KABANATA 23

67 5 1
                                    

KABANATA 23

"Love, sorry."

"Sorry for what? Hindi kita masisisi, maganda siya prinsesa pa. Ako ito lang. Mortal pa."

"No! Please don't say that, kapag pinalayas ka nila hindi na kita makikita. Hindi tayo mag hihiwalay. Hindi ba't sabi ko sayo na hindi kita bibitawan?" He said.

Binuksan ko ang pintuan at tumambad sakin si Rufus na may mga namumugtong mata.

Napayakap ako sakanya bigla.

"I'm sorry, sa tingin ko mali ang gusto mong mangyari. Hindi pwede!nakatakda kang ikasal sakanya, dapat sakanya mo ituon ang atensiyon mo." Sagot ko sakanya tsaka kumalas sa pagkakayakap.

Umiling siya ng ilang beses at nakitang may nagbabadyang luha na pumatak galing sa mga mata niya.

"No! Bakit, mahal ko ba siya?" Natahimik ako dahil doon, mahal ba niya si Eula?

Bumagsak ang tingin ko sa sahig at kinagat ang pang ibabang labi.

"Can I come in?" Tanong nito.

Tumango lang ako nang hindi ibinabaling ang tingin sakanya.

"Ilang days pa lang tayo, maghihiwalay agad?" Katwiran niya pa.

"Syempre ayokong mangyari iyon, hindi ko kaya. Pero parang ang hirap ng gusto mong mangyari."

"Kakayanin natin."

"Anong sabi ng Hari?" Tanong ko.

"Ang sabi niya, hiwalayan daw kita." Umawang ang labi ko dahil doon. "Pero, sa tingin mo susundin ko siya?"

I shrugged my shoulders as an answer.

"Handa akong hamakin ang lahat para sayo." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang ulo ko.

"Rufus, paano kapag nahuli tayo?" Tanong ko habang nakayakap pa rin sakanya.

"Edi mahuli." Tawa niya.

Nanatili kami sa ganong posisyon ng mga limang minuto pa.

"Just trust me, Eli. Hinding hindi kita bibitawan, pangako." Sambit niya bigla.

"Lagi mo namang sinasabi yan, alam ko namang sa huli iiwan mo rin ako." Wala sa sariling sambit ko.

"Hindi ba ang sabi ko sa'yo magtiwala ka lang? Promise is a promise,  and when I say it, believe me it will happen."  Alam ko sa sarili ko na hindi ko deserve ang ganitong klase ng pag-ibig. Sobra-sobra 'to kumpara sa inaasahan ko.

Tumango lang ako sakaniya. Natatakot ako. Natatakot akong malunod sa pagmamahal na ito, natatakot akong maiwang mag isa sa huli. Ayokong mangyari iyon.

Lumipas pa ang ilang oras at umalis na si Rufus sa aming silid, bumalik si Damien kalong kalong si Amor at ang aking Grandma Lenora na umiiyak.

Agad itong lumapit sakin at yumakap ng mahigpit at humagulgol.

Takang ibinaling ko ang mga mata ko kay Damien ngunit isang malungkot na ngiti lang ang isinagot niya sakin.

"Eleanor.." Ramdam ko ang lungkot sa tinig ni Grandma.

"A-ano pong nangyari?" Bumaling ako sa likuran nila at hinanap ng mga mata ko si Lola Lyn. "Asan si lola?" Tanong ko pa.

"Apo ko," Lalong humagulgol si Grandma na dahilan para tumibok ng mabilis ang puso ko. "Wala na ang lola mo."

Bigla siyang humagulgol na parang walang humpay, napaupo ako sa sahig sa narinig.

Unti unting tumulo ang mga luha galing sa aking mata, bakit? Bakit siya pa? Bakit ang lola ko pa?

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now