05 | The Flower Of Miracle

3.4K 608 46
                                    

This might be helpful to understand this Chapter:

Findara - A miraculous flower that can cure all ailments.

Estrela (country) - The origin of spells and magic.

Tristan - A small town that is famed for the production of milk.

Festro (City) - The capital of Cantaga.

________

Chapter 5

Alysa Espanosa

Iba't-ibang pares ng mga mata ang diretsong nakatingin sa akin at parang sinusuri ang buong pagkatao ko. Sunod namang dumako ang mga mata nila sa lalaking natutulog sa tabi ko.

Pinaglakihan ko sila ng mga mata dahil alam ko kung ano ang iniisip nila. Kung iniisip nila na madumi akong babae, nagkakamali sila. Hindi ko rin alam kung paano lumitaw 'tong lalaking nasa tabi ko 'no!

Walang nagsalita sa kanila habang nakatayo sila sa harap ko at ako naman ay nakaupo sa kama na parang isang bata na may nagawang kasalanan.

"Ang ibig mong sabihin ay pagkagising mo'y katabi mo na ang lalaking ito... tama?" nagtatakang tanong ni Flyn at nilagay ang kamay sa baba niya't mukhang nag-iisip pa. Samantalang nakita ko namang siningkitan ako ng mga mata ni Koen habang bumubulong siya kay Glo.

Si Flyn ang lalaking nakasuot ng eyeglasses, si pula naman si Koen at samantalang ang halos kuminang na sa suot niyang gintong damit ay si Glo. Kanina ko lang nalaman ang mga pangalan nilang lahat kaya medyo hindi na ako nalilito sa kanilang tatlo.

"Huwag ka sanang mabigla sa sasabihin ko." tumigil sa pagsasalita si Flyn at tiningnan ang likod ng lalaki na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. "Ang puting pusa na kasama mo at ang lalaking 'yan ay iisa." dagdag niya.

Napatanga na lang ako sa sinabi niya at napaawang ang bibig ko. Tinaasan ko pa siya ng kilay at hinintay kung babawiin niya pa ang sinabi niyang kalokohan sa akin. Sa tingin niya ba maniniwala ako sa kanya?

"Ano kamo?" kunot noo kong sabi sa kanya.

"Ang puting pusa na kasama mo at ang lalaking 'yan ay iisa. Siguradong isa siyang familiar na kayang maging anyong hayop at tao." Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa sunod na sinabi ni Flyn. Hindi pa ako naka-move on sa una niyang sinabi tapos dinagdagan niya pa. What the heck was that? Lakas ng tama nito.

"Seryoso ka don?" nakataas kilay kong sabi pero nanatiling seryoso ang mukha niya ngunit natigilan ako nang isang bagay ang na-alala ko.

Parehas ang suot na kuwintas ng puting pusa at lalaking lumitaw sa tabi ko. Totoo ba ang sinasabi niya?

Hinugot ni Koen ang pamaypay niya at binuka 'yon sa harap ko. "Tsk, kailan ba matatapos ang pag-uusap na 'to? Magpapaayos pa ako ng pamaypay kay tanda!" reklamo niya kaya siya naman ang siningkitan ko ng mga mata. Kasalanan ko bang may lumitaw na lalaki sa tabi ko? Hindi ko naman talaga alam kung saan siya nanggaling eh.

"Hindi ba nagpaayos ka lang sa kanya noong nakaraang linggo?" nagtatanong tanong ni Glo at lumingon kay Koen.

"Ano'ng paki mo! hindi ko alam na masisira ito nong ginamit ko agad!" singhal niya at pinangkamot pa ang pamaypay niya sa batok niya. Tinitigan ko pa ang pamaypay niya habang hawak niya, paano siya nagpalabas ng ipo-ipo don?

Hiraeth Play: Legend of Cantaga | TO BE PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon