Chapter 1: Introduction

103 49 0
                                    

Declan's POV

"Pare! Hoy! Ano na?" Bumalik naman ako sa diwa ko nang pinitik ni Callixto ang noo ko.

"Aish! Ano ba?"

"Kanina ka pa namin tinatanong kung gusto mo ba malaman ang tungkol kay Summer tapos hindi ka naman sumasagot para kang tanga na nakatunganga diyan." Pagsesermon ni Arthur sa akin.

"Aish! Oo na." Pagsuko ko sa kanila.

Ngumiti naman nang malapad si Aux. Bigla namang pumasok si Summer pabalik sa Cafeteria at umupo sa grupo ng mga babae hindi malayo samin.

"Siya si Summer Brooklyn Leal. Ang pinakamatanda sa anim na magkakapatid. Mabilis uminit ang ulo niya kaya wag kang magtangkang lumapit diyan. Mahilig ito sa Shrimp at ang hobby nito ay ang pag babadminton. At nagkaroon na ng ex yan kaso iniwan daw? Yan nakalap ko ih ." Paliwanang ni Aux habang tinuturo si Summer. May pagka chismoso talaga tong si Aux kaya wag na kayong magtaka kung ano ano na ang mga pinagsasabi niya.

"Ang babaeng nakangiti naman ay Si Autumn Brooklyn Leal ang pumapangalawa sa magkakapatid siya ata ang kakalog kalog sa kanila and By the way fan ako ni Autumn isa siyang model sa iba't ibang AD paborito niya si Taylor Swift halos lahat nang album ni Taylor siguro ay nabili na niya. Mahilig siya sa kare kare at ang paborito niyang hobby ay ang magskating."

"Ang babaeng maikli ang buhok ay si Snow Brooklyn Leal ang pangatlo sa kanilang magkakapatid kaso hindi lang halata kasi maliit siya. Siya naman ay laging namimilosopo sa kanila at walang makakatalo sa kaniya doon. Mahilig siyang manoud ng Kdrama's at Idol nito ay si Park Hyung Sik. Mahilig ito sa Brownies lalong lalo na ang kapag gawa ito ng Mama niya. Nagkaroon na siya ng Boyfriend once pero iniwan rin siya. Ang hobby nito ay ang pagluto."

"Ang babaeng nakasalamin naman ay si Rain Brooklyn Leal ang pumapang apat sa kanilang magkakapatid. Siya yung Nerd o Bookworm. Mahilig itong magbasa ng libro. Hindi libro na tungkol sa mga lessons kundi Wattpad Book at ang paborito nitong author ay si Owwsic mapanakit. Never pa siyang nagkaboyfriend dahil gusto niya yung mga lalaki na gaya sa mga librong nababasa niya gaya ni Ace. Paborito nitong kainin ay ang Kimchii at ang hobby nito ay ang magbasa siyempre."

"Iyong babaeng hindi naman nakangiti ay si Winter Brooklyn Leal ang pang lima sa kanilang magkakapatid. Siya yung tipong babae na hindi mo makikitang ngumiti o Cold. Never pang nagkaroon ng boyfriend. Mahilig itong kay Billie Eillish. At ang hobby niya ay ang pagVoVollyBall."

"Ang ang panghuli naman ay si Spring Brooklyn Leal. Ang bunso. Kung tingnan mo ay inosente siya pero sa oras banggain mo siya humanda ka na. Mananahimik lang ito kapag kaaway mo pero aatake ito nang hindi mo alam. Para bang Angel In Disguise siya. Demonyo pa yan sa Demonyo. Mahilig siya kay Avril Lavigne. Medyo may pagkatomboy siya. Mahilig siya sa Ice Cream at ang hobby nito ay ang pagbabasketball."

"Tangina Hiningal ako dun ah" rinig kong sabi ni Aux.

Hindi ko maialis ang tingin ko kay Summer na ngayo'y naka salubong na naman ang kilay nito habang pinagtatawanan ni Autumn.

Bigla namang napatingin sa gawi ko si Summer kaya bigla kong iniwas ang tingin ko at nagkukunwaring tumatawa.

Summer's POV

Naiirita na ako dun sa lalaki na nakaupo di kalayuan sa amin. Kanina pa kasi tingin tingin sarap tusukin ng mata nito at ipakain kay Kiara ih.

Hanggang ngayon mainit pa rin ang ulo ko dahil sa nangyari kanina.

"Ang astig ni Ate Summer no? Kiara Girl?" Sabi ni Autumn habang ginagawa ang pagsalita ko kanina habang tumatawa pa.

"Ano ba manahimik ka nga Autumn di ako makapag fucos sa binabasa ko dahil sayo." Saway naman ni Rain sa kanya.

Hold Me TightWhere stories live. Discover now