CHAPTER 2

248 37 1
                                    

CHAPTER 2

Tumigil ang sasakyan namin sa mismong gate ng lumang sementeryo nitong Lyn Ville. Nagsibabaan agad kami bitbit ang mga kailangang props.

"Heto na ba 'yon? Napakaangas naman!" bulalas ng nababaliw na si Gian at kinuhaan na ng litrato ang kinakalawang na gate. Napansin ata niyang matalim akong nakatitig sa kanya kaya alinlangan siyang napangiti. "Pang-myday lang, hehe!"

Napangiwi ako.

"Putangina, hindi n'yo naman sinabing sa sementeryo kayo magso-shoot!" Halos hindi maipinta ang pagmumukha ni Brixx habang pinapasadahan ng tingin ang mga lapidang nadaraanan namin.

"Bakit? Takot ka?" pang-aasar ni Trinity kaya sinamaan siya ni Brixx ng tingin.

"Ako? Bakit ako matatakot? Ako ang dapat katakutan at hindi ang mga patay!"

"Ikaw nga, mukhang patay natakot ba kami? Gunggong 'to!" ganti ni DJ. Binatukan siya ng kaibigan.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Mamaya mapansin pang natutuwa ako sa kanila, aasarin lang ako ng lahat.

"Grabe guys, ibang atmosphere ang nararamdaman ko. Masyadong tahimik," ani Stephanie habang inililibot niya ang video cam for documentation.

"Syempre, kailan ka ba nakakita ng mga patay na nag-iingay?" pambabara nitong si Gian.

"Shhh! Guys naman, respeto para sa mga nakahimlay," saway sa amin ni Cyrus. Natahimik naman sila.

"Bago ishoot ang bawat scenes, we need to set things first." Inagaw muli ni Cy ang atensyon namin at pinalakpak ang palad niya sa hangin.

"We must choose a better place para paglagyan nitong mga gamit, direk. Medyo mabigat na rin," nakangiwing saad ni Trinity habang bitbit ang isang bag na puno ng damit. Siya kasi ang nakatoka sa ward robe.

Napili namin ang lugar kung saan may lilom. Nag-set up lang kami ng isang tent upang ilagay ang mga gamit. The rest, pinatong na lang namin sa mga nakatayong nitso. Hindi naman siguro magagalit ang mga nakahimlay rito. Makikipatong lang, eh.

"Hello vlog, welcome to my guys! Ay mali! Take two!" masayang sambit ni Zach sa harap ng camera matapos iset-up ito sa tripod na dala. "Hi crush, welcome to my life!"

"AllIwannabeisallIwannabe yeahhh yeaah ezsamadi to youuuu yeahhh!" gatong pa ni Gian at kapwa sila nagtawanan. I can't help but to laugh too as I set up the schedule of our production as well as the script. Ang lalakas talaga ng trip ng mga ito.

"Ang bobo naman  ng intro ninyo! Akin na nga 'yan!" Inalis ni Stephanie ang video cam sa tripod at itinutok sa kanya.

Inayos muna niya ang sarili at ngumiti ng pagkatamis-tamis bago magsalita.

"Hello, guys! Welcome back to our youtube channel. It' we, again! The pranksters!" Sabay-sabay nilang sigaw at nakisama na rin sa harap ng camera sina Trinity, Maureen,  Zach at Cy. Pinapanood ko na lang sila mula rito sa pwesto ko. Hinanap ko ng paningin si Ferry. Pero wala ito. Saan na naman ba nagsuot ang nerd na iyon?

"Uy, Debby! Halika muna, vlog muna tayo bago ang shooting!" aya ni Maureen kaya nginitian ko lamang siya bago ibalik ang atensyon ko sa nirerevise na script.

"Hey." Naiangat ko ang paningin ko at tumambad ang seryosong pagmumukha ni Ferry sa harap ko.

"Hey," I greet him too and smiled.

"Gusto mo?" Inayos muna niya ang suot na salamin bago iabot sa akin ang isang soda in can.

"Thanks!" Agad kong hinablot ang soda at binuksan. I badly need this para matanggal ang uhaw ko dahil sa sobrang init na panahon. Nang mabuksan ko ang soda ay walang palya ko itong nilagok. Umupo naman si Ferry sa tabi ko at bumuntong-hininga.

"Nakakapagod agad, eh hindi pa tayo nag-uumpisa," I muttered trying to start a conversation with him. Kapag ito talagang si Ferry ang makakausap mo, paniguradong matutuyuan ka ng laway. Magsasalita lang siya kapag tinanong. But he's one of the most observant classmates I've ever met.

"Oo nga, eh. I wonder kung bakit horror ang theme ng film natin this year."

Napaisip rin ako sa sinabi niya. Bakit nga ba? From freshmen days at hanggang mag-second year kami, umiikot sa drama and humor ang ginagawa naming pelikula. But this year, umisip kami ng panibagong tema para maiba naman. Since third year na naman kami, we should try another genre. And we picked Horror and Mystery.

"Tapos dito pa sa sementeryo ang unang scene," wika ulit ni Ferry habang nakatulala lamang. Napatingin ako sa kanya at pinitik ang daliri sa mismong mukha. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Ano ka ba? Exciting naman, ah. Just enjoy the shoots. Ma-mimiss natin 'to kapag nakagraduate na tayo," nakangiti kong litanya. Napaiwas siya ng tingin. Napakamahiyain talaga ng isang ito.

Napadako ang tingin ko kina Brixx at DJ na hindi nakikihalubilo kina Cyrus. Nakaupo ang dalawa hindi kalayuan sa amin at nag-umpisang mag-strum ng gitara si DJ. Nagsimula na ring kumanta itong si Brixx. I can hear the rhythm of I'm Yours by Jason Mraz. Nakakagaan ng pakiramdam.

Hindi ko akalain na may talent rin pala ang isang 'to bukod sa pambubugbog ng mga inosente. Sabagay, Comm nga naman. Gifted with talents. Sana nga lang nagagamit niya sa mabuti.

"Debby, hindi ka ba talaga nawe-weirduhan?" tanong ni Ferry na hindi mapakali sa tabi ko. Tila balisa ito at mailap ang mga tingin.

"Nawe-weirduhan saan?"

"Why did we choose to shoot here in cemetery kung pwede namang ipanghuli na lang ang mga scenes rito? Nakaka-goosebumps kasi ang paligid."

Dahil sa sinabi niya ay napangisi ako.

So, all this time siya pala ang takot.

Tinapik ko ang balikat niya.

"Chill, wala namang mangyayari sa atin na masama. Besides, may sepulturero naman sa paligid. We could get help from him in case of emergency," giit ko.

"Iyon na nga, eh. Pati sepulturero, ang creepy rin." Halata sa boses niya ang lubhang pangangamba.

"Saan ka ba galing kanina? Bakit bigla kang nawala?" tanong ko na lamang upang maiba ang usapan. Hindi pa nga nagsisimula ang shoot, nagtatakutan na kami rito.

"Naglakad-lakad at napulot ko ito,"  aniya at inilabas ang isang lumang notebook. Gula-gulanit na ang ibang pahina nito na parang pinaglumaan na ng panahon ngunit pwede pa naman sulatan.

Napataas ang kilay ko.

"Saan mo naman napulot iyan?" usisa ko.

"Doon sa nakabukas na nitso," diretsahan niyang sagot kaya napangiwi ako.

"What the hell, Ferry? Did you steal that from the dead?" I asked him.

"No! Napulot ko lang. Bukas kasi iyong nitso tapos wala na namang laman. Tanging ito lang. Promise, hindi ko ito ninakaw," depensa niya. Nakapamewang na ako at napabuntong-hininga.

"Ibalik mo na 'yan. Baka mamaya, may nagma-may-ari pala niyan," utos ko pa.

"Sabi noong sepulturero, akin na lang raw. Pwede pa naman itong irepair," saad ni Ferry at kinilatis ang kabuuan ng lumang notebook. Pero hindi pa niya ito binubuklat.

Knowing Ferry, he's fond of collecting old and antique things and I think he won't return that freaking notebook to whoever the real owner was.

"Ferry, ibalik mo na."

"Guys! Umpisa na ng shooting! Come here na! Iyong script raw!"

Napalingon ako sa sumisigaw. Gusto ko pa sana kausapin si Ferry pero dahil tinatawag na kami, agad kong kinuha ang script at prompter at tumakbo palapit sa kanila. Sumunod rin si Ferry sa akin.

***

Life-Note | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon