"What?" It was Hendrix.

"Saan ka? Bat hindi ka pa pumapasok?"

Nag isip naman ako nang pwedeng idahilan. Ayoko ko lang kasing malaman nilang magiimbestiga ako dun. Ayokong mag alala sila.

"Maglakad lakad lang. Pakisabi sa kanila na babalik din ako mamaya." Sabi ko at nagsimula nang maglakad para hindi na siya magprotesta pa.

Kinuha ko sa likod nang sasakyan ko ang black Hoodie ko at sinuot ito.

Nagsuot rin ako nang mask para walang makakakilala sa akin.

Nilagay ko ang hood hanggang sa matakpan nito ang noo ko.

Naglakad na ako papalayo sa bahay.

Nang makarating ako dun wala namang kakaiba. Wala na ang sasakyan ko at ang sasaakyang nakabangga ni Autumn. Or bingga si Autumn.

May mga ibang piraso pa nang sasakyan na hindi pa naliligpit nang pulis. Ineekspeksyon ko iyon isa isa baka may mahanap akong clue o kung ano mang ebidensiya na makakatulong.

Ngunit wala. Napag isipan kong bumalik na lang sa bahay dahil magdidilim at baka hinahanap na nila ako dun. Magluluto pa naman ako nang hapunan naming labing apat.

Mapapaaga ata ang pagiging studyanteng ina ko nito.

Sinimulan ko nang lumisan sa kugar na iyon ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may naapakan ako.

Yumuko para kunin at tingnan ito. It was a necklace. Base on it's looks it was an expensive one. Kanino naman kaya to? Kung sino man ang may ari nito pwede bang pakksabi sa kanya na may naiwan siyang isang napakahalagang bagay dito?

I examine the necklace. E kung iprenda ko kaya to? Malaki laki rin siguro ang makukuha ko dito. Ibinulsa ko na ang kwintas na iyon. Sa bahay ko na lang ulit ito titingnan nagdidilim na kasi.

Binilisan ko ang paglakad pauwi nang bahay.

Nang makarating na ako sa tapat ng bahay namin kung saan naka park ang sasakyan ko hinubad ko kaagad ang hoodie at mask ko.

Pagkapasok ko agad sa bahay siyempre. Dahil labing tatlo sila na naiwan dito. Ang ingay. Daig pa ata nila ang isang bar o club sa sobrang ingay nila.

Hindi ko na lamang sila pinansin. Tinawag ko si Rain para magpatulong.

"Rain!" Sigaw ko. E kung tatawagin ko lang naman siya hindi nita rin naman ako maririnig.

"Po?" Sagot nang isang boses na hindi ko akam kung saan nagmula. Inikot ko ang paningin ko para mahanap siya. Nang muli akong lumingon nakita ko siyang nakangiti sa akin.


"Bakit Ate? May kailangan ka?" Si Rain talaga yung magalang sa akin e.

"Pwede bang ihanda mo yung ingredients sa kusina tsaka palinisn na rin kung may prutas. Maliligo lang ako." Sabi ko at umakyat na sa kwarto ko para maligo. Inilagay ko ang kwintas sa ibabaw nang cabinet para walang makakita.




Sinout ko yung short na kulay black at sleeveless na white. Mapapagkamalan mo nga akong nakasuot ng cycling e. Hindi bsle nasa bahay naman ako. Pinusod ko ang buhok ko at may iniwan akong ilang hibla ng buhok sa likod.


Pagkatapos kong magayos bumaba na ako para makapagluto.

"Whew!"

Binato ko ng tsinelas si Kiara ng ginawa na iyon. Parang gago. Rinig ko naman abg tawa niya habang papunta ako sa kusina.


Pagpasok ko sa kusina ay may nakita akong isang bulto ng lalaki na nakatalikod sa akin at humihiwa ng carrots.


"Hoy!"


Hold Me TightOnde histórias criam vida. Descubra agora