Prologue

8 0 0
                                        

3rd Person POV

"No matter what happens, stay with them, Drago," sabi ni Leone Caltagirone — ang kasalukuyang mafia boss ng pamilya. Tanging tango lamang ang nasagot ni Drago sa kaniyang boss.

Habang papunta siya sa mga bata, hindi maalis sa isip ng binata ang biglaang pagpapaalis sakanila patungong Naples. Maraming katanungan na bumabagabag sakaniya ngunit nawala iyon nang dumating si Faustine. 

"What are we going to do in Naples, Drago?" Nagtatakang tanong ng 12-gulang na si Faustine. Nginitian lamang ito ng binatang Drago De Luca at sinabing, "Magbabakasyon lang tayo, signorina."

Masama ang kutob ni Faustine sa sinabi ni Drago ngunit isinantabi niya lahat ng masamang naiisip. Mas nangingibabaw ang kagalakan na nararamdaman ngayon ng dalaga dahil bihira siyang makalabas ng mansyon. Sinabi niya agad sa nakababatang kapatid na si Faust and pagpunta nila sa Naples, at naghanda na ng kanilang mga kakailanganin.

Matapos ang limang oras, nakarating na ang tatlo sa Naples. Pumunta sila sa Edenlandia — isang amusement park, at ginugol ang natitirang araw dito. Sila ay nagsaya, kumain ng cotton candy, at sumakay sa iba't ibang uri ng rides; walang kamuwang-muwang tungkol sa trahedyang nabubuo pabalik sa Florence. 

"Il presidente della Caltagirone Corp. e sua moglie vengono trovati morti nella loro famiglia (President of Caltagirone Corp. and his wife are found dead in their household)" Iyan ang bumungad sa tatlo pagkadating nila sa tinutuluyang hotel. Napasuntok sa pader si Drago, at umalingawngaw ang iyak ng dalawang bata sa kwarto. 

Sinubukang tawagan ni Drago ang ibang natira sa Florence, ngunit iisa lamang ang sumagot dito. "Anong nangyari? Bakit ikaw lang ang sumagot?" Nauutal na tanong ng binata.

"D-drago, wala na sila... Isang ambush ang nangyari" Sagot ng isang lalaki sa kabilang linya ng telepono. Ang kaninang lungkot na nararamdaman ni Drago ay nadagdagan ng galit. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Huminga ito nang malalim, "Ilan pa ang nawala?" tanong niya sa kausap. 

"Nalagas tayo. Kasama ang consigliere na si Alessandro, ang ama mo." Napamura sa ilalim ng kaniyang hininga ang binata. "Ang mga Tate?" tanong nito.

"Wala... wala sila, ngunit may mensaheng naiwan." Napasabunot si Drago ng kaniyang buhok at binaba na ang tawag. Tinignan niya ang mga batang kasama na ngayo'y bakas ang galit sa mga mukha.

Kailangan niyo nang mamulat sa mundong ginagalawan ng mga magulang niyo. Sabi nito sa kaniyang sarili. 

Kinaumagahan, nakabalik na ulit sila sa mansyon sa Florence. Duguan pa ang lugar na ito at hindi pa nalilinis. Marami pang mga bangkay ang nakahandusay. 

"Ate..." sambit ng batang si Faust habang nakahawak sa braso ng nakatatandang kapatid. Walang emosyong lumapit si Faustine sa trono ng ama. Pagkalapit ay nakita niya ang mensaheng binanggit ni Drago habang sila ay nasa biyahe.

Il Montfriege regenerà

"The Montfriege will reign"  Bigkas ng batang si Faustine. Sa sobrang galit nito ay pinunit niya ang papel at itinapon.

Sa murang edad ay sanay nang makakita ng dugo at bangkay ang magkapatid bilang isang pagsasanay. Hindi na bago sakanila ang nadatnan sa mansyon, ngunit ngayon, katawan na ng kanilang magulang ang nasa harap nila. 

"We'll make them pay, Faust. We'll make them pay." 

--

All rights reserved.

Author's note: This is a work of fiction. Names, places, incidents or events are products from the author's imagination; nothing more, nothing less. Any resemblance to the actual person; living or dead, events and locales is purely coincidental.

Author's note 2.0: This fiction has lots of odious words such as bad words or anything that can corrupt a child's mind so please be guided. That's all, enjoy it!

PS. This story is in TagLish Form

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Atypical OnesWhere stories live. Discover now