Gamit ang kamay ni jody, tinulak naman nya ang nguso ni dave "Sira ka talaga! Tara na nga" sagot nito't nauna ng umalis
"Sadlit! Ang damot pagkatapos mo kong pag buhatin netong mga pinamili mo. Hmp" react naman ni dave at nag lakad na't sumunod kay jody
"Faster! Uuwi pa ko sa bahay. Mag aayos pa ko para kay crush" pagpapamadali pa ni jody kay dave
"Tangina. Sana all talaga. Pag tungkol sakanya tarantang taranta ka't gustong mag ayos ng sobra" sabay buntong hininga pa ni dave at nagmadali, nakita nya kasing medyo malayo na sakanya ni jody
Nang maka sakay sila sa kotse ni Dave, nag check si jody ng cellphone nya. "Dab, nag text si wazell" sabe ni jody
napatingin naman si Dave kay jody "Oh anong sabe?" pagtatanong nya
"Tinatanong kung tapos na daw ba tayong mag shopping. Baka daw kasi buong mall na ang mabili natin. Hahaha" sagot naman ni jody
Nag simula ng mag maneho si Dave "2 items lang naman binili ko. Ikaw tong talagang nag shopping eh" puna ni dave sa mga paperbags sa likod
"Namili ka pa din naman" irap naman ni jody kay dave
After 1hour...
Nasa restaurant na ni Patrick si Wazell, nauna itong dumating dahil gusto daw nito tumulong sa pag aayos. Sumunod namang dumating ay sina Serrah at Heero, ang magkasintahang nag papunta sakanila.
Hindi din nag tagal dumating na din sina Charles, Eman, at ang mag asawang si Mikee at Irish.
"Asan na kaya si Jody? 5:30 na late na naman sya" pagpuna ni serrah. Binilang kasi nya ang mga kasama nila
"Hon, si rome ba natanong mo kung asan na?" tanong pa ni serrah sa nobyong si heero
"Bago kami bumaba ng kotse, katext ko yon. On the way na daw sya" si mikee na ang sumagot sa tanong ni serrah
"Oh ayan na pala si rome" turo ni patrick
"Ayan na si Dabdab! Asan na si jody??" nang makitang kapapasok lang ng kaibigan sa pinto
"Si Jody? Hindi na sya nag pasundo sakin sya na daw magisa. Dadalhin daw nya kotse nya eh" sagot naman ni Dave sa tanong ng iba
30minutes.
"Mag start na tayo. Nasa biyahe na daw ang gagang si jody" sabe ni irish nang makita ang text ni jody na natagalan lang ito sadlit pero nasa biyahe na
"Start na tayo malapit na yon. Nagpa ganda lang masyado para sa crush nya" pagbibiro pa ni wazell
"Nako olats na agad. Ayaw neto ni rome sa babagal bagal eh. Kung teacher nga to panigurado kahit 1min late lang yung estudyante hindi nito papapasukin. Di ba rome?" pago-open naman ni eman ng topic
"Hala, ganon ba? Sige pag dating ni jody masabihan nga. Nakakabawas points pala yon kay rome haha" pagsakay naman ni irish sa asaran
Habang si Rome tahimik lang na nakikinig sakanila. Sa totoo lang naiinis sya.
Pero mas pinili na lang nyang manahimik at baka may masabe syang masama na ikasira pa ng gabi ng mga kaibigan nya
"Nasa parking area na daw si Jody" pagsingit ni dave sa usapan ng iba
Bago bumaba si Jody sakanyang kotse'y tinignan pa nya ulit ang sarili nya sa salamin
"Thank goodness! Maganda talaga tong binili kong mga make up. Hindi nasayang ang pagwawaldas ko ng pera. Ang fresh tingnan sana lang talaga wag mag cakey tong funda mamaya kundi baka mapangitan sakin si jae" pagkausap ni jody sa sarili. Nang matapos ay tuluyan ng bumaba sa kotse
