Nang makakuha ng ilang beer si jody, nilagay nya muna ito sa kitchen table

"Wait. I'll just change sa mas comfortable clothes" paalam ni jody kay rome. Tumango na lamang si rome 'Mukhang mas mabuti pa nga. Sana pagbalik mo nakabalot ka na' sabe ni rome sakanyang isip at walang magawa kundi ang lumunoo na lang ng lumunoo habang kinakalma ang sarili

Natapos naman si rome sa pagpapakalma sa sarili kaya lang..

"I'm back!" anunsyo nito, napalingon naman pataligod si rome at napaharap din agad sa nakita 'Tangina akala ko ba comfortable clothes?! Manipis na sando at Napaka ikling shorts?? May lalaki syang kasama sana man lang nag tshirt na lang sya at jogging pants' sabay yuko na lang din nya. Wala na syang masabi.

Bumalik naman si jody sa kitchen table at kinuha ang mga beer, naglakad papunta sa sala's table dahil nasa tapat ni rome ang table at mababa ito medyo napayuko si jody ng ilagay nya ang mga beer sa table... sa harap ni rome.

Nang mag angat naman si jody ng tingin, nagtaka sya 'bat nakapikit to? tulog na ba? masyado ba kong matagal?' tanong nya sa isip nya

Nag dilat naman ng mga mata si rome sa pag aakalang wala na si jody sa harapan nya, muli lang nanlaki ang mga mata nya sa nakita. Napakunot naman ang noo ni jody at sinundan ng tingin ang mga mata ni rome.

Agad syang napa ayos ng tayo at lunok ng marealized kung ano yung dahilan ng panlalaki ng mata ni rome. Napatalikod sya at naglakad papuntang kusina, kumuha ng tubig at nag salin sa baso. Ininom nya ito ng ilang lagukan lang at muling yumuko para tignan ang kaninang tinitignan ni rome... Ito ay ang dibdib nya.

'Isip jody, mag isip ka! Kailangan mong magpalit ng damit. Nakakahiya ka' sabe niya sa sarili

May naisip syang pwedeng maging dahilan ng pagpa-palit nya ng damit.. Muli syang nag salin ng malamig na tubig sa baso 'Lights, Camera, Action!' at ininom ang tubig

'Oh sht!' pag acting ni jody.. Napatayo naman si rome at napatingin sa kinaroroonan nya 'Tangina ang lamigggg!' react pa ni jody, hindi nya na in-acting dahil talagang napaka lamig sa katawan nung tubig na puro yelo sa baso

Lumapit naman si rome nag aalala 'What happened?' tanong nito
'Ah, wala. natapunan lang ako ng tubig. Magpapalit lang ako basang basa yung damit ko' paalam ni jody at nilagay ang baso sa lababo

'Pating— hindi natuloy ni rome ang sasabihin 'ha? wag! oh sige magpapalit lang ako ha' pag papatigil ni jody kay rome at sinabe yan niya yan ng kalahati ng katawan ay nakaharap sa lababo, ang isa pang kalahati'y nakaharap kay rome

'I mean sige mag palit ka na' pagkasabe non ni rome ay dali daling naglakad takbo si jody patalikod sakanya at pumunta sa kwarto nya. 'Ano ba yung sinabe ko?! Patingin? Lasing na ata talaga ako' sabe ni rome sa sarili at napakamot na lang ng batok

Hindi nag tagal ay bumalik na din si jody. Naka malaking tshirt na ito at jogging pants 'Let's start na! Cheers!' sigaw ni jody pagkaupong pagkaupo sa sahig sa sala

2:00AM

'Wala ka pala eh! Dare lang bawal truth' sabe ni rome. Napagdesisyunan kasi nilang maglaro habang nainom

'Bakit bawal truth? May tinatago ka ba? Ano yon ha andaya!' sagot ni jody. 'Wala lang gusto ko lang ng privacy. Pag ka ba ikaw pinag truth ko sasabihin mo talaga yung totoo? For sure kasinungalingan din naman isasagot mo' tanong pabalik ni rome, napainom naman ito ng marami, jody was taken aback. 'Hindi mo sure' sagot pabalik nito

'Pagba tinanong ko bat ka walang lovelife ngayon ikukwento mo?' tanong pa ulit ni rome, uminom ulit ito ng beer 'Hmm. Oo pero hindi buong kwento' sagot naman ni jody, tumawa pa ito ng konti 'Oh see, edi madaya ka din. Wala tayong pinagkaiba. May tinatago ka din' pagtawa din ni rome

'Sige nga, ikwento mo yung kaya mong ikwento.. Wag na tayo maglaro nung truth or dare' sabe ni rome 'He...' panimula ni jody, 'Teka lang, I'll ask some help from Mr. Beer' sabe nito at muling lumagok ng iniinom. Tumango lang naman si rome, naghihintay

