya. But Leon never came back..."

"Pinili ng... ng Lola Isabel ang buhay niya, Consuelo..."

Tumango ang matanda. Kapagkuwa'y may isa pa itong iniabot sa kanya. "Ipinagkakaloob ko sa iyo ito. Gusto kong tanggapin mo."

Mula sa sinag ng papalubog na araw sa labas ng bintana'y kumislap ang brilyanteng bato sa singsing na isinusuot ng matandang babae sa daliri ni Dana.Iyon ang engagement ring ni Eman para kay Doña Isabelita.

"Isinauli ito ni Isabelita kay Eman. Tinanggap ni Eman subalit itinago. Ibinili niya ako ng bago. Tingnan mo." Buong pagmamalaking ipinakita sa kanya ang singsing na may katamtamang laki ng bato. Sa tabi niyon, sa panggitnang daliri ay ang wedding ring ng dalawa.

Dana swallowed the lump in her throat. "Bagay sa iyo, Consuelo. Hindi gaanong malaki ang bato. Simple subalit kasingkahulugan ng isang hindi mapapantayang pag-ibig..."

Sandali siyang tinitigan ng matanda. "Hindi mapapantayang pag-ibig... Tama ka. At kakamtin mo iyon, hija. Tinitiyak ko sa iyo." Muli nitong hinaplos ang pisngi niya. "Anuman ang mangyari, magbabalik sa iyo ang iyong pag-ibig."

Sandaling nagsalubong ang mga kilay ng dalaga. Then she smiled sadly. "Leon died a long time ago, Consuelo. Besides, si Lola Isabelita ang minahal niya at hindi ako."

"You will find a new love. Higit kaysa anumang damdaming inukol mo kay Leon. And when you do, don't ever let him go, Isabel..." Wala sa loob ang pagtangong ginawa ni Dana. "Higit pa sa nararamdaman mo kay Leon ang ipagkakaloob mo sa isang bagong pag-ibig, hija. Higit at tunay at walang kapantay na pag-ibig. Ang kahapon ay karugtong ng ngayon..."

Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Consuelo subalit hindi iyon pinasubalian ng dalaga. Tumayo siya at hinagkan ang pisngi ng matandang babae.

"Hindi na ako magtatagal, Consuelo..." paalam niya. "Sa aking pagbabalik ay muli kitang dadalawin."

Tumango ang matandang babae. "Sana'y makita pa kitang muli, Isabel. Subalit hapong-hapo na ako. Ikaw lang ang hinihintay ko upang ibalik sa iyo ang iniwan mo sa asawa ko..."

"I–I'll ask Cielo to come and visit you one of these days. She looks like you, Consuelo..." Gumagaralgal ang tinig niya. Halos hindi na niya maaninag ang mukha ng matandang babae sa luhang biglang pumuno sa kanyang mga mata.

A mixture of happy and sad smile crossed the old woman's face. "Vaya con dios, Isabel..."

"ANG AKALA ko'y hindi ka na lalabas. Papasok na akong talaga dahil madilim na," ani Charles nang nasa daan na sila pabalik sa Maynila. "Sino ang pinuntahan mo roon? Sino ang matandang babaeng niyakap mo?"

"Dinalaw ko ang kahapon, Charles," pabulong niyang sagot. Ang mga mata'y nasa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga puno sa kapaligiran.Nagtawa si Charles. "You confuse me every passing minute, Dana. You're talking weird..."

She smiled sadly. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. She had changed history. Nabago niya ang kasaysayan ng buhay nina Eman at Consuelo. Sinunod ni Eman ang sinabi niyang huwag pakasalan si Doña Isabel. She wanted to think that it had a better result... a happy ending for Eman and Consuelo. Pero hindi para kay Donya Isabelita. She had a lonely life.

Si Isabelita ay pinili ang buhay na gusto. Nabago man iyon o hindi. Hindi niya kayang paniwalaang may ganoong uri ng pag-ibig. At gusto niyang umiyak nang umiyak para sa abuela.

Then her thoughts wandered to Leon. What could have happened if he went back? Why hadn't he? Had he found a new love? The pain in her heart was almost unbearable at the thought. 


*****************Goodnights mga beshie. Nakaka-stress ang araw na ito, Monday na monday stress agad hahahahaha, sana mabawasan ang stress n'yo mga beshie. Gusto ko ng matulog at magpahinga at sobrang pagod at stress buti nlng andyan kayo at napapasaya n'yo ako. Thanks mga beshie. Take care mga beshie, God bless. - Admin A ******* Bawi nalng ako kapag nakaluwag-luwag na char hahaha

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon