Glimpse of Jubilance

82 3 15
                                    

"Gold, i'm breaking up with you."

"Gold, i'm breaking up with you."

"Gold, i'm breaking up with you."

"Gold, i'm breaking up with you."

Ha!

Sabi na't yun lang ang pinunta niya rito sa café na pagmamay-ari ko eh! Aba't ang kapal naman ng mukha niyang makipag break sa akin matapos ko siyang ibili ng sapatos na pang laro niya eh no?

Akala niya ba malulungkot ako kapag nakipag break siya sa'kin? Ha! Neknek niya dahil sorry siya at sanay na sanay na ako na binebreak ako ng mga papapapapakshet na mga lalaki na yan! Tse! Walang forever.

"Oh talaga? Bakit?" Bored kong tanong bago sumimsim sa black coffee na iniinom ko.

Humalukipkip naman ang anak ni satanas. "Ang boring mo eh. T'saka hindi kita gusto." Straight to the point niyang sabi.

Aba! Ang kapal talaga ng kalyo nito sa mukha! Akala mo naman kagwapuhan e mukha namang gago! Mas gwapo pa nga yung iniyakan ko nung elem ako eh!

Nanginginig ang isang mata ko ng dahil sa inis. Naikuyom ko rin ang kamay ko at idinuro ang hintuturo ko sa kaniya.

"Pitungput pitong puting putanginamo, jinowa mo'ko pero hindi mo naman pala ako gusto! Ano ako? Supplier ng mga kailangan mo sa laro? Instant cheerer? Para may masabi ka lang na may jowa ka!? Ulol tai tai! Akala mo iiyakan kita? Gago! Eto ka!" Pinakita ko sa kaniya ang middle finger ko bago ko kinuha ang kape ko at ibinuhos iyon sa damit niya na binili ko para sa kaniya.

Ang kapal talaga ng mukha. Suot pa niya yung T-shirt na ibinigay ko sa kaniya nung weeksary namin tapos yung sapatos na regalo ko sa kaniya kahapon dahil nanalo sila sa game nila.

"'Wag ka nang magpapakita sa'kin tangnaka. Kapag nakita kita dito sa caféteria ko, tuturumpit ka sa dump site! Tandaan mo 'yan!" Bulyaw ko sa kaniya bago tumalikod.

Padabog akong pumasok sa banyo. Sumandal ako sa likuran ng pinto at inangat ang manggas ng longsleeves ko para tignan ang pulsometer ko kung normal ba ang beat ng puso ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang normal ang rate at hindi naman tumutunog. Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas at pumunta sa counter para i-check ang mga orders at mga idedeliver ng mga clients.

Bumalik ang ngiti ko na nawala kanina dahil sa pesteng lalaking yon. Pang ilan na ba siya sa mga naging ex ko? 23? Oo yata, wala naman kasing nagtatagal sa akin dahil boring daw ako at conservative. Hindi ko raw maibigay sa kanila yung tawag ng laman.

Duh. If they want those kinds of girls. Ade doon sila mag jowa sa bar! Hanggang café lang naman ako eh! At saka, pinalaki ako ng maayos ng mga parents ko.

"Miss? Hey, you're spacing out."

"Ay kike!" Gulat kong sabi, sabay hawak sa dibdib ko. Biglang tumunog yung pulsometer ko kaya dali-dali akong yumuko para kuhanin ang mga gamot ko sa cabinet na nasa ilalim ng counter.

"Miss, are you okay?" Dumungaw yung lalaki na nagsalita para silipin ako. Tinaas ko ang kamay ko para sabihin na ayos lang ako.

Letse naman oh. Nakakapahamak talaga sa'kin yung pagiging magugulatin. Baka mamaya pag nagulat nanaman ako eh, sa ospital na ako magising.

"Ma'am, tubig po."

Inabot ko naman ang tubig na ibinigay sa akin nung isang kliyente habang nakatalungko pa rin ako at kumukuha ng gamot. Matapos non ay ininom ko na iyon at umayos ng tayo.

"I'm so sorry, Miss. I didn't mean to." Sabi nung lalaki.

Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya ng maayos kaya halos mahulog ang panga ko dahil sa pagkamangha. Jusko, isang Greek God ang nakatayo sa harapan ko!

Glimpse of Jubilance (One-Shot) ✔ (Completed)Where stories live. Discover now