KABANATA I - Cheating and Betrayal

38 1 0
                                    

Cebu City, Year 2091

Ang lamig. Sobrang lamig. Nanginginig ngayon ang mga kamay ko. Malalaking patak rin ng pawis ang dumadaloy mula saking noo. Hindi ko alam pero bakit parang kinakabahan ako na para bang may maling mangyayare. Pinikit ko lamang ang aking nga mata upang kumalma habang niyakap ko ang aking sarili.

"Claire, kalma lang. Kahibaw ko ikaw na [alam ko ikaw yan]" sambit sakin ni Aira habang hinawakan nya ang aking mga kamay.

Ngumiti lang ako sa kanya. At naging epektibo na man sakin ang kanyang sinabi dahil naging kalmado naman ako. Si Aira, ang matalik kong kaibigan na palaging nandyan para sakin. Sobrang bait nya kahit minsan topakin ako. She is my happy pill and at the same time my healing pill din. At ngayon naman, diko alam pero nangingig ako, pero nga siguro sobrang lamig lang talaga ng aircon. Andito kami ngayon sa conference hall. Lahat ng studyante mula sa iba't ibang strands ay nandito ngayon dahil inaanunsiyo na kung sino ang mga Top 1 sa bawat strand at kung sino mn ang pinakamalaking marka sa kanila ang siyang magiging Class Valedictorian sa buong batch. For the past academic years, ako naman palagi ang nangunguna sa ABM. Halos lahat sa aming klase ay pasok rin sa mga With Honors, at ako ay palaging With High Honors. Kung ikukumpara ko ang mga grades sa amin sa ibang strand, sobrang layo lang ang sa kanila. Kaya, wala akong dapat ikabahala na hindi ako ang magiging Valedictorian.

"For the ABM strand," anunsiyo ni Prof. Shaye, sabay tingin sa akin. Naramdaman ko na ang malakas na pagkabog ng aking puso. Eto na, isang swipe na lang ay makikita na namin sa hologram ang resulta.

1...

2....

3...

...Swipe...

"Whoahhh!! Congratss Claireee!!!"

"Grabiii maayoha sa akong crush uy!!"

"Omg, Lodi!"

"Yikes, maka SANA ALL man uy"

"MISS EVERYTHING, UYABA KO PLEASE!"

"YAWA brighta uyyy!"

"Makainlab mn samot atong Miss Everything uy"

"With the average grade of 98.7, the Top 1 in ABM strand, and also the Top 1 in overall, Our Class Valedictorian, Miss Claire Mendoza!" anunsiyo ni Prof Shaye na sobrang saya rin para sakin. Samot saring hiyawan na ang naririnig ko dito sa loob ng hall. At as always, eto namang mga kaklase kong palachanchaw, parang nabulabog ang nga nananahimik na alikabok. Nag group kami sa aming section ay sabay sigaw, "Go, ABM-A! AyeMAZING Babies!! Wohooohwwoo!" Aming section rin ang tinaguriang 'Beastest Class' kase kami ang top section kaya lahat kami pasok sa honors list. Everytime din na may mga pacontest, kami rin ang nanalo. At syempre ako din ang palaging pinapadala everytime may interschool quizes kaya pride din ako sa section namin. Everytime na nanalo kami o naging successful ang aning section, yan ang palagi naming hiyaw.

"HINDI SIYA KARAPAT-DAPAT NA MAGING VALEDICTORIAN!"

Isang napalakas na sigaw ang aming narinig at tumigil ang lahat. Ang boses nya ay parang galit na galit habang ang mga bilogan nyang mata naman ay diretsong nakatutok sakin na para bang may patalim na ano mang oras ay handa niyang ibaon sa aking lalamonan.

Summer Rain In San AlfonsoWhere stories live. Discover now