'Mom, I am tired..' sagot nito at niyakap ang mommy nya. Halos lahat kami nagkatinginan at naalarma ngunit nawala din ito nung sundan nya yung sinabe nya.'Nakakapagod po mag drive! Ilang oras ba naman biyahe. May Food na ba? I'm hungry' phew. akala ko kung ano na
'Aysus, naglalambing ang panganay ko. Hala sige, tara na sa dining area at kumain. Where's kier nga pala? Bat hindi mo sinama?' sabe ni Mami
'Bat si Kier lang hinanap mo? Hindi mo ba tatanungin kung asan si Serin?' sagot nito. Aigoo, ayos lang yan jody. Hindi naman ganon kasakit, konti lang naman.
'Ano ka ba anak hindi na kailangan tanungin at kakakamusta ko lang naman kay serin nung isang araw kaya si kier lang hinanap ko sayo ngayon' sagot pa ni Mami at patingin tingin sa direksyon namin nila mom
Napakunot ang noo ko nung bigla syang tumawa. Nagkatinginan naman kami ni mami at naintindihan namin ang isa't isa. 'Anong nakakatawa?'
'Mom, you're still funny. You still hate her, huh? Kung kakakamusta mo lang kay serin nung isang araw edi dapat alam mong wala sila ngayon ni kier dito sa pinas. Tsk, papalusot na lang yung hindi pa maayos eh. Mauuna na nga ako sa dining area' sabe nito't nakahawak sa batok nyang naglakad. Nagkatinginan pa kami bago sya tuluyang makaalis sa garden
Andito na kami ngayon sa dining area, sina ralyn ewan kung asan hindi ko pa din nakikita. Nang biglang magtanong si Rome 'So, mom. I have a question.. Why is Jody and her family came to visit you? I mean are you friends with her parents? And she's calling you 'mami' then kay dad naman 'dadi' Why is that?' natigilan kami ni mami sa pagslaslice ng steak.
'Yes, nak. Ah, oo nga pala hindi ko nasabi na jody's mom is my bestfriend and her dad, is your father's bestfriend. Actually ninang ako ni jody kaya ang tawag nya samin mami at dadi' simpleng sagot ni mami sakanya
Nakita ko namang napatingin sakin si Dadi at tinanong si rome 'Oo nga pala, paano kayo nagkakilala? I mean tinawag mo kasi syang jody kanina nagtataka ako paano mo nalaman name nya'
'Same kami ng university, dad. And she's a friend of a friend' sagot ni rome. Ouch. A friend of a friend. Hindi na lang sinabeng she's a friend. Mas okay sana ako don.
Hindi bale sanay na din naman ako sakanya. Ano pa bang ie-expect kong isasagot nya di ba? Kakakilala lang namin hindi pa talaga kami friends, feeling close lang talaga ako
'Didi-dyna! Oh my ghad, ang landi nyo naman ni jon' napalingon ako sa direksyon nila mom and dad nung sumigaw si mami. Psh. Ang landi nga. Kinuha lang naman ni Dad ang steak ni Mom at sya ang nag slice nito tapos pinakain nya si Mom after. Hindi ko napigilang mapairap sa napanood ko. Parang kala mo walang kamay si mom eh. Cringe. Makaalis na nga.
'Done. I'm full. Puntahan ko lang po sila Ralyn' paalam ko at umalis na
'Hey! You're still calling me Didi-dyna?' rinig kong react ni mommy.. Balakayojan! Magchikahan muna kayong mga oldies kayo
Pumunta ulit ako sa garden. 'Asan na ba tong mga batang to' sabe ko habang hinahanap sila ralyn
Masyado kasing malaki at malawak ang garden, paboritong part kasi ni Mami sa bahay ang garden kaya ayan pinalakihan daw nya. Naglakad lakad na din ako para tignan ang mga bulaklak, Ang gaganda talaga. Alagang alaga kasi to ni Mami.
