Chapter 5

69 4 0
                                    

Nagising ako dahil sa mga bubuyog na naguusap este taong naguusap malapit sa akin. Bakit parang pamilyar yung boses nung lalake at babae? Napansin kong biglang tumahimik. Wait, bakit ba ko nakikinig sa may usapan ng may usapan at bakit din ako nakahiga huh? At dahil sobrang slow po ako, ngayon ko lang na-realize ang mga nangyari kanina.

OMG! O_O

Si Brent.

Napabalikwas ako ng ma-realize ko na hindi lang isang panaginip ang mga nangyari. Ma'am Zia was smiling paggising ko. Walang brent?

"I didn't know na may pagka-clumsy ka pala, Kris. Be careful next time okay?"

"Sorry po, nagpanic lang po kasi talaga ko kanina e. Si..si.." napasulyap ako saglit sa likod niya at yumuko. No signs of Brent. Hopia much kasi e.

"Si Brent ba kamo?" napatingin ako sa kanya when she finished what name i wanted to say. She smiled back. Jusko! Nandito nga po siya, kakayanin ba to ng beauty ko? I gave her an awkward smile. Hehe.

"He's outside. Come on, i want to tell something." pagtapos ay hinila na lang niya ko agad palabas ng kwarto.

At dito na nagsimulang gumuho ang mundo ko paglabas ko ng kwartong yun. Charot! There he is, sitting pretty sa sofa at kumakaen ng pizza. Ano ba yan pati sa pagkain niya turn-on pa rin. Hindi ba talaga ko nananaginip? Pakisampal mo nga yang katabi mo kung sakali? Joke! Feeling ko tuloy ako si rapunzel kinabog ko silang lahat sa haba ng hair ko, akalain mo?

Naupo ako sa pinaka dulo ng sofa. Pinili ko talagang maupo sa dulo because I'm avoiding him. Bakit hindi, unang una sobrang katangahan yung nangyari sakin kanina at siyempre may hiya pa din ako kahit papano noh?

I tried to look at him only to know that he's looking at me too. Awkwardness alert.

"So, Brent i want you to meet Kristina," he looked at me and nod as sign of greeting. "And Kristina this is Brent Castillo, you already know him right?" I nod and smiled at her.

"H-hi." I smiled and greeted him. Did i just stutter?

"Okay! So, she will be your P.A. starting today onwards."

"Po?!" I shouted. "Sorry." I smiled awkwardly. I was shocked hindi dahil P.A. ako, dahil sa kanya ko magtatrabaho. Shemz! Hindi ko inaasahan to.

When She Meets Him (ON HOLD)Where stories live. Discover now