Nakanganga ko siyang sinundan ng tingin. Nang ibalik ko ang tingin sa simbahan, hindi ko na tuloy maalis sa isip ang mga taong namatay para magawa 'to. Napa-sign of the cross nalang ako bago sundan siya sa loob.

Pagpasok, lalo akong namangha. Mukhang bagong renovate ang simbahan dahil fresh pa ang mga pinta nito. Agaw-pansin ang malalaking chandelier sa kisame.

"Hindi ba pwedeng mamangha nang hindi naguguilty?" I grumbled as I walked down the aisle. Hinanap ko si Sia sa paligid.

I found her in front. Nakaluhod siya sa pinakaunang row. Inalis na niya ang kaniyang sunglasses kaya kita ko ang mga nakapikit niyang mata. She hid her face using her interwined hands.

Dahan-dahan akong tumabi sa kaniya. For a second, I admired the majestic altar. Then, I knelt down.

Hindi naman talaga importante ang ganda ng simbahan. The main attraction is the Man on the cross. Siya ang dahilan kaya gusto kong pumunta rito.

Hello po, kausap ko sa Kaniya habang nakapikit. Pinasalamatan ko Siya sa safe naming byahe kahapon. Nagpasalamat din ako sa iba pang mga biyayang natanggap ko sa nagdaang araw. Humingi na rin ako ng patnubay para sa lakad namin ngayong hapon.

Sabi po, kapag first time sa simbahan, pwedeng magwish, sabi ko bago tapusin ang panalangin. I've only got one wish right now, Lord.

Nagmulat ako at pinagmasdan ang imahe ng Diyos sa altar.

Sana po, lagi ninyong ilayo sa kapahamakan sina Sia at ang baby namin.

The corners of my lips tugged into a smile. Watch over them, my Lord, bulong ko bago i-seal ang panalangin gamit ang magic word na Amen. Then, I took the sign of the cross and sat down. Nakaupo na rin pala si Sia.

I don't know what she's thinking but she's staring at the statue of Mary so intently, I thought she's willing it to move. Ilang segundo siyang gano'n. Nang matapos ang kaniyang staring game, humarap na siya sa 'kin.

"Tara," aniya. "Magsisindi pa 'ko ng kandila."

Pumunta nga kami sa gilid ng simbahan kung saan nakahelera ang mga nagtitinda ng kandila at rosaryo. Sa tabi nila nakatayo ang tinitirikan ng mga kandila.

Habang nagsindi, may lumapit sa 'ming bata na nagtitinda ng sampaguita. Inalok si Sia ng batang babae.

Magsasalita na sana ako sa takot na tarayan ni Sia ang bata. Alam n'yo naman, may tendencies ang babaeng magmaldita.

But to my surprise, Sia talked to the kid in a kind voice. At hindi pilit ha. Ngumingiti pa nga siya.

Napangiti rin ako. In the few years that I have know Alesia de los Reyes, I have never seen her talk to children. I actually believed she would be mean towards them.

Pero ngayon, habang tinitingnan siya, parang naiyak ako nang kaunti. The sight was just beautiful.

"Oh," gulat na sabi ni Sia nang ibaling niya ang tingin sa 'kin. "Bakit parang naiiyak ka na? Okay ka lang ba?"

Before RosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon