Chapter 15

365 18 4
                                    

Chapter 15

Huling araw ko na bukas sa bar kaya naman sinusulit ko na ang pagtatrabaho.

Nagsabi narin ako kila pia tungkol dun.

"Goodluck ha!"

"Galingan mo"

"Syempre ako pa ba" sabi ko.

Naayos narin ang mga dapat ayusin at pipirmahan ko nalang.

Bukas na ako pipirma para masamntala ko ang pageenjoy ko ngaun.

Pupunta sana ako sa locker para kumuha ng towel.

Pero pagdating ko isang sticky note nanaman ang natanggap ko.

Lumingon lingon ako sa paligid dahil baka hindi pa nakakalayo ang naglagay nito.

"Sino nanaman kaya naglagay neto" bulong ko sa sarili.

Kinuha ko iyon at inilagay sa bag, pagkatapos ay kumuha na ako ng towel at tsaka bumalik doon.

Pagbalik ko ay maraming mga pagkain na dapat iserve na nasa kusina.

"Erica paki dala na yan please andami na  may niluluto pa ako" pakiusap ni kuya pat.

"Oh sige kuya ako na bahala dito" pagsang-ayon ko.

Sinerve ko na lahat ng order nila at halos madulas dulas na ako dahil sa pagmamadali.

Pagkatapos ay natapos rin ang mga sinerve ko.

Nagphinga ako sandali at uminom ng tubig.

Habang wala akong ginagawa bigla kong naisip kung sino ba talaga ang nag papadala ng mga sticky note sakin?

Sino ba siya? At tsaka anong pakay niya saakin? Bakit niya ako sinusulatan?

Mga tanong na naglalaro sa isipan ko na hindi ko mahanap ang mga kasagutan.

Maya maya pa ay bumalik na ako sa pagtatrabaho.

Mahaba haba din ang nagawa ko ngayon.

Tapos na ang oras ng trabaho at uwian narin.

Uuwi na sana ako ng tawagin ako ni renz.

"Erica!"

Lumingon ako sakanya habang papalapit siya.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Ah wala hahatid na sana kita"

"Ah Hindi na may sundo ako" palusot ko.

"Ah may sundo ka? Sino?"

Kinabahan ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko kung sino.

"Me"

Sabay kaming lumingon ni renz sa likod ko kung saan nanggaling ang boses.

Paglingon ko kay sir enzo ay agad nanlaki ang mga mata ko.

Dahil hindi naman talaga siya ang sundo ko.

At wala naman talaga akong sundo.

Nilakihan din niya ako ng mata na senyales na pumayag kana.

Agad din naman ako lumingon kay renz.

"Ah oo siya nga may nagawa kasi siya sakin kahapon, hahatid nalang daw niya ako bilang pagbawi"

Ngumiti ako kay renz at kita sa mga mata niya ang selos.

"Ah ganun ba" sabi niya sabay kamot sa batok.

"Ah sige alis na ako" sabi ni renz.

Pinasakay na ako ni sir enzo sa sasakyan niya at sumakay narin siya.

"Buti pumayag ka" sabi niya

"A-ah ayaw ko lang po kasi mapagalitan"

Tumingin siya saakin ng nakapagtataka.

"Bakit" seryoso nyang sabi.

"Ah baka po kasi magalit kayo saakin kapag hindi ako sumunod eh" sagot ko.

Tinuon na niya ang atensyon niya sa pagmamaneho.

Pagdating saamin bago ako bumaba ay may sinabi muna siya.

"Tomorrow after work dont call me sir anymore" utos niya.

"B-bakit po?" Tanong ko.

"Cause iam not your boss anymore" sagot niya.

Sumangayon nalang ako at lumabas na dumeretso na ako sa kwarto oara magpahinga.

Pero agad nahagip ng mata ko ang sticky note na nalaglag mula sa bag ko.

Nakita ko ang sulat.

You'll always be my girl

           -*******

_





Magic In A PhotographWhere stories live. Discover now