Chapter 18

27 4 0
                                    

Summer's POV

I stayed until night to look out for Autumn. Pinauna ko ng umuwi ang mga kapatid ko at ibinilin ko sa kanila na bantayan ng mabuti si Snow.

Pero ang ikinatataka ko ay nagpaiwan rin si Declan. Naka upo siya ngayon at natutulog. Alam kong mahirap ang posisyon niya sa pagtulog kaya kinuha ko ang ibang upuan at pinagdugtongdugtong ito. Pagkatapos nun kumuha ako ng dalawang extrang kumot. Inirolyo ko ang isa para gawing unan niya. Kinuha ko ang cellphone niya na nasa tabi niya baka mabasag pa ito. Hinawakan ko siyasa ballikat at dahan dahang pinahiga. Nilagyan ko na rin siya ng kumot.

Lumuhod ako para pumantay ako sa mukha niya. Tiningnan ko siyang maigi.  Hindi ko alam kung gaano ko katagal sitang tinititigan.

Naudlot lamang ito nang ibukas niya ang isa niyang mata. Tumayo agad ako at pinagpag ang damit.

"Don't look at me for too long. Baka mainlove ka" Sabi niya at tumawa pa ito ng nakakaloko bago tumayo.

"Anong look at you for too long ka dyan? Assuming mo a." Sabi ko at umupo sa gilid ng higaan ni Autumn. Hindi ko pa pala nasabi sa inyo na nagpaiwan rin si Aux. Naks.

"Sus kunyari ka pa." Sabi niya at hinawakan ang kanyang tiyan.

"Gutom na ako." Sabi niya na parang bata.

"So anong gusto mong gawin ko?"

"Kainin kita." Tinaas baba pa niya ang dalawa niyang makapal na kilay. Kinuha ko ang pinakamalapit na unan at hinampas sa kanya. Bwiset ang manyak.

Tumawa naman ito ngunit mahina lamang. Naka kasi magising sina Aux at Autumn. Napabuntong hininga naman ako. Kailan pa kaya magigising si Autumn?

"Hoy!" Pagtawag sakin ni Declan.

"What?" Naiinis ko namang sabi sa kanya.

"Kain tayo sa labas."

"Sino magbabantay kay Autumn?" Tanong ko sa kanya.

Ininguso naman niya si Aux. Kaya naman lumapit ako kay Aux na natutulog at malakas kong niyugyog ang kanyang balikat.

Agad naman siyang nagising.

"Ano kailangan niyo?" Sabi niya at kinusot pa ang mga mata niya.


"Kakain kami sa labas. Nagrereklamo na kasi ang mga Anaconda sa tiyan ni Declan. Dadalhan ka lang namin dito nang pagkain pagbalik namin." Paliwanag ko sa kanya at tumango lamang ito.


"Bantayan mong mabuti si Autumn ha. Baka kung ano pa ang mangyari diyan." Paalala ko sa kanya. Pumunta ako sa banyo para magbihis ng komportableng damit.

Paglabas ko naghihintay na si Declan sa pintuan. Pumayag lang naman ako na sumabay sa kanya dahil gutom na rin naman ako. Hindi rin ako nakakain ng tanghalian dahil sa kakabantay ko sa kapatid ko tsaka ayaw ko ng lasa ng pagkain ng nasa Hospital.

Naglakad na kami papalabas. Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa Restaurant na gusto niya. Hindi na rin naman ako nagreklamo dahil medyo pagod ako. Tsaka gusto ko rin namang kasama tong si Declan.


Wait? What?! Did I just say that?! Fuck Erase that in my mind.

"Were here." Sabi niya na pumukaw sa atensyon ko. Bubuksan ko na sana ang pinto kaso pinigilan niya ako at bumaba siya at umikot at pinagbuksan ako ng pintuan.

Hindi ko alam na may pagkagentleman pala to. Pero I'm touched. Minsan lang kasi may gumawa sa akin ng ganyan.

He hold my hand. Then there! The feeling when he hold my hand. They're was like an electricty between our skin and hands.

Binawi ko ang kamay ko pero hinawakan niya ulit ito. This time it's tighter.

Hinayaan ko na lamang siya. Ewan ko ba kung bakit ganito umasta. These past few days ganyan siya lagi parang sweet?

