"Tulungan mo lang ako dito sa mga damit ko at yung mga Iba ay Ipapa impake nalang daw ni Dad." Sabi naman ni Timothy.

"Ahhhh Ganun ba." Sabi ko naman. Nagkwentuhan at tawanan naman kami ni Timothy habang nililigpit yung mga gamit niya, tama naman siya konti lang pala Gamit niya dito. Pagkatapos namin eligpit yung mga Gamit niya ay binaba na namin to at nilagay na sa Kotse niya. Sumakay naman na kami sa Kotse niya at tumungo dun sa isang steak House daw na malapit lang. Pagdating naman ay tumungo na kami sa loob at umupo na. Binigyan naman na kami ng Waiter ng Menu.

"Grabe ang Mahal pala dito Tim." Sabi ko naman sakanya nung nakita ko yung Menu.

"Hindi naman Gaano, pero kahit mahal masarap dito ah." Sabi naman niya.

"Anong Hindi ang mahal kaya no."

"Tss ako naman magbabayad Eh, so Anong order mo?" Tanong naman niya sakin.

"Uhhh Hindi ko Alam eh, Hindi kasi ako gaano mahilig sa Steak. Ano bang Suggest mong Masarap?"

"Mag Ribeye ka nalang Na 300g tapos order nalang tayo ng iba pa." Sabi naman niya.

"Sige, ikaw na Bahala Kasi ikaw naman May alam kung anong masarap dito." Sabi ko naman at ngumiti siya bago tumawag ng waiter.

"Dalawang Ribeye Medium rare isang 300g tapos yung isa 400g, then Butterfly buttered Shrimp, aglio e olio Family Size, and dalawang mango shake." Sabi naman niya sa waiter. Unulit pa ng waiter yung order bago umalis.

"Dami ah."

"Konti Lang yun at hindi naman tayo mag ririce Eh." Sabi naman niya.

"Pero alam na alam mong mango shake gusto ko ah." Nakangising Sabi ko naman sakanya.

"Malamang Eh halos 90% ng mga Dates natin Eh Ganoon order mo eh." Natatawang sabi naman niya.

"Pati naman ikaw Eh." Natatawa ko ring Sabi,

"Eh mahilig rin kasi ako sa Mango."

"Kita mo kaya magkapatid tayo Eh parehas tayong mahilig sa Mango." Natatawa ko namang Sabi.

"Alam mo kung anong pinagsisihan ko." Bigla namang seryosong Sabi niya. Kaya napahinto ako kakatawa at Seryosong tumingin sakanya.

"Ano naman?" Takang Tanong ko.

"Yung Hindi ko maagang sinabe sayo na kapatid mo ako, edi sana sabay tayong lumaki dito at hindi magkahiwalay." Sabi naman niya.

"Sayang nga Eh, pero atleast ngayon alam ko na at magkasama na tayo." Nakangiting sabi ko naman sakanya at hinawakan ang pareho niyang Kamay.

"Thankful nga ako at hindi ka nagalit or Tinangi ako Eh." Sabi naman niya.

"Kahit Bago mo pa ngang sabihin na magkapatid tayo parang kuya na nga kita Eh, simula palang ng unang pagkikita natin."

"Alam mo nung una nating pagkikita tapos Nagkabangan tayo."

"Uhh Oo bakit yun."

"Sinadya kong mabanga ka noon HAHHAHA." Natatawang sabi niya. Bitawan ko naman yung Kamay niya at inis na tumingin sakanya.

"Loko ka rin no ang tagal mo akong pinagloloko sa pag banga ko Sayo, tapos ikaw pala May kasalanan Tsss.." inis ko namang Sabi Sakanya. Bigla naman nitong hinatak yung kanan kong Kamay.

"Sorry na kailangan ko yun gawin para maging close tayo eh." Sabi naman niya sabay kiss sa Kamay ko.

"Oo na. Alam mo ba Nung araw na Sinabe mo sakin na magkapatid tayo Eh nung Umagang yun, Sabi ni Sam na bagay daw tayo tapos parang ligawan daw kita." Natatawa kong Sabi.

"Wow HAHAHAHAH. Pero bagay naman tayo ah kaso nga lang Kahit hindi tayo magkatapid hindi kita Sasagutin no." Sabi naman niya at gulat akong tumingin sakanya.

"At bakit naman?"

"Eh May GirlFriend na Ako eh." Sagot niya at maslalo akong nagulat.

"Ha! Wehhhh??? SINO!?"

"Si Annie, taga School Ko dati pero kami parin ngayon. LDR kami atm pero Okay lang At paminsan minsan Eh pumupunta ako dun." Pagpapaliwanag naman niya.

"Wow Buti ka pa May GF eh ako walang BF." Sabi ko naman.

"Ehhh habol ka kasi ng habol dun sa Axel na yun eh." Natatawang Sabi niya.

"Dati lang no."

"Eh di Bakit kausap mo siya kahapon bago kita dinala sa Mall."

"Eh wala yun May Sinabe lang siya."

"Hmmm Ganoon ba." Nagtuloy tuloy kwentuhan namin kahit dumating na yung pagkain namin. Bago kami natapos eh biglang dumating yung isang Waiter at naglapag ng Heart Shape cake day Harap namin. Nagtataka naman kaming dalawa ni Timothy na tumingin sa waiter, dahil hindi naman kami nag order ng Cake.

"Umm Hindi po kami nag order ng Cake." Sabi ko naman sa waiter.

"Ahhhh kwan kasi Maam May Promo kami for every couple na kakain dito ay May Free na cake." Nagulat naman ako sa Sabi niya, kasi hindi naman kami couple nitong Si Tim.

"Uhhh Hin——."

"Salamat Po." Biglang singit ni Timothy at umalis naman na yung waiter.

"Hoy ibalik mo yang cake hindi naman tayo couple Eh." Sabi ko kay Tim.

"Basta kumain ka nalang." Natatawang sabi nito. Tsss Loko talaga tong kapatid ko. Nag share naman na kami ni Timothy sa Cake at Inubos na to. Nagbayad naman na si Tim at sumukay na ulit kami sa sasakyan niya.

"Saan na tayo pupunta?"

"Tara muna dun sa Park na malapit." Sabi naman niya.

"Sige." Pagdating namin sa Park ay sinundan ko lang si Timothy at May alam daw siyang Magandang Pwesto para sa Sunset daw. Pagdating namin ay umupo naman na kami dun sa Baba ng Puno, At nakaharap kami sa dagat ang Ganda nga Eh.

"Ganda dito no." Sabi niya.

"Oo nga Eh."

"Alam mo kung Bakit ako Natakot na aminin na kapatid mo ako, at sumama sa pamilya niyo."

"Bakit?" Takang Tanong ko naman sakanya.

"Kasi Kaya lang naman ako nabuo dahil sa pagkakamali ni Dad and ng Mom ko Eh..."

TO BE CONTINUED...
[HALA ANG SADDD NAMAN KUNG GANOON ISIPIN.)
(HI GUYS SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGBASA AT PAGSUPPORTA SA STORY KO, SANA AY PATULOY NIYONG MAGUSTUHAN AT SUPORTAHAN MARAMING SALAMAT PO.)
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now