Chapter 11

29 2 0
                                    

It's a monday today at nakakapanibago dahil wala si Diana. Sanay akong kasama siyang pumapasok at tumatambay kaya hindi ako sanay na wala siya ngayon.

She's absent today because of fever. We were in the farm yesterday giving snacks to the helpers when it suddenly rain. Basang-basa na kami kaya hindi na kami sumilong pa. Si Diana ang may ideyang maligo kami sa tubig ulan at nakakatuwa dahil unang beses kong naranasan iyon sa buong buhay ko.

Naligo  kami sa ulan kasama si Anton. Nandoon din kasi siya kahapon sa farm na nagtatrabaho. Madalas siyang tumulong doon kapag walang pasok. Para kaming mga batang naglaro at nagtakbuhan sa tubig ulan.

That was new to me and it was indeed so enjoyable. Sobrang saya lang.

Kulang isang oras din kaming nagbabad sa ulan kaya siguro siya nagkasakit. Nakokonsensya din ako dahil ayaw ko pang sumilong kahapon dahil sa sobrang enjoy sa pagligo kahit nagyayaya na silang sumilong na. Kaya naman nagdesisyon akong lumiban sana sa klase para maalagaan siya ngunit ayaw niya. Pumasok daw ako para may makopyahan siya ng notes. Kung pareho kaming a-absent na dalawa, parehas kaming nga-nga.

Kaya naman pagkatapos ng lunch break ay mag-isa akong pumunta sa library para magpaturo kay Darius.

Kamuntik ko pang mabangga si Kheifer na pababa sa hagdanan na sobrang nagmamadali.

"Wooh! Sorry, Aure! Wala si Diana?"

Tinignan ko siya at pawis na pawis na siya. Tumingin ako sa likuran kung kasama niya ba ang iba ngunit wala naman.

"Wala, eh. Absent. Bakit parang nagmamadali ka ata?"

Pinunasan muna niya ang tumulong pawis sa noo bago siya nagsalita.

"May ini-ru-rush kasi kaming project. Ipapasa na mamaya kaya kailangan na naming tapusin."

Naisip ko na baka hindi matuloy si Darius ngayon sa pagtuturo sa akin dahil abala pala sila.

"Si Darius pala pababa na." nakangiting wika niya kahit hindi naman ako nagtanong tungkol sa kanya.

"Ah. Tapos na ba siya sa project niya?"

Mahina siyang natawa na ikinakunot ng noo ko.

"Tapos niya na. Kailangan niyang tapusin agad para maturuan kayo."

Dahil sa sinabi niya ay nakonsensya ako. Kahit pa nakangiti siya nang sabihin niya iyon.

"Alam mo naman iyon, ikaw ang priority niya." mahinang wika niya pero dinig ko pa din. "Sige, ah? Usap tayo ng matagal next time. Nagmamadali ako, eh. Hintayin mo na lang saglit si Darius, tiyak naman hindi ka paghihintayin ng matagal nun." mabilis na wika niya habang naglalakad na papalayo.

Tinignan ko muna ang kanyang likod na papalayo bago naglakad patungo sa library habang palaisipan pa din sa akin ang sinabi niya kanina.

I am Darius' priority? Bakit iyon ang iniisip sa akin ng mga kaibigan niya? Nagtatampo din kaya sila dahil sa kakaunting oras na lang ang inilalalaan ni Darius sa kanila?

Bumuntong-hininga ako habang patuloy na naglalakad.

Hindi bale. This will be the last week he'll be teaching us.

I didn't go to Darius' mansion last saturday because I looked for a math tutor. Sa miyerkules pa daw ang dating niya dito sa Santillan kaya napagdesisyunan naming sa sunod lunes niya na kami turuan.

Kaya naman for this week, si Darius pa din ang matuturo sa amin.

Also, Darius doesn't know yet that we now have a tutor but I will tell him today. Ayaw talaga niyang kumuha kami ng ibang tutor. At hindi ko alam kung bakit. That should be convenient for him but I saw hurt in his eyes when I told him last week that we'll get a tutor. But Diana and I agreed to have one now.

Chasing Darius (Chase #2)Where stories live. Discover now