"Sht! Maling account" napasigaw si rome ng makitang sa ibang account nya na i-post ang dapat ay sa secret acc lang nya.
"Ha?" tanong ni mikee sa kanya. nagulat ito ng biglang sumigaw ang kaibigan.
Kasalukuyan silang nagiinuman sa condo ni rome, dahil nag aya ito kanina
Tska lang natauhan si rome ng maalalang hindi pala sya magisa ngayon.
"W-wala yon" pagpapalusot nya dito
"Kung anu-ano na namang sinasabe nito ni rome. Dre, uminom ka na nga lang" pinagsalin pa ni heero ang kaibigan
"Siya na naman ba?" pagtatanong pa ni mikee sakanya
"Wala pa ding paramdam?" pagtatanong ni heero. Sa ngayon silang tatlo na lang ang natitirang gising, mahihimbing na ang tulog ng iba pa nilang kasama.
Kanina pa naman din kasi sila umiinom. Sa katunayan inumaga na nga sila pero hindi pa din tinatablan ng alak ang tatlo
"Ilang araw na ba simula nung nakausap mo?
"pang 4 days na ngayon" sagot ni rome at ininom ang alak na kasasalin lang ni heero
"Ano ba naman yan si serin. Bakit daw ba kasi nag punta ng singapore?" pagtatanong naman ni mikee
"Business Trip" tipid na sagot ni rome
"Business Trip pero isinama si kiefer??" tanong pa ulit ni mikee
"Kamusta naman kaya si kiefer don? Nageenjoy kaya yon?" tanong din ni heero
"Miss ko na yon. Pauwiin mo na nga rome" paguutos pa ni mikee kay rome na parang ang dali dali lang ng gusto nyang mangyari
Napailing na lang si rome at napainom ulit
"Gago daw ako amp HAHAHA" puna ni dave sa nabasang reply sakanya ni jody. Sa ngayon hinihintay nya ang dalagang bumaba. Nasa labas sa parking area sya ngayon ng building ng condo nito.
After 5 minutes namataan nyang nasa may exit na si jody dahil hindi kalayuan ang pinag park-an nya. Kaya naman tinanggal nya na ang pagkaka lock ng pinto.
Nag ayos sya ng sarili. Tumingin pa sya sa sa salamin para i-check kung maayos ba ang itsura nya.
"Ayan pogi ka na lalo david. Ready ka ng humarap sa crush mo" pagkausap pa nya sa sarili sa salamin
Hindi nag tagal bumukas na ang pinto sa shotgun seat, sign na andyan na si jody. Napangiti naman si dave
"Dab! Omg, i missed you. Ang tagal nating hindi nagkita. Kamusta naman ang lyf?" bumeso pa si jody sa binata. "Naisipan mo na bang ligawan si mira?" sumunod na tanong ng dalaga. masaya pa itong nakangiti sakanya. Sa sinabeng iyon ni jody ay biglang napasimangot si dave
"Alam mo? Punyeta ka. Kinikilig na ko nung nginitian at bumeso ka eh ang ganda ng panimula mo tapos biglang tungkol kay loka-lokang mira ang isusunod mong itanong?" sagot naman ni dave kay jody. Napatawa na lang si jody sa reaction ni dave
'Asar na asar pa din talaga sya pag si mira na ang usapan, hanggang ngayon indenial pa din jusko' sabe ni jody sa sarili, napapailing na lang sya habang nakatingin kay dave
"And to answer your question. Hindi. Hindi ko pa naiisipang ligawan si mira" mabilis na sagot ni dave. napataas naman ang kilay ni jody "Uy, may 'pa' so hindi mo pa sure kung kelan?" pagtatanong pa ulit ni jody. Kitang kita namang nataranta si dave.
"Ha? Ang ibig kong sabihin hindi ko nililigawan si mira, wala akong balak ligawan sya at hindi ko maiisipang ligawan yong lokaret na yon. wala akong time tska ikaw nga kasi ang gusto ko!" frustrated pa na sagot ni dave na namumula na. 'Hmm. Namumula na sya HAHAHAHA tigil ko na nga' sa isip ni jody
"Okay, okay. Hindi na. Hihintayin ko na lang yung time at pag dumating yong araw na yon, ako pa mismo unang hahalakhak kasi kinain mo na yung mga pinagsasasabe mo noon" sagot pa ulit ni jody
"Ghorl, naranasan mo ng mapatalsik sa upuan?" tanong ni dave sakanya naka ngiti pa ito ng konti
"Uhm, hindi pa yata. Why?" inosenteng tanong naman ni jody. 'Out of nowhere yon ang question?' sabe pa ni jody sa sarili
"Gusto mo maranasan? Gusto mo malaman yung feeling? Kasi kung hindi ka pa titigil sa kakapush sakin kay mira. Sinasabe ko sayo tatalsik ka talaga mula sa upuan mo ngayon din" sagot naman ni dave na masama pa ng tingin at sinimulan ng magmaneho
Katatapos at kalalabas lang nila Jody at Dave sa salon. Todo tingin naman si Dave sa dalaga sapagkat hindi ito matigil tigil sa pag tingin sa hawak na salamin.
"Jody, ano ba yan. Kanina mo pa tinitignan ang sarili mo sa salamin. Hindi ka pa tumitingin sa dinadaanan mo. Gaga pag ikaw talaga nadapa tatawanan lang kita hindi kota tutulu— "Ay gago!" hiyaw ni jody. As if on cue nadapa nga at natalisod ito sa tiles at ngayo'y nakasalampak sa sahig ng mall.
"Ayan pucha ayan na nga ba sinasabe ko HAHAHAHAHAHAHA" sabe ni dave at talagang tinawanan nga lang si jody
Kaya naman si jody na lang ang tumulong sa sarili nya para tumayo. Pinagpagan nya agad ang sarili at masamang tinignan si dave na tawa pa din ng tawa ngayon
"HAHAHAH hindi ka kasi natingin sa nilalakaran. Laughtrip ka jody HAHAHAH subsob sa sahig eh" react pa nito
"Anong feeling makipag halikan sa tiles?" nakuha pa netong mag tanong, nang aasar.
"Halika rito, ipadadama ko sayo!" sigaw ni jody at akmang maglalakad palapit kay dave
"Hoy anong halikan?! Pero sige" sabe pa nito't lumapit pa kay jody, ngumuso sa harap ng dalaga.
