Chapter 1: The Basketball Truce

29 0 0
                                    

Pasalampak na humiga si Xavier sa kamasaka pinakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. It's been a rough dayfor him. Kinausap siya ng Lolo Gregory niya, nais nitong ipagpatuloy niya saibang bansa ang pag-aaral niya at tumulong na rin sa pamamahala ng ibangbusiness nila doon. Kung siya ang masusunod mas gusto niyang manatili saPilipinas kasama ang pamilya niya at mga kaibigan. He wanted to enjoy lifewhile he is still young at habang hindi pa siya nakakapagdesisyon kung anotalaga ang gusto niyang gawin.

He finished his college degree in business and finance in America. Ang gusto naman nito ngayon ay pumasok siya sa graduate school sa Europe para lalong lumawak ang kaalaman niya sa pagpapalakad at pagpapalago ng business nila. His grandfather is a business tycoon ganoon din ang ama niya na sumunod sa yapak nito.

             Pagkatapos siyang kausapin ng lolo niya ay dumeretso naman siya sa bar akala niya ay makakapagrelax na siya kasama ang mga kaibigan but he was wrong, two girls fought because of him—both his exes na nagkataon na naroon din sa bar. He went home right after the incident pero hindi pa pala doon nagtatapos ang problema niya sa araw na iyon, his parents were fighting again. Akala niya ay makakausap niya ang mga ito ng matino kahit ngayong gabi lang pero nagkamali siya.

            Hindi na lingid sa kanya ang sitwasyon ng mga magulang niya. At ayun sa mga maids nila lalo pang napadalas ang pag-aaway ng mga ito mula nang umalis siya ng bansa para magkolehiyo.

            "Damn it!" parang gusto na niyang pagsisihan na umuwi pa siya sa Pilipinas. Wala pa mang isang linggo mula nang makabalik siya ng bansa ay parang gusto na uli niyang umalis. He got up and grabbed his car keys. Kailangan niyang magpalamig ng ulo.

            "Sir, saan po kayo pupunta?" hindi niya pinansin ang driver  cum bodyguard sa tuwing nasa Pilipinas siya na si Kuya Molon saka tuloy-tuloy na naglakad papunta sa garahe, sumunod naman ito. "Sir gabi na saka nakainom ho kayo baka kung mapano kayo sa kalsada."

            "I'm not going far Manong, besides wala namang magagalit sa'yo kung sakaling hahayaan mo akong umalis. Hindi na ako bata."

            "Eh Sir, ang bilin ho kasi ng Mommy niyo—"

            "Manong my parents are busy fighting, believe me they won't even care kung nandito ako o wala." Naglakad siya papunta sa nakahelirang mga sasakyan, sa dami ng sasakyan sa garahe kahit araw-araw ay iba't ibang sasakyan ang gamitin niya sa loob ng ilang linggo. 

            Si Manong Molon ang palaging nakabuntot sa kanya kung hindi ito nagdadrive ay nakasunod ito sa sasakyan niya. Hindi siya puwedeng umalis na walang nakabuntot na bodyguard kapag nasa Pilipinas siya. "Sir, ingat kayo at please huwag kayong masyadong magtatagal malalagot ako nito sa mga magulang niyo saka baka mapurnada pa ang bakasyon ko sa amin."

            "Relax Manong akong bahala sa'yo."  Dali-dali niyang pinaandar ang makina ng sasakyan at pinaharorot iyon paalis.

Nagising si Alex nang maramdaman niyang gumalaw ang katabi niya sa bus. Maya-maya lang ay bumaba na ito.

            Napatingin siya sa bintana. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa bayan na sila ng Taft at ilang barangay na lang ay makakarating na sila sa bayan ng Del Remedio kung saan siya lumaki. Limang buwan na ang nakakalipas mula nang huli siyang umuwi sa bayan nila at miss na miss na niya ang Tatay Anton niya ganoon din ang Lolo Celso at Lola Magda niya. Mula kasi nang magkolehiyo siya ay sa Manila na siya nagdorm at bihira na kung umuwi. Sa susunod na pasukan ay nasa third year college na siya sa kursong Fine Arts, ilang taon na lang ay makakagraduate na siya.

            Lihim siyang napangiti nang madaanan ang dating paaralan kung saan siya nagtapos ng high school. Maraming masasayang alaala ang nabuo sa high school na dadalhin niya hanggang sa kanyang pagtanda. Isa iyon sa pinaka masayang yugto ng buhay niya na hinding-hindi niya ipagpapalit, sa katunayan kahit ngayong nasa kolehiyo na siya ay madalas pa rin niyang mapanaginipan ang high school life niya.

Just One Summer With YouWhere stories live. Discover now