Habang nagtitingin ng mga bulaklak nabigla ako nung may mga maliliit na kamay ang yumakap sa binti ko. Napangiti ako. Hindi ko sya nahanap pero ako naman ang nahanap nya 'Mamu! Mamu!' pagtawag nya sakin
Tumalikod ako at nagsquat paupo sa harapan nya para pantayan sya. 'Where's my hug??' ginesture ko ang mga kamay ko na nanghihingi ng yakap sakanya. Lumapit naman sya lalo sakin at niyakap tska hinalikan ako sa pisnge 'Aigoo, baby! Mamu missed you so much. How are you?' pangangamusta ko sakanya. Kinakausap ko talaga sya ng ganto kahit na alam ko namang hindi pa sya ganon karunong mag salita. Mga madadaling bigsakin pa lang ang alam nyang sabihin.
'Aym payn. Mish hwu twu' bubulol bulol nyang sagot sakin. Kiniss ko sya sa magkabilang pisnge at kinarga. Naglakad ako palapit sa isang upuan para umupo at sumandal. 'Mamu, yets pwey!' aya nito sakin at nginitian ko naman
Naglalaro kami habang nasa may tyan ko sya nakaupo. Halos mapatalon naman ako sa kinauupuan ko nung biglang may magsalita mula sa likuran ko. Akala ko ako yung kinakausap.. 'Hello, Little Girl. What's your name?' hindi naman pala.
Naglakad sya palapit mismo sa direksyon namin. Nakakatuwa. He's smiling while looking at her. 'Baby, he's talking to you. what's your name daw?' pagkausap ko sa bata at baka mamaya isnabin lang si rome, mapahiya pa.
'Dweyshi' tipid na sagot ng bata. Nilingon ako ni rome, hindi ata naintindihan yung sinagot sakanya. 'Her name's Dazé. Nickname nya Daisy as in pang flower' paglilinaw ko sakanya. Napatango naman sya at muling tumingin kay baby.
'Hi Dazé, you're so cute. My name's rome. How old are you?' tanong pa ulit nya. Ang formal naman nito makipag usap sa bata, jusko.
Bago pa makasagot si Dazé narinig namin si Mami na tinatawag sya. 'Dazé baby, where are you?' pakanta pang pagsasalita ni Mami
Nang marinig naman ni Dazé yon, agad syang umalis sa pagkakaupo sa may tyan ko't bumaba, tumakbo papunta sa mamita nya. Hindi man lang nag paalam sakin. I am:hurt
'Kung tama ang tingin ko sakanya.. She's 3 or 4 years old no?' tanong ni rome. Tinanguan ko lang naman sya, ayoko ngang kausapin. Pagkatapos mo kong isnabin netong mga nakaraang araw. Wala kang makukuhang sagot sakin. Hmp! 'Batang ina ka pala?' abat! 'Kung ako batang ina, batang ama ka naman' bulong ko sa hangin
'Huh?' tanong nya. 'Teka, mali. Anong batang ina sinasabe mo dyan? Mukha ba kong nanay??' sagot ko sakanya. Jusko, ano ba to!
Nagkibit balikat lang sya at tumingin sa direksyon na pinuntahan kanina ni Daisy. 'Dazé.. she's not your daughter?' nagtataka pa nitong tanong.
Napahampas na lang ako sa noo ko. Paano ba to? 'Omg! Jae, no she's not. She's my sister!' paliwanag ko sakanya
'Oh, sorry. I thought... Wait, so tita mina's her mom?!' nagugulantang nyang tanong 'Yeap, mom was 39 years old when she gave birth to Dazé. Wala eh, malakas haha' natawa ako sa sinabe ko at natawa din naman sya
'Eh bat kasi kung umasta ka ikaw ang ina ng bata? tska kamukhang kamukha mo oh' tanong nya. Depungal naman oh. 'Ah sa pag asta na sinasabe mo siguro kasi sobrang lapit ko sakanya, ako ang nagaalaga sakanya pag umuuwi ako samin o kasama ko sila. Natawa naman ako sa sinabe mo kasi marami din talagang nagsasabe na parang anak ko nga daw talaga si daisy. Pinagbiyak na bunga nga daw' sagot ko naman
kqkq
Mulai dari awal
