Chapter 35 : Mr. Do

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi na namin alintana ang ulan. Wala na kaming pakialam kung mabasa kami. Wala kaming payong at hindi kami makaka-uwi kung hindi pa kami maglalakad ngayon. Malapit lang din naman ang bahay namin kaya ayos lang. Maliligo na lang kami pag-uwi.

Habang naglalakad, napansin kong tahimik si Midori. Tingin ko iniisip pa rin niya si Mister Do.

Kung sana naririnig ko rin ang thoughts niya, edi sana nalaman ko na kung anong iniisip niya at kung anong p'wede kong sabihin sa mga oras na 'to.

Nanatiling tahimik si Midori hanggang sa marating namin ang kanto papunta sa bahay. Marami pa ring estudyante na nakakalat dahil mostly ng mga students sa Cessation High ay dito nakatira.

Unexpectedly, something—someone bumped us from behind.

Hindi naman kami natumba ni Midori. Dahil sa nangyari, tila nagising ang diwa ng kaibigan ko.

"Ano ba 'yan ate girl, ingat-ingat naman sa daan. Ang ganda-ganda ng binangga mo oh," ani Midori kaya bahagya akong natawa.

"Aksidente naman 'yon Midori," giit ko. "Hindi ba?" nakangiting tanong ko sa babae.

But looking at her is a bad move.

I saw her future.

Two years from now, there's an outbreak. Global outbreak about an unknown disease spreading from Southeast Asian countries until it covers up the whole continent of Asia. Weeks after that, the disease spreads through the other continents and she's there, fighting for her life with some acquaintances. I also saw her loss and how she managed to stay alive during the apocalypse.

'Yon ang tangi kong nakita sa mga mata niya.

May isang salita na paulit-ulit kong nakikita sa future niya.

Suicide.

I don't know what does it mean, pero tingin ko konektado 'yon sa disease na nakikita ko sa mga mata niya. Something that doesn't entirely make sense to me.

"S-sorry po. Nagmamadali po kasi ako," ani ng babae. "M-mauna na po ako. Sorry po talaga," dagdag pa niya.

Akmang aalis na siya nang magsalita ako. "Anong pangalan mo?"

Saglit siyang humarap sa akin, bakas sa mukha niya ang pagtataka. "E-Eunice po," mabilis na saad niya bago muling tumakbo palayo.

Eunice.

Anong meron sa future niya?

Dalawang taon 'yon mula ngayon.

Taong twenty twenty.

Anong sakit ang meron sa taong 'yon? Bakit nagkaro'n ng global outbreak?

Sa pagkakatanda ko, twenty twenty rin 'yong depressed zombies. Hindi kaya 'yong global outbreak na nakita ko sa mga mata no'ng Eunice ay iisa sa nakita kong vision sa depressed zombies?

"Niana?" Agad akong napatingin kay Midori nang tawagin niya ang pangalan ko. "Stop thinking deep thoughts. Uwi na tayo. Giniginaw na ako. Baka lumakas pa 'yong ulan," aniya kaya wala akong ibang ginawa kundi ang tumango.

Naglakad na kami pauwi.

Inalis ko na sa isip ko 'yong nakita ko sa future ni Eunice hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Dumiretso ako sa banyo sa kwarto nila mama. Wala pa rin sila kaya ayos lang na gamitin ko muna ang banyo sa kanila. 'Yong banyo naman sa kwarto ko ang ginamit ni Midori.

Dahil walang damit si Midori, pinahiram ko muna siya ng sa akin. Pwera sa undergarments. Hindi naman gaanong nabasa ang kaniya kaya hindi ko na siya pinahiram. Magpapalit na lang daw siya pag-uwi niya sa kanila.

Pagkatapos no'n, sabay kaming naupo sa sofa sa may sala. Sobrang tahimik na at tanging mga motorsiklo na lang na dumadaan mula sa labas ang nagbibigay ng ingay sa lugar.

Tingin ko umaga na makakauwi sila mama at papa. Mukhang importante ang lakad nila ngayon.

Napatingin ako kay Midori. Hindi kasi siya nagsasalita. Usually kapag kaming dalawa lang dito sa bahay, parang nagkakaro'n ng giyera. Sobrang ingay dito at kung anu-anong kalokohan na ang ginagawa namin. From pillow fights to bet games and dare games, all sorts of things we can do with liberty on our palms.

Pero ngayon, wala.

She's not in the mood.

"Midori? Ayos ka lang ba?" hindi na nakapagpigil pang tanong ko.

She blinked her eyes before answering. "O-oo. May naalala lang."

Naningkit ang mga mata ko. "Si Softy?"

Agad niyang nilayo ang tingin niya sa akin. Kinumpirma lang niya na si Softy nga ang naalala niya.

Softy was one of Midori's friends before. I don't know about her, but let me just say she's different. Utterly different from the rest of us.

"Iniisip ko lang kung ayos na siya ngayon. Kung payapa na ba siya," Midori said.

Napasinghap ako bago tumingala. "For sure okay na siya ngayon. Nakalimutan naman na natin ang mga nangyari noon hindi ba? Kaya tingin ko, ayos na siya. Nakamit na natin ang hustisya na hinahanap niya nang makulong si Mister Do," saad ko.

Panandaliang nangibabaw ang katahimikan sa pagitan namin.

Midori and Softy became comrades because of Mister Do. Hindi ko na gaanong maalala, pero ang alam ko lang, konektado si Mister Do kay Softy.

"Sana nga ayos na talaga si Softy ngayon," alanganing ngumiti si Midori kaya ngumiti ako ng todo.

"Let's change the topic!" magana kong saad para itaboy ang tahimik at dull na ambiance sa paligid namin. "Sabi ni Carson sa akin—"

"Ayieee! Nag-usap sila," mapang-asar na saad niya kaya awtomatiko akong napakunot ng noo.

"Sudden change of mood 'yan?" sabi ko kaya natawa siya. "So ayon nga. Sabi ni Carson sa akin, maganda raw 'yong foundation anniversary ngayong taon. May music festival daw na magaganap."

"Music fest," pag-uulit ni Midori. "Ikaw lang na mahilig sa music ang natutuwa para do'n," aniya kaya sinimangutan ko siya.

"Fudge, Midori? Hindi mo ba naisip, kapag music fest, maraming tao?"

"Oh tapos?"

"Ibig sabihin maraming lalaki! Hindi ka mahihirapan mag-hunting!" saad ko sabay tulak sa kaniya.

"Anong akala mo sa akin?"

"Malandi?"

"Gaga! Maharot lang ako! Hindi ako malandi," aniya sabay flips hair kaya natawa ako.

Marami pa kaming pinagkwentuhan. Mga random topic na kung ibang tao ang tatanungin ay paniguaradong susukuan kami. Tsismis sa mga kaklase naming away-bati, kaka-break lang sa mga jowa nila, at iba pa na naririnig namin sa campus. Pagkatapos no'n, nag-movie marathon kami ni Midori.

Since pareho naman naming ayaw pang matulog, series ang pinanood namin.

Habang nanunuod, biglang sumagi sa isip ko 'yong babaeng nakabangga sa amin kanina. 'Yong Eunice.

'Yong nakita ko kasi sa mga mata niya, parang nahahawig sa mga vision na nakita ko. Pero malabong isa sa mga possibility of the end 'yon dahil hindi ako napunta do'n. May pagka-apocalyptic ang scenario pero sure akong hindi 'yon isa sa mga possibility.

Siguro, isa lang 'yon sa malalaking problema na kakaharapin ng mundo sa hinaharap.

I wonder what it means and how it ended.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon