LOVE AT FIRST COUGH

14 1 0
                                        

CLAIRE'S POV
Bwisit naman oh, sa lahat naming magkakapatid ako patalaga pinabili sa Mercury. ang Ganda pa naman ng tulog ko sa sala eh tapos gigisingin ako ni Mama, para lang bumili ng alcohol sa mercury. Patungo ako ngayon sa mercury drugs sa May highway, naglakad nalang ako at malapit lang naman. Hindi rin naman ako pwede mag tricy kasi pinagbabawal pa. Pagdating ko sa Mercury ay naghanap na kaagad ako ng Alchohol, pero pag punta ko dun kung nasaan nakalagay yung alchohol ay ubos na.

"SHIT!!" Inis kong Sabi at napaupo nalang ako sa sahig. Mamaya Dun pa ako sa Kabilang mercury papuntahin ni Mama, Eh ang layo layo nun at pagod na ako. Habang nag mumukmok ako sa sahig ay May biglang kumalabit sakin. Pag angat ko ng tingin ay nabighani ako sa nakita ko, isang May itsurang lalake ang nakangiti sakin.

"Uhhh ano pong problema niyo Miss?" Takang Tanong nito sakin. Infairness May itsura siya at ang Ganda ng build ng Katawan. Wait wait wait... kung ano ano nanaman iniisip ko Shet.

"Ay wala po." Sagot ko naman. Bigla naman tong umupo rin sa sahig at tumabi sakin.

"Kung wala kang problema Miss, edi bakit ka nagmumukmok dito?"

"Wala nga akong problema ang kulit!" Inis kong Sabi "bakit bawal bang umupo dito?!" Inis kong Tanong.

"Ang attitude mo naman Miss, and sahig yan hindi upuan kaya Dapat hindi ka Umuupo diyan."

"Ehhh Ku——-"

"Hoy kayong dalawa diyan! Lumayo layo nga kayo sa isat isa, kailangan lahat ng costumer ay atleast six feet apart!" Medyo galit na Sabi ni manong guard, mabilis naman akong tumayo at Lumayo sakanya.

"Palapit lapit ka pa kasi!" Inis kong Sabi at lumabas na sa mercury. Habang naglalakad ako pauwi ay May biglang tumabi sakin. Medyo kinabahan ako kaya nilingunan ko Ito at nakita ko ulit yung lalake kanina sa Mercury. Huminto naman ako sa paglalakad at humarap sakanya "Hoy bakit mo ako sinusundan!" Inis kong Tanong.

"Wag kang feeling Miss pauwi lang ako saamin." Pagpapaliwanag nito.

"Wehhhh. crush mo siguro ako no." Sabi ko naman.

"Hoy Miss wag masyado feeling no. Hindi porket makinis, maputi, sexy at maganda ka ay ibigsabihin na May crush na ako sayo." Parehas kaming nagulat sa na Sabi niya at nahalata ko pang Namula siya.

"Oh, ikaw na nga nag Sabi na makinis, Maputi, sexy at maganda ako. Edi May crush ka nga sakin at napansin mo yun."

"I was stating the obvious no and Baka ikaw ang May crush sakin." Nakangising Sabi nito.

"Hoy Hindi porket Matangkad, macho, gwapo at attractive ka ay magkakagusto ako sayo." Sabi ko naman.

"Ay Gwapo at attractive pala ako. Lahat napapansin mo miss no." Nakangising pang asar niya sakin.

"Huh hindi no." Natatarantang Sabi ko. Shit na Sabi ko ba lahat yun...

"So kung napansin niyo rin yun that means May gusto ka pala sakin, kasi nung napansin kong maganda at sexy ka ay Sinabihan mo na ako ay May  gusto sayo." Pang asar ulit niya.

"Hoy hindi no, observant lang ako." Pagpapaliwanag ko naman.

"Ako din naman observant."

"Edi Quits tayo."

"Ok." Sabi pa niya, pareho na kaming nagtuloy sa paglalakad.

"So bakit mo nga ba ako sinusundan?" Takang Tanong ko naman sakanya.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jul 10, 2020 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

MY RANDOM ONE SHOTSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant