Sa lilim ng nagsusumigaw na liwanag ng buwan
Na nakalatag sa malamlam at madilim na kalawakan
Sa gitna ng damuhan at kung saang kasukalan
May isang kaluluwang humihiyaw para sa kaligtasan
"Sige tumakbo kang babae ka hanggang kaya mo!"
"Maawa na po kayo" habang nagkukubli sa katawan ng isa sa mga magkakapareha at malalaking puno sa paligid nya.
"Maawain naman ako. Dugo mo lang naman ang uubusin ko. Mamamatay ka pa ring maganda"
"Maawa po kayo!" habang umiiyak sa takot.
"Huli ka"
"Aaaaaaah"
Isang panaghoy, Isang alingawngaw, ang huling sigaw
Syang bumasag sa katahimikan, ilang oras bago mag madaling araw.
Samantalang sa isang lugar sa maynila
Isang kaakit akit, mala-anghel na mestisang dalaga.
Isang matagumpay at kilalang abogada
Ang kailangang magbalik hacienda, bilang tugon sa kanyang Ina
Si Lucy, nag iisang anak ni Miguel at Sophia Alcantara
[phone ring] Habang nagsasaya sa pagkapanalo ng huling kasong hinawakan.
"Hello Anak, nak nabasa ko ang text mo Congratulations ang galing mo talaga!!" "Salamat Ma, kamusta po kayo dyan?"
"Eh kaya ako tumawag. Kailangan mag pahinga muna ng ama mo."
"Ha! bakit po?"
"Pinayuhan ng Doctor na magpahinga muna dahil sumasakit na ang katawan kakaikot sa prutasan."
"Eh! pano yan ma?"
"Anak! papayag lang daw sya kung ikaw ang pansamantalang hahalili sa kanya hanggang sa makahanap sya ng taong mapagkakatiwalaan nyang humawak ng prutasan."
"Ma! Alam mo namang di ko maiiwan ang trabaho ko."
"Alam ko nak, nagbabaka sakali lang akong baka magawan mo nang paraan. Alam mo naman yang Ama mo matigas ang ulo nyan."
"Sige po Ma titingnan ko po. tatawag na lang ako para balitaan kayo.
San Vicente, tahanan ng naglalakihang
Mga hacienda at malalagong prutasan
Kung saan din matatagpuan ang kilalang
Seminaryo de San Vicente at ang kanyang katedral
Katabi ng kalupaan ng pamilya Alcantara
Di nya matitis kailanman
Pamilya'y mahalaga kaysa ano pa man
ilang araw ng pag-iisip lang ang kailangan
Para kanyang muling tahakin and daan
Pauwi sa kanyang kinalakihan
San Vicente, ang kanyang tahanan
"Manong Ed! Kamusta" Masayang pagbati sa paboritong katiwala sa hacienda nila.
"Senyora! Kailan ka pa bumalik?"
"Nung isang araw pa po. Nagpahinga lang ako kahapon pero magsisimula na rin ako magtrabaho sa prutasan ngayon."
"Ha! Masaya po ako na kayo makakasama namin pero pano po ang trabaho nyo?"
"Madali lang naman po makabalik dun kung kailangan, ang importante po ngayon ay si papa."
"Kung sa bagay matagal ka na rin hindi namamalagi ng matagal dito mula ng mag-aral ka sa kolehiyo"
"Oo nga po, namiss ko to sobra"
(Sa isang dako ng manggahan)
"Manong Ed, Sino yung lalaking iyon? (Sabay turo sa isang lalaking nagbabasa sa ilalim ng punong manga) Hindi po sya pamilyar, at parang masyado syang gwapo para maging isa sa tauhan natin."
"Hahaha!! Iyan si Chris, palagi yang nandiyan para mag-aral o magpahinga. Mula ng dumating siya diyan sa seminaryo ay lagi na yang tumatambay dito pagkatapos ng klase."
"Seminaryo?"
"Oo magtatapos na iyan sa pagpapari sa isang taon."
"Ah ganun!"(May bakas ng paghihinayang sa mukha)
"Kinatutuwaan yan ng ama mo. Hinahayaan nya lang sya na tumambay diyan at minsan nagkukuwentuhan sila."
"Parang hindi sya bagay maging pari. Ibig kong sabihin eh! mukha siyang babaero at parang di tatagal sa pagiging banal."
"Hahahaha!!! Marami ng sumubok dyan. Ilang mga babaeng taga rito na ang nagtangka na akitin siya pero walang napala. Mukha mang maamo yan, pero sa babae ay may kasungitan yan."
"Talaga lang ha!" Sabay yuko nga mapansing napatingin din sa kanya si Chris.
Chris Adam Del Rosaryo, estudyante sa seminaryo
Kilala man sa mansion pero pagkatao'y misteryoso
May kinagigiliwan na dating ito
Dala ng kanyang may pagka-banyagang anyo.
YOU ARE READING
Luna Azul
FantasyLuna Azul (short story) ✔✔ Kwento ng pag-ibig, ang pinaka magagandang kwento ng pag-ibig ay yung nabuo sa kabila ng hadlang. Pagkakaiba sa pagitan ng langit at lupa, ng mortal at imortal. Noong unang panahon sa mga bansa ng europa maraming pagmama...