'He.. he left me' pagsisimula ulit ni jody 'Is he your boyfriend?' tanong ni rome. Umiling naman si jody 'He's my husband' pagkasagot nito'y muli itong napainom 'Husband huh? So what happened? Sumakabilang bahay ba?' tanong pa ulit ni rome

Napahagalpak naman ng tawa si jody, inayos ang sarili at sinabeng 'Sana nga, pero hindi eh. Sumakabilang buhay mismo' sagot ni jody. Nagulat ma'y muling nakabawi si rome 'Oh, sorry to ask but what happened? to him?' pagtatanong muli nito, nakatingin lang kay jody 'Car Accident. I was driving, tapos gabi pa non, syempre madilim, konti lang ang tao sa kalsada tas sya nasa shotgun seat sya and it was raining cats and dogs so malabo sa paningin, hirap mag drive.. he said sya na daw mag drive para hindi ako mahirapan kaya lang makulit ako haha. Hindi ako pumayag sabe ko I want to drive eh masunuruin yon kahit gago-gago. Suddenly, may isang car ambilis ng takbo, eh hindi ko agad nakita kaya late ko na naiwasan yung kotse. Niliko ko na lang sa kung saan kasi nasilaw din ako sa ilaw nung kotse na yon, hindi nagtagal naramdaman ko na lang na sumalpok yung kotseng dinadrive ko sa malaking puno then everything went black. The End' pagkukwento ni jody.

Medyo natawa si rome 'Sa haba ng kwento mo hindi pa buo yon? tanong ni rome 'Yeap' maikling sagot ni jody

'Oh nagkwento na ko ha. Ikaw naman. Andaya! pangangantyaw pa nito bago pa makasagot si rome 'Wala pa nga eh, andaya agad?' react ni rome.

'What do you wanna know?' tanong ni rome 'I wanna know why are you so down simula kanina? Is it okay? Kakacurious eh' sagot ni jody

'Nacucurious o Nakikichismis?' tanong pabalik ni rome, sabay pa silang natawa 'Both? HAHAHA' patanong na sagot ni jody. Napailing na lang si rome sa itsura ni jody 'Kakaiba talaga. Nasasabayan nya mga trip ko' sabe ni rome sa sarili, patukoy kay jody

'How did you know that I'm sad? Ultimo mga kuya ko nga hindi napapansin' sabe ni rome at uminom ng beer 'Hmm, Cause I know that behind that expressionless and poker face of yours is a man who has a lot of thoughts' hinawakan pa ni jody ang baba ni rome

'And behind that quiet and still mouth of yours is a man who have a lot to say and wants to talk about somethings' tumingin si jody paangat, mula sa baba ni rome inangat naman ni jody ang kamay nya at gamit ang hintuturo nya itinuro nya ang labi ni rome, pinapanood lang naman sya ni rome at pinakikinggan.

Sumunod ay tumingin naman sya sa mga mata nito 'Lastly, I know that behind that emotionless eyes is a man who cried his heart out multiple times and is suffering right now. And having a hard time about somethings, and was screaming for help...' tahimik lang si rome, pinakikinggang mabuti ang sinasabe ni jody.

'But he can't and don't know how to express, and speak for himself that's why he decided to wait.. wait for the person who's willing to help him' pagkasabe nyan ni jody ay naglakbay naman ang parehang kamay nya pataas sa mga mata ni rome, pinagmasdan ito at hinawakan.

Lalayo naman sana si rome sa pagkakahawak sakanya ni jody ng patigilin sya nito. Pagkatapos ay dumako naman ang mga kamay ni jody sa mukha mismo ni rome, ikinulong nya sakanya nga kamay ang mukha nito

'Hmm, wait. I have something to say. I just want that man to know that I am already here, that I am willing to help and I'll do anything, everything for him. Just to make him happy. The long wait is finally over.. The person that will help him is now here, right in front of you, rome' pagkatapos ay tipid na ngiti ang binigay nya dito.

Tulala naman si rome, walang masabe. Hindi alam kung paano ie-explain ang kanyang nararamdaman. Mayamaya'y hinawakan nito ang dalawang kamay ni jody na nakahawak sa magkabilang pisnge nya. Nginitian ang dalaga 'Thank you, jody' yon lang ang nagawang sabihin dahil na din sa kalasingan at pumikit na.

Nang makitang nakatulog na ang binata ay inayos na ni jody ang pagkakahiga nito. Hiniga nya ito sa sofa. Bumalik sa kwarto nya para kumuha ng unan at pinag unan ang binata, sabay inayos at kinumutan. Napangiti si jody 'Sleep tight, my jae'

~~~ no titleDonde viven las historias. Descúbrelo ahora