VIII. Unexpected Things

57 35 3
                                    

~ºRogueº~

'I am Eriola, the Goddess of Nothingness... Together...we are formidable...'

*Blag!

"Aray!" bigla akong napabalikwas ng gising kaya't ang resulta, heto't laglag ako sa kamang hinihigaan ko. Nakakainis naman oh, ang malas ng umagang 'to.

Sandaling sumagi sa utak ko ang panaginip na 'yun. Boses iyon ng babae, na madalas laging sumasagi sa mga panaginip ko. And now, kilala ko na kung sino siya---si Eriola, the Goddess of Nothingness. Pero sino ba talaga siya? Bakit madalas niya akong dalawin sa pagtulog?

Nakaramdam ako bigla ng gutom kaya't nagpasya akong bumangon para kumain. Ngunit hindi paman ako nakakabangon ay may bigla nang pumasok sa silid ko.

"RURU! WHAT HAPPENED?! NASAN SILA? SABIHIN MO AT PALILIPARIN KO SILA PALABAS NG GRANDINA---" Napatingin siya sa'ken na halos lumuwa ang mata sa gulat.

"WAHHH! RURU YOUR TOTALLY AWAKE!" Sigaw nito at saka ako niyakap ng ubod ng higpit.

Hindi agad ako nakareact sa exaggeration ni Aira. Bakit ba parang matagal akong nawala at ganito siya kung umarte?

"W-Wait-- Aira, alam mo, mapapatay mo ako sa sakal niyan eh," reklamo ko na kunyari ay hindi ako makahinga.

"Oh! Sorry cousin! I was just so worried!" ani niya pagkahiwalay ng yakap sa'ken ," I thaught you aren't going to wake up! It's been three days y'know!"paliwanag nito.

"Three days lang naman pala eh. Ang OA mo nam----wait--WHAT?! ARE YOU SAYING THAT I WAS ASLEEP HERE FOR THREE WHOLE DAYS?!"

Tsk. Muntik ko nang masapak ang sarili ko sa inakto. Tss, I was even more exaggerating than her. Pero panung hindi? Eh nagulat ako sa narinig eh,  hindi ko naman kasi talaga inaasahang makakatulog ako ng ganun katagal. Ano bang nangyari?

"Yup, you were asleep that long. Akala ko nga kailangan na kitang ibalik sa Tres Islas....and by the by, ANG OA MO HA!" she said while putting an emphasis on her last words.

Pilit kong inalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay, at hindi naman ako nabigo. Nagflashback lahat ng nangyari sa memorya ko. Duon ko naalala si Eriola-ang diyosa ng kawalan, siya 'yung babaing madalas dumalaw sa mga panaginip ko. Ngayon ko nalaman kung ano ang ibig sabihin ng mga ito, pero kulang pa. May dapat pa akong malaman. I need to dig deeper and reach the end of the rope.

Sandali akