Chapter 22

335 19 10
                                    

Chapter 22

Bukas na ang exam namin at ngayon narin ang last day ng pag rereview ko.

Kaya mula umaga puspusan na ako sa pag rereview tumitigil naman ako minsan kapag napapagod ako.

Sinasamantala ko na ang oras ng pagrereview ko ngayon.

Hapon na at mula kaninang umaga hanggang ngayon ako nagreview kaya naman tumigil muna ako.

Nagcellphone muna ako para tignan baka may nagtext.

Halos kabisado ko na ang nireview ko

Ikaw ba naman araw araw yun ang nirereview hindi mo makakabisado?

Kaya lumabas na muna ako para magpahangin nakita ko ang mga bata na naglalaro sa kalsada.

Subdivision naman ito kaya wala masyadong sasakyan na dumadaan

Maya maya pa ay nakita ko si nathalie na nakatambay nanaman sa labas ng bahay nila.

"Psst" tawag ko

"Oh Bakit ka nandito?" Nagtataka niyang tanong

"Wala ako magawa sa bahay eh" sagot ko

"Eh diba magrereview ka?"

"Ah tapos na" sagot ko

"Weh sure ka?"

"Oo nga ikaw kaya araw araw reviewhin yun hindi mo kaya makabisado?"

"Sabagay" tipid niyang sagot

"Sa tingin mo matatanggap ako?"

"Hindi"

Nilakihan ko siya ng mata.

"Joke lang siyempre matatanggap ka ikaw pa ba" pinagmamalaki niyang sabi sabay tawa.

"Kamusta pala?" Muli nyang sabi

"Ok lang" nagtataka kong tanong dahil kanina pa kami nandito ngayon lang niya tinanong.

"Kayo ni renz?" Pagtama niya.

"Ah, ok naman bakit?"

"Wala eh parang nakakalamang na eh"

"Nakakalamang?"

"Si renz"

"Ano kaba!"

"Eh kayo naman ni sir enzo?" Muli nyang tanong.

"Ok naman, bakit?" Parang hindi na nagpaparamdam eh

"Baka busy" mapait kong sabi

"Busy? Eh diba dapat isa ka sa priority nya?"

"Priority?"

"Siyempre mahalaga ka sakanya kaya dapat priority ka niya"

"Hay nako andami mong alam"

"Oo kaya! Ganun kaya yun"

"Osige na uuwi na ako ngdidilim na"

"Sige goodluck bukas!!!"

Nagpaalam na ako sakanya para umuwi.

Pero paguwi ko asar parin ang nakasalubong ko.

Habang naglalakad na ako sa tapat ng gate namin nakasabay ko si kuya.

"Wow gabi na ah!" Sabi ko.

"Wow parang hindi ka ginabi" sumbat niya.

"Himala parang wala kang dalang bulaklak?" Sabay tingin niya sa likod ko.

Tinaasan ko siya ng kilay, at tinawanan lang niya ako.

Pagpasok namin sa bahay hindi parin siya tumigil sa kakaasar.

"Nakakalamang na ba?" Nakakaasar niyang tanong

"Wag mo akong simulan" sabay tutok sakanaya ng ballpen.

"Easy nagtatanong lang"

"Nagtatanong nang aasar?" Naasar kong sabi.

Habang nagaasaran kami ay dumating na si mama.

Nagmano kaming dalawa at dun si mama nagsalita.

"Rinig na rinig sa labas bangayan niyo ah" natatawa niyang sabi.

"Si kuya kasi nangaasar nanaman" sumbong ko.

"Ano nanaman ginawa mo" tanong ni mama kay kuya.

"Hala wala ako ginawa sayo, tinanong lang kita kung nakakalamang na" paliwanag niya habang natatawa.

"Sino nakakalamang" tanong ni mama.

"Yung manliligaw niya si renz" pilyong sabi ni kuya

"Ay talaga!" Masayang sabi ni mama

"Mama naman eh!" Naasar kong sabi.

Dahil meron kasi silang kani-kanilang boto.

Si mama kay renz tas si kuya naman kay enzo kaya ganun sila mangasar.

Naghapunan na kami at nagsi-akyatan na rin pagkatapos magkwentuhan

Pagakyat ko ini-ready ko na agad ang mga susuotin ko bukas, pati mga gamit.

Nang matapos ako nagcellphone muna ako pero ni-isa sa kanilang dalawa wala akong natanggap na message.

_

To be continued...

Kaninong team kayo? Team Enzo? Or Team Renz?

Magic In A PhotographWhere stories live. Discover now