CHAPTER 7

173 23 1
                                    

CHAPTER 7

"Sure ba na iyon ang nakitang kasama ni Ferry palabas ng subdivision?"

"We saw it on CCTV too," ani Stephanie at tiningnan kami isa-isa.

"Guys, di'ba matagal nang patay si Maye?"

Doon kami mas natigilan. Wala ni isang nagsalita sa amin hanggang sa makarinig kami ng paparating na motorsiklo. Lulan nito sina Brixx at DJ na nakapambahay pa. Hindi ko mapigilang mapatitig sa suot na pajama ni Brixx.

It's a navy blue colored pajama with polka dots designs.

Gusto kong matawa pero hindi ito ang oras para roon. Nawawala ang kaibigan namin at kailangan siyang mahanap ngayon din.

"Ano bang nangyayari rito?" tanong ni Brixx habang inaalis ang helmet niya. Nakababa na rin si DJ mula sa motor. Napansin ko rin ang rosaryo na suot niya ngayon. Tama nga sila, relihiyoso rin ito kahit hindi halata sa ugali.

"Oo nga. I mean, hindi lang rito kundi sa paligid. Walang katao-tao!" sambit ni DJ.

"Ferry's missing and now someone told us that he's with a dead!"

"Pota. The life note!" DJ exclaimed kaya napalunok ako.

"W-What do you mean the life note?" nauutal na tanong ni Stephanie habang nakatitig na kay DJ. Pare-pareho na kaming namumutla rito.

"The life note's doing its work. Guys, mukhang totoo iyong nilaro natin kahapon."

"Huwag naman kayo manakot, tangina."

"Fuck! That's impossible." Halos masapo ni Cy ang mukha dahil sa frustrations. Ako naman ay nakatitig lamang at pinakikiramdaman ang paligid. Napakatahimik ng lahat. Kami lang ata ang nag-iingay rito.

"Guys, kindly check if your phone is working. The time, I think it stopped." Kinuha ko muli ang phone ko at binuksan ito.

Nakatigil pa rin ito sa 12 midnight. I also checked my wristwatch. It stopped working. What the fuck is happening?

Kanya-kanya kaming bukas ng cellphone pero pare-pareho lamang ang reaksyon namin matapos itong icheck.

"The time stops running. H-how could it be?" naiiyak na sambit ni Trinity.

"Are we dreaming? Please, pakisampal naman ako para magising," hiling ni Zach kaya sinapak siya ni Gian.

"Tangina! Sabi ko sampal hindi sapak!" reklamo pa nito sabay haplos sa nasaktang panga.

"No. Tingin ko hindi ito panaginip. We need to do something. Let's find Ferry. He might be in danger," aligagang sambit ni Cy at nagsimula nang maglakad papunta sa van. Sumunod naman kaming lahat maliban kay Brixx at DJ na walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Anak ng? Kakarating lang namin tapos aalis ulit? Saan ba pupunta?" naiinis na tanong ni Brixx.

"Dude, mahalagang magsama-sama na lang muna tayo sa iisang van. Iwan mo na muna iyang motor mo at sumama kayo sa amin," ani Zach kaya napilitan ang dalawa na ipasok muna sa waiting shed ang dalang sasakyan.

Wala naman kasi silang magagawa. We have to stick together lalo na at hindi namin alam ang totoong nangyayari.

"Tingin mo, saan papunta si Ferry?" Maureen asked out of the blue bago kami tuluyang makapasok ng van.

"I don't know." Napaiwas ako ng tingin.

"If it's true that the CCTV spotted Ferry together with Maye, we have to warn him. That fucking life note has a curse.  It really resurrected the dead!" ani Cyrus na ngayon ay nakasakay na sa driver's seat. Pumasok na rin kami bago umandar ang makina.

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon