Chapter 4

33 4 0
                                    

Mabilis kong itinali ang buhok dahil kanina pa may kumakatok sa aking pinto. I know it's Diana because she had been whining for the whole time she's knocking in my door.

"Sandali."

Mabilis akong nagtungo sa pinto nang natapos na ako sa pagtali sa buhok.

When I opened the door, Diana's shocked expression welcomed me.

"Nakapagbihis kana pala, akala ko tulog ka pa, eh."

"I set my alarm so I got up early."

Katulad ko ay bihis na din siya. Pasado alas sais pa lang ng umaga at nakakapanibago gumising ng sobrang aga.

I looked at her uniform and like me, it's below the knee. Kahit mukha kaming manang dahil mahaba ang palda ng aming uniform, nagustuhan ko naman ang kulay nito. It's a mixture of color green and white. Ngunit ang skirt ay purong berde na.

Nang bumaba kaming dalawa ay nasa hapag na si mommy at daddy, nag-aagahan.

Kay mommy ako nagmana ng maamong mukha at kaputian, samantalang hindi ko alam kung anong namana ko kay daddy. Ang sabi ng marami sa ugali daw, though I am not really sure about that.

"Morning, mom, dad." bati ko habang umuupo sa tapat ni mommy, si daddy naman ay sa kabisera nakaupo.

Dad put the newspaper in his hands down. "Morning, Aure. Sumalo kana dito sa hapag, iha." dad said referring to Diana.

Nakangiti akong bumaling kay Diana at isinenyas na sa tabi ko na lang siya maupo.

"Unang araw niyo ngayon sa eskwela, mag-aral kayong mabuti, ha?" seryosong wika ni mommy.

Kumuha ako ng hotdog sa plato bago inabot kay Diana. "Opo, mommy."

"Pagbubutihin ko po ang pag-aaral, tita. Salamat po pala sa pagpapaaral sa akin."

"Welcome, iha." nakangiting sagot ni mommy.

Inihatid kami ng driver papuntang school. Pagpasok pa lang namin ay napakadami nang estudyante ang nagkalat. It's only seven in the morning and everyone seem so excited in the first day of school.

It is an integrated school so hindi na din kataka-taka na napakaraming estudyante.

"Ang daming gwapo." halos mangisay na si Diana sa tabi ko.

"Sila? Eh, matatanda na yang mga iyan, eh." tukoy ko sa mga college boys na kinakikiligan niya.

"Iyon nga ang point, mas matanda mas maraming experience." tumatawang wika niya.

Tumigil ako sa paglalakad at tumitig sa kaibigan. "You are so young yet you think about those things?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nagugulat talaga ako sa mga sinasabi niya.

She held my elbow and pulled me so we could resume walking.

"Eto naman. Huwag mo akong isusumbong sa nanay, ha? Baka patigilin ako sa pag-aaral."

"Hindi kita isusumbong."

"Tsaka crush crush lang naman, eh. Seseryosohin ko ang pag-aaral syempre, utang na loob ko sa pamilya mo dahil pinapag-aral ako."

I get her point. Landi landi lang pero wala munang jowa. Wala na din siguro masama basta hanggang doon lang muna.

Dumiretso na kami sa building ng highschool. Dalawang building iyon at tatlong palapag.

Grade seven students are at the first floor. Mabilis din naman namin nahanap ang room namin dahil nakalagay naman sa form na ibinigay sa amin.

Like usual first days of school, halos wala kaming ginagawa dahil abala pa ang mga guro kaya naman nagyaya si Diana na mag-tour sa buong campus.

Chasing Darius (Chase #2)Where stories live. Discover now