Naghanap si Declan ng upuan na pangdalawahan.

Nang makahanap na siga ay iginaya niya ako papunta sa lamesa namin na malapit lng sa pintuan. Kinuha na niya ang Menu at nagorder. Siya na rin ang nagorder nang akin. Hindi man lang tinanong kung ano ang gusto ko.

I heared my phone rang while were waiting for our order to arrived.

It was an Unknown number. Tumigin si Declan sa akin.

"Sagutin mo na yan. Ang pangit pakinggan ng ringtone mo." Wala talagang kwentang kausap ang lalaking to.

I answered the phone. Dinagdagan ko ang volume nito sapat na para marinig namin ni Declan.

["Did you like my surprise?] A deep dark voice of a girl we hear. Surprise? Is she the one behind what happened to Autumn? Kumunot naman ang noo ni Declan. Like he knew who was the Anonymous caller was. Is this someone he know?

"Who the fuck are you?" I angrily asked.

["Don't worry you'll knew me when I already finished my business with your sisters."] This Unknown stupid shit said then she laughed like an evil witch.

I can all my blood rushing to my head. So she is really the one who is behind to all this mess. Fuck.

["By the way. Enjoy your Dinner Date with Declan!"] Then the call ended. What the fuck? I think that snake was here. How does she know that I have a dinner with Declan. Then nakita kong pumasok si Kiara. Siya agad ang suspek na pumasok sa isip ko.

May galit sa akin si Kiara kaya posibleng siya. Pero hindi naman siguro aabot sa ganito diba? Tumingin siya kay Declan at ngumiti ito peo hindi siya pinansin ni Declan at nung nakita ako ni Kiara ay umiba ang mood nito at inirapan ako.

"Ma'am,Sir heres your orders." Naabala ang lag iisip ko dahil dumating na rin sa wakas ang order namin.

Mukhang masasarap naman ang mga pinili ni Declan kaya no worries. Tahimik lang ang simula nang pagkain ng basagin ko ito.

"Kilala mo ba yung Caller?"



Tumingin naman ito sa akin at umiling. I doubt.

Kapag ito nagsinungaling sa akin patay to.

Tahimik lamang kaming kumain. Walang balak ni isa sa amin ang magsalita. May lumapit sa amin na magandang babae pero hindi ito nakita ni Declan dahil nakatalikod ito sa kanya.

Maganda siya. Maputi. Tsaka mukhang mamahalin ang mga suot.


Malapit na siya sana aa amin kaso biglang nagring ang phone niya kaya hindi natuloy. Tumingin muna ito kay Declan at sa akin bago umalis.

Ano ba kailangan ng babaeng to? Tusok ko to sa mata niya ang hawak kong tinidor e.

Hindi na lang ako nagsalita pa hanggang sa matapos na akong kumain. Si Declan ay hindi pa rin tapos. Nakaramdam ako ng ng tawag ng CR kaya nagpaalam ako sa kanya na mag C CR lang ako.

Papasok pa lamang ako sa CR ng may bumunggo sa akin na black person. Hindi ko naaninag ang mukha nito dahil nacover. I saw he or she drop a thing. Kinuha ko ito para ibigay sana sa kanya kaso hindi na siya nahagip pa ng mga mata ko. Asan na kaya yun?

Tiningnan ko ang box na kulay black na mukhang mamahalin pa dahil may mga gems pa ito. Tinago ko muna ito sa bulsa ko. Baka sakaling makita ko pa yung nagmamay ari nun.

Nung makatapos na akong mag CR bumalik na ako sa lamesa na kinakainan namin mamaya pero wala na si Declan. Aba naman. Iniwan ako. Inilibot ko ang mata ko at nakita ko siya sa labas ng Restaurant. May kausap na lalaki na kasing edad niya lamang.


Tinawag ko ang waiter at tinanong kung nakabayad na ang table namin at tumango naman ito para sabihing oo.

Lumabas ako dahil nagbabasakaling makita ko si Declan sa labas.

At tama nga ako. May kausap siyang lalaki. Kaedad niya lang siguro.



Euphoria_Clarisaa

Hold Me TightWhere stories live. Discover now