Chapter 45

178 9 7
                                    

Ella's Point Of View

"Mommy? Mom!! No, don't take them away from meeeee!!!"

Parang akong isang bangkay na biglang tumayo sa itsura ko. Dali-dali akong dinaluhan ni Mama at Papa sa kinaroroonan ko

Nanaginip lang ba ako?

What happened? Everything felts surreal pero bakit ako nakahiga ngayon sa kwarto ko kung totoo lahat ng iyon?

"Anak, anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin anak" Alalang tanong sa akin ni Mama kaya naman bigla ko siyang tinignan ngunit napukaw ng paningin ko ang kwartong kinaroroonan ko

Sinulyapan ko pa ang damit ko at naka-patients gown ako? What the fuck?

"Mama, anong nangyari? Bakit ako nandito?" Nagtataka talagang tanong ko. Litong-lito ako pero hindi ko maipag-kakaila ang mabigat na pakiramdam na nasa dibdib ko

Biglang pumasok sa akin yung n-napaginipan ko pero hindi eh! Lahat ay parang totoo kaya hindi iyon pwedeng maging panaginip, ngunit paano ko maipapaliwanag sa sarili ko kung bakit ako nandirito?

"Anak, wag mo munang stressin yang sarili mo, magpahinga ka muna o kumain para lumakas ka" Sabi ni Mama pero parang lumabas at pasok lang iyon sa tainga ko dahil pilit kong inaalala kung panaginip lang ba yun o totoo

Hinahagilap ko din sa isipin ko kung paano ako napunta dito at halos manlamig ako nung maalala iyon

I fainted?

What the hell? Agad kong hinalukay sa isip ko lahat ng nangyari sa mansyon nila Natalya at parang paulit-ulit na sinaksak ang puso ko nung maalala ko lahat

Ang hindi ko lang alam ay kung bakit ako nawalan ng malay pero hindi ko na iyon inalala dahil kailangan ako ni Tita—ni Mommy? Lahat ng blurred na nagfa-flashback sa isip ko nito lang ay totoo pala. May babae akong tinawag na sa panaginip ko. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa nangyayari

Agad na nataranta si Mama at Papa dahil sa ganoong reaksyon ko. Lahat ng sinabi nila Mama tungkol sa totoong mga magulang ko ay bumalik sa isip ko maging nung nakita ko si Titang dumalaw sa bahay kahapon nung pagkadating ko galing sa hospital

May namuong galit sa puso ko ngunit hindi ko mailabas iyon dahil sa sobrang pag-aalalang nakikita ko sa kanilang mukha ngayon

Pero hindi humupa ang galit na nakapaskil sa mukha ko dahil yun talaga ang nararamdaman ko. Bakit sila nagsinungaling sa akin? Ano ba talagang nangyari at bakit naging ganito ang lahat? Bakit ako napunta sa kanila? Bakit ako napalayo sa totoong mga magulang ko? Bakit at paanong hindi kilala ni Kian si Questly bilang kapatid? Bakit? Paano nangyari ang lahat ng ito?

Biglang napahinto si Mama sa paglapit sa akin nung makita ang galit ko sa aking mukha. Tila natatakot siyang lapitan ako baka kasi sumbatan ko lang siya pero higit pa dun ang nararamdaman ko

Alam kong wala akong karapatan na sumbatan, sigawan at saktan sila dahil kapag nangyari iyon, wala din akong pinagkaiba kay Kian

Sinabihan ko siyang ahas dahil manunuklaw din siya sa huli despite all the sacrifices his parents' did to him. At wala akong pinagkaiba sa kaniya kapag ginawa ko iyon sa tumayong magulang sa akin na kailanma'y hindi ako pinakitaan ng masama ngunit nagsinungaling sila. Pinagkaitan nila ako ng katotohanan. Pinagkaitan nila akong makilala ang tunay kong pamilya. Pinagkaitan nila akong maramdaman ang yakap ng aking tunay na ina at ama. Pinagkaitan nila akong makasama at makilala ng lubos ang mga kapatid ko kaya paanong hindi magngi-ngitngit ang kalooban ko kung ang ilang bagay na iyon ay tinutusok na ang puso ko?

My EnemyWhere stories live. Discover now