Prologue

1 0 0
                                    

"Welcome to Laguna, Ikay!" Malakas na sigaw ng pinsan ko.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko. Tinanggal ko ang nakapatong na libro sa muka ko at sinilip ang bahay na tinigilan namin. Mukang nandito na nga kami.

"Wag mo nga akong tawaging 'Ikay' dito. Nakakahiya hoy!" Ambaho naman kasi ng palayaw ko kainis. Ayos na yung mga taga Maynila lang ang may alam. Ayokong tawagin ako ng mga bago kong makikilala dito sa Laguna ng 'Ikay'. Nakakahiya!

"Opo na po Miss Sysca Martin." Natatawa nyang sabi habang pababa kami ng sasakyan.

Diba? Ang layo ng palayaw ko sa pangalan ko. Ewan ko ba sa Nanay ko at ayon ang naisipang ipalayaw sakin. Ang ganda ganda ng binigay nilang pangalan pero tatawagin akong 'Ikay'. Ano ba yan!

Napangiti ako ng malanghap agad ang sariwang hangin sa probinsya. Ugh! I'm really longing sa fresh air. Suffocate na kasi ako sa pollution ng Maynila. Dito sa probinsya napakadaming green kang makikita. Pero sa Maynila mga naglalakihang building naman. Sabay mo pa yung mga naglalakihang sasakyan na nagbubuga ng maiitim na usok.

After 3 years nakabalik na din ako dito sa mga pinsan ko. Dito na din kasi ako titira since kakamatay lang ng mama ko dahil sa lukemia at wala na naman akong makakasama sa bahay o magaaruga sakin, kinupkop na ako nina Tita Lisa at Tito Noel.

Tuwang tuwa pinsan ko ng mabalitaan nya daw na sa kanila na ako titira. Sobrang close namin ni Ryleigh na parang magkapatid na nga turingan namin. Since iisa syang anak ng tita ko sabik na sabik sya sa kapatid, kaya siguro tuwang tuwa sya everytime na dadalaw ako dito sa kanila.

"Ano ba laman nyang box na yan? Mukang babasagin." Tanong ni Rygleih. Tumango naman ako.

"Mga picture ni mama. Tas mga figurines na favorite nya. Ididisplay ko sa kwarto para pag nakikita ko yon naalala ko sya." Malungkot naman syang ngumiti. Alam nya kasing hanggang ngayon di padin ako nakakamove on. Fresh pa kasi sakin lahat. Parang gumuho yung mundo ko nung in-annouce ng doctor yung time of death ng nanay ko. Para akong pinagbagksakan ng langit at lupa. Big time yung sakit.

Sya na lang kasi kasama ko noon sa buhay. Ang tatay ko namang Australiano di ko nakita simula pagkabata ko. Wala din namang mapakita na picture si mama kasi sinunog daw nya lahat ng pwedeng magpaalala sa kanya sa papa ko simula nung iniwan sya nito. Late na daw nya nalaman na nagdadalang tao pala sya sakin.

Galit ako sa papa ko. Hindi ko maiwasang magtanim ng galit sa kanya dahil pinabayaan nya kami ni mama. Kung nandito sya at kasama ko edi sana di ako maiiwan magisa.

Di ko na inisip pa lalo ang papa ko at binalingan nalang ng tingin ang pinsan kong tinutulungan akong magbitbit ng mga gamit ko.

"Tara na---"

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng may bumunggo sa saking babae dahilan para bumagsak yung kahon na bitbit ko.

Hala! Yung picture at figurines!

"Sorry miss, sorry!" Nagmamadaling sabi ng bumunggo sakin sabay takbo. Nagulat ako.

Aba? Di man lang ako tinulungan!

"Omg! Ikay! Hala!" Tarantang lumapit sakin ang pinsan ko. Nabasag ang ilan sa mga figurines ni mama pero buti nalang yung frame ng picture nya di nabasag----

"F*ck!"

Yung picture frame! Huli na dahil nabasag ito ng matalapid ito ng lalaking nakamask at busy sa paghalungkat sa bag nya kaya di nya napansin yung frame.

"Pakiayos naman ng gamit mo miss. Nagmamadali ako." Reklamo nya sabay alis.

Wow! Ang kapal ng muka! Di man lang din ako tinulungan. Ni sorry nga wala! Ganito ba mga ugali ng taga Laguna? My ghad!

Inis akong napabuntong hininga habang pinupulot ang basag na bubog ng salamin na galing sa frame.  Unang araw ko palang dito sa Laguna binadtrip agad ako. Ano ba yan! Argh!

"Grabe naman si kuya! Walang modo!" Inis na sabi ni Ryleigh at tinulungan ako ibalik sa kahon.

Naiiyak ako sa inis. Gusto ko silang dalawang tawagin pabalik pero malayo na sila.

Nakita ko ang isang name plate sa baba.

Tristan Lopez
CE Student
Unibersidad de Laguna

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Signs of TimeWhere stories live. Discover now