34 | The Wicked Night (1)

764 77 11
                                    

To avoid confusion. Please be noted that the people from Nokkan address Deus as "Ethan". While Siena's group calls him Deus. I hope you'll enjoy this chapter.

____________

Chapter 34

Alysa Espanosa

Napabuntong hininga ako't sumandal sa puno sa aking likuran. Nanatili ang tingin ko sa mga kubo na puno ng mga kumikislap na ilaw. Tumingala ako at bumungad sa akin ang mga lumulutang na crystal lotus lamps sa madilim na kalangitan. Dumampi sa aking pisngi ang malamig na simoy ng hangin at 'di ko maiwasang mapaisip.

Ano kaya ang ginagawa ko ngayon kung hindi ako ang naging bida rito?

Dumilat ako't tumingin sa gilid. Halos maatake pa ako sa puso dahil nakita kong nakatayo na sa tabi ko si Eaton. Napatalon ako sa gulat ngunit nanatili siyang nakasandal sa puno habang diretsong nakatingin sa akin. Oh, shit. Paano siya lumitaw sa tabi ko?!

"Nagulat ba kita?" Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha't nag-aalalang tumingin sa akin. I rolled my eyes inside my head. 'Di ba obvious?

Umayos siya ng tayo't muling sumandal sa puno at humalukipkip habang nakatitig sa akin. Hindi ko na dapat siya pinapansin ngunit napako ang tingin ko sa berde niyang mga mata. Tumaas ang tingin ko sa kulay abo niyang buhok at bumaba sa malaking sugat na mula tainga hanggang pisngi niya ang haba.

Sa kanilang lahat ay siya talaga ang agaw pansin para sa akin dahil sa kulay ng mga mata at sugat niya. 'Di ko maiwasang maisip kung saan niya nakuha 'yon at gusto kong tanungin. Chismosa rin kasi ako.

"Oye!" I stopped checking him out when Tobias threw something in our direction. Sinalo ni Eaton ang bagay na iyon gamit ang dalawa niyang kamay. Hindi ako nakakuha ng pagkakataon upang masilip kung ano man iyon pero maliit lang at kasya sa malalaking palad ni Eaton.

Nilihis ko ang tingin ko sa mga kubo habang nagsasayawan ang mga batang babae sa malaking bonfire sa gitna. Napakalaki ng apoy na talagang agaw pansin. Ang mga kubo't puno ay may makukulay na ilaw na nakaka aliw at nakakatanggal pagod.

"Oe. Chibugan na mamaya!" Singhal ni Owen sa direksyon namin at ngiting-ngiti siya't alam kong si Eaton ang kausap niya kaya hindi ko na siya pinansin. Abala sa pag-uusap sila Tobias at Flyn sa gilid... Mula sa kinatatayuan ko ay nakikita kong pinapakita ni Flyn ang liham ni Casco sa kaniya.

Samantalang sila Koen at Owen naman ay nag-aayos ng panggatong sa gilid. Minsan ay nag-aagawan pa sila at panay ang singhal sa isa't-isa. Tahimik naman na nagmamasid si Neo sa paligid. At hawak ni Glo sa kaniyang bisig si Errol na ngayon ay naging puting pusa na. Boluntaryo namang tumutulong si Tyler kay Antonio.

Tahimik lang akong nakasandal sa puno at nagmamasid sa mga kasama ko ngunit kumunot ang aking noo dahil napansin kong nawawala ang babaeng kasama nila Tobias. Sa huli kong natatandaan ay pula't kulot ang buhok niya at nakapusod. Kakaiba rin ang disenyo ng makulay niyang kasuotan.

Nawala siya sa paningin ko nang sabihin ni Antonio kung p'wede bang samahan siya ni Deus. Ginala ko ang paningin ko ngunit kahit saan ako tumingin ay hindi ko na makita ang babaeng kasama nila kanina. At naglaho man siya ay parang wala lang sa mga kasama niya dahil mukhang 'di man lang siya hinahanap... That's weird.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon