CHAPTER 2: MR. NIXON DELGADO

Start from the beginning
                                    

Mula sa pagkakatingin sa akin, tinignan muli nito ang vape niya at nag simulang gumawa ng isang bilog gamit ang usok.

"Ikaw, hinayaan kitang sundan ako. Kaya matuto kang itahimik ang bibig mo. Vapes, and cigarettes are prohibited here inside, so don't ever tell anyone. Even to that Matt," may banta ang mga salita nito.

"Susumbong kita!" Natatawa kong sabi.

"Sure, if you want to die," he casually said like it was nothing.

Natahimik ako roon. Noong una ay kakainin daw ako ng buhay. Ngayon ay papatayin kapag nag sumbong. Hilig sa patayan ha.

Lumapit ito onti-onti sa akin, at ako naman ay paatras nang paatras. Papatayin niya naba ako? Malayo kami, walang makakakita kung oo man.

Naramdaman ko ang matigas na pader sa likod ko. Malapit na siya sa akin, he's few inches away and he held his hands beside me. Nakahawak ito sa pader sa gilid ng tainga ko. Rinig ko ang pagbitak ng kaunting parte nito.

Inilapit niya ang mukha niya papunta sa akin nang pa-onti-onti. Nararamdaman ko na ang hininga nito, na siyang nagpa-tagilid sa akin.

"Patay, as in... sa akin," he giggled.

Sakanya...

Naamoy ko ang mint sa hininga niya, baka flavor ito ng vape na gamit niya. Onti-onting nawala ito, at doon ko naramdaman na umalis na siya.

"Sumunod ka kung ayaw mo maligaw, ibabalik na kita sa Matt mo!" Sambit nito habang naglalakad at isinuksok ang vape sa gilid ng pants niya.

Sinundan ko ito gaya ng sabi niya sa akin, ayaw ko rin naman maligaw at gusto ko nang puntahan si Matt dahil gutom na ako. Madami rin akong tanong sakanya at gusto ko siya sermonan pagtapos ako iwanan doon mag-isa!

Natagalan muli bago kami makarating sa destinasyon namin. Busy akong mag tingin-tingin sa gilid ko nang bigla akong bumangga sa likod niya. Tumigil pala ito, wala man lang sinabi.

"Doon, doon tumutuloy si Matt," turo niya sa isang building kagaya ng samin.

I nod.

Sa kaliwa ang naging daan ko, at nanibago ako nang makitang sa kanan siya dumaan. We parted ways, but I chose not to mind that. May guard sa labas nito, kaya tinanong ko kung saan tumutuloy si Matt.

"Hi, saan ang kwarto ni Matt?" bati ko.

"Name?" he asks,

He looks bold, malaki ang katawan nito. Para siyang kakainin ka nang buhay.

"Tristan..." I uttered, thinking if I should add my surname.

"Oh! This way sir!" He accompanied me on my way to Matt's room.

What happened to him? From being a huge bold guy, he became a softy in a slip seconds. People here are weird.

Ilang minuto pa ay lumabas na si Matt, halatang kanina pa ito gising.

"Hoy! Ikaw, ang tanga mo!"

Halatang nagulat ito sa bungad ko. Katukin ka ba naman at biglang sermon ang bubungad sayo, kamiss tuloy si mama... Umalis na rin ang guard kanina pa, pag tapos ako mahatid dito.

"Just ask me if you need help~" I imitated him. "Eh, hindi ko nga alam kung saan ka tumutuloy. Ni hindi ko nga rin alam kung paano lumabas sa bwisit na building na iyon, kung wala pa akong sinabayan ay hindi pa ako makakalabas!" I narrated.

"Sinong sinabayan mo?" he ask.

"Hmm, let's say na room mate ko, kasi katabi lang naman siya ng kwarto ko!" I uttered while smiling at him.

I AM THE LOST SON (ON HOLD)Where stories live. Discover now