KABANATA 5

78 6 0
                                    

KABANATA 5

"Nasan!?" Tanong agad ng hari.

"Iniwan po nila ang kaawa awang bangkay ni Lady Eloisa sa likod ng palasyo. Tadtad po ito ng saksak, nakatarak pa po ako kutsilyo sa kanyang dibdib at may bakas ng kagat ng isang bampira sa leeg." Paliwanag ng kawal. Parang nanlumo ako sa sinapit ng Mama ko. Gustong gusto kong umiyak. Ngunit kailangan kong magpakatatag.

Nilingon ko si Damien at Amor, si Amor ay tulog pa din sa balikat ni Damien. Habang si Damien ay natigilan ng marinig iyon, unti unting lumandas ang mga luhang galing sa mga mata niya.

"Lady Eleanor, Damien, halika'yo dito." Pagtawag samin ng Hari sa mababang tono. Tumukhim ito tsaka malungkot kaming tinignan.

Tumawag ito ng isang kawal para utusan ang isang taong tinatawag nilang Grandma Lenora na dalhin si Amor sa tinutuluyan naming kwarto.

"Maari kayong sumama sakin. Kayong dalawa, iwan niyo muna si Amor sa kwarto niyo at ibinilin ko na siya kay Grandma Lenora." Paliwanag nito, tinignan ko si Damien na tumango sakin tsaka ibinalik ang tingin sa Hari. Tumango ako dito.

Ibinigay ni Damien si Amor sa dumating na matandang babae. Kasing laki ko lamang ito, maputi ang kutis, matangos ang ilong at medyo may wrinkles na sa bandang noo.

"Grandma.." Tawag ni Damien. Lumingon sakanya ang matanda tsaka tumango. Sumulyap ito sakin at pinaningkitan ako ng mata. Para bang kinikilala ako nito.

"Eleanor..." Bulong nito ngunit sapat na para marinig ko.

"Po? Oho, ako nga po si Eleanor." Sagot ko, tinitigan ko nang mabuti ang kanyang mukha. Hmm, familiar.

Ngumisi ito tsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa, lumapit ito sakin tsaka may ibinulong.

"Di maipagkakaila na apo nga kita..." Bulong nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

Apo?

"Sige na, Grandma, pakibantayan muna si Amor sa kwarto nila at pupunta kami sa mga imbestigador at ipapa-otopsiya na din namin ang katawan ng kanilang ina." Sambit ng hari, tumango si Grandma Lenora tsaka umalis.

"Ang weird niya," bulong ko kay Damien, narinig kong napa-tsk si Damien tsaka ko siya nilingon. "Anong problema?" Dagdag ko, umiling naman ito kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

"Wala nga, Ate." Seryosong tugon niya.

"Halina't marami pa tayong aasikasuhin." Pag-aya samin ng Hari. Sumunod kami sakanya.

Habang naglalakad kami ay nakakaramdam ako ng halo halong emosyon, kaba, lungkot, takot at galit.

Kaba dahil sa tingin ko ay hindi ko kakayaning makita ang sinapit ng aking ina. Lungkot dahil ngayon ko na nga lamang siya nakita ay ganito pa ang nangyari. Takot dahil sa matinding panganib na kakaharapin ko sa mga susunod na araw at galit, galit sa mga gumawa sakanya nito.

"Ate..." Napalingon ako kay Damien nang tawagin niya ako. Nasa labas na pala kami ng palasyo at binabaybay ang isang maliit na bridge papunta sa likudang bahagi nito.

"Hmm?" Sagot ko.

"Kanina pa kita tinatawag, anong nasa isip mo?" Tanong niya. Umiling ako tsaka alanganing ngumiti.

Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang bangkay ng aking ina. Nangilid ang luha ko at napayakap kay Damien.

Nakatakip ito ng kulay puting kumot at may mga imbestigador na magsasaliksik dito.

Habang papalapit kami ay mas lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib ko.

"D-damien, hindi ko y-yata kayang makita si M-mama." Nauutal kong sabi. Pilit kong pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Nakayakap pa din ako sa kapatid ko habang hinahaplos niya ang buhok ko.

Marked by the PrinceWhere stories live. Discover now