Chapter 7

108 3 1
                                    

Nananaginip na naman ba ako? Nakatayo siya sa harapan ngayon at magiging classmate ko pa siya.

Imposible.

Ano bang nakain niya at bakit nandito siya sa school namin? Anong trip ni-

"Yes miss Salazar, Is there any problem?" naputol ang iniisip ko ng magsalita si Mrs. Valdez.

"Nothing ma'am,"

"Then why are you standing?" nagulat ako sa tanong niya, pagtingin ko sa mga classmates ko ay lahat sila nakatingin sakin. Nakita ko namang tumatawa ang mga hinayupak kong friends at pati siya ay halatang nagpipigil din ng tawa.

"Sorry po." I smiled at nag peace sign ako bago umupo na ulit. Great. Pinahiya ko na naman ang sarili ko. -_-

After ng two classes namin ay may break kaya pumunta muna kami ng canteen para kumain. Balak ko sana kausapin si Brent after class, kaso nauna na siyang umalis ng room agad. Kailangan ko siyang makausap, tatanungin ko kung ano ang ginagawa niya dito at bakit siya nandito.

Kasalukuyan kaming kumakain ng marinig namin ang tilian ng mga babae sa labas ng canteen. Ano na namang meron? May artista na naman bang dumating? Napigil ko ang hininga ko ng makita siyang papasok at maging ang tili dito sa loob ay mas lumakas. Nag-ikot siya ng tingin at mukang may hinahanap, maya maya'y huminto siya ng magkatinginan kami. Naglakad siya palapit sa table namin. Sila Julio, Claire at Pia naman ay tili ng tili at inaasar ako.

"Hey," bati niya sakin, hindi ako nakapagsalita.

"Hi, wafung Brent!" bati ni Julio.

"Hi, Brent!" sabay na bati nila Claire at Pia.

"Hello guys," at nag-nod siya sa kanila. Nakatungo lang ako dahil feeling ko mamatay nako sa tingin ng mga babae dito any minute now.

"Would you mind if I'll borrow your friend for awhile?" sa gulat ko nakakunot noo akong tumingin sa kanya. He's smiling.

"You mean, Kristina?" -Pia

"Yeah,"

"Bakit, saan mo siya dadalhin?" -Claire

"Dito lang sa loob ng campus,"

"Saan naman kayiz gogora ditey sa loob?" -Julio

"She has a task to do for me."

"Anong task?" hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong.

"It's a secret," bulong niya sakin. Bigla naman nagngitian yung tatlo.

"So, let's go?" kokontra pa sana ako kaso hinawakan niya na ang kamay ko at hinatak palabas. Wala na kong nagawa kung di ang sumunod na lang sa kanya.

Papunta kami ngayon sa mini-park dito sa campus at nakasunod lang ako sa likuran niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking 'to at ano ang trip niya e. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero bago iyon, saan ba talaga kami pupunta?

"Oy," he stopped walking. "Saan ba talaga tayo pupunta?" he looked around. Napaatras ako ng isang hakbang. Ano ba namang tingin yan?

"I told you may task ka," he started walking again.

"Ano ba kasing task yun?" then he stopped again.

"I ask the dean to have a tour in the campus and they allowed me," magsasalita na sana ko ng humarap siya at unahan niya ko.

"And I requested you to be my tour guide." namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ako?" at tinuro ko pa ang sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When She Meets Him (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon