26 | The Visitors

1.4K 304 50
                                    

Chapter 26

Ikatlong Persona

Napataas ang kilay ni Koen habang sila'y naglalakad sa isang lugar na napapaligiran ng mga puno't matataas na damo. Tila'y ito ay tinago sa kagubatan upang hindi makita ng mga tao.

Nokkan, The Lost Village.

Nanatili namang diretso ang tingin ni Flyn sa pulang ilaw na kanilang sinusundan. A green magic circle levitating on his palm was designed to locate anything or anyone, but they don't have a clue to what they're looking for.

"Ang sabi mo'y sa isang bangin nahulog si Siena." Agad na binulsa ni Koen ang nanlalamig niyang mga kamay dahil sa sinabi ni Glo.

Sa kasamaang palad ay nabigo siyang mahawakan ang kamay ng dalaga dahilan upang mahulog ito sa bangin.
Sumakit ang lalamunan niya kakasinghal ng pangalan nito ngunit wala siyang napala. Sa huli'y tumakbo siya at sinabi ang nangyari sa mga kaibigan.

"Napunta kami at napaglaruan sa isang gubat." maiksing sagot ni Koen at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Namuo ang pawis sa kanyang noo at kanina pa hindi mapakali.

"Napaglaruan?" Napahalukipkip si Tyler dahil sa kanyang narinig. Mula sa kanilang kinatatayuan ay inobserbahan niya ang paligid. He started zooming his eyesight like a camera but he can only see cottages surrounded with trees.

Nakatayo't tahimik si Errol sa gilid. Naramdaman niya ang takot nang sila'y naglalakad kasama ng kutsero kanina. He knew it. Alam niyang nasa panganib si Siena ngunit wala man siyang nagawa kaya gusto niyang sisihin ang kanyang sarili.

"Isang nayon." maiksing sabi ni Tyler dahilan upang mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat. "Ang lugar na ito ay hindi gubat kundi isang nayon." Naningkit ang kanilang mga mata habang nakatingin mula sa malayo.

Titigan man nila nang matagal ang kanilang harapan ay wala silang makita kundi mga matatayog na kahoy at matataas na damo. Ito ang naisip nilang paraan upang hanapin ang dalaga, ang gumamit ng isang magie tracker. . . isang mahika na kayang hanapin ang lokasyon ng kahit ano.

"Isang nayon sa loob ng isang gubat." Napahalukipkip si Neo dahil sa sinabi ni Tyler dahil ayon sa natatandaan niya'y wala namang nayon na nakapaloob sa kahit anong gubat. Hindi rin nila malaman kung ano ang tinuturo ng pulang ilaw galing kay Flyn.

"Ano ba iyan, wala ring masasakyang karila rito." Napakamot na lamang si Koen sa batok. Nang mapunta siya sa isang misteryosong gubat ay agad siyang tumakbo papunta sa mga kaibigan upang sabihin ang nangyari sa kanila.

Noong una'y natataranta at nabubulol pa ito magpaliwanag ngunit naintindihan din nila ang nais nitong iparating na nahulog ang dalaga sa bangin. Kaya hindi na sila naglibot pa't agad na sinabi sa kutsero na ibaba sila sa isang gubat malapit sa lungsod.

"Malayo ang istasyon ng mga sasakyang karila rito. Isa pa ay hindi natin alam kung saan tayo binaba ng kutsero." Nanahimik si Glo pagkatapos magsalita't napako ang kanyang tingin sa bagay na nasa palad ni Flyn. The magic circle turned around and the light became faint.

"Ano'ng nangyayari?" Nagtatakang sabi ni Glo. The letters in the magic circle started switching places and it's making them hazy.

Nagkatinginan silang lahat dahil 'di malaman ang gagawin. Hindi inalis ni Tyler ang kanyang paningin mula sa malayo't nagmasid. He started scanning the unfamiliar place and saw shadows of people.

Samantala'y ginala ni Errol ang kanyang paningin sa paligid dahil isang pamilyar na mahika ang kanyang naramdaman, habang nakatingin sa mga matatayog na puno mula sa malayo . . . Thunder Magie.

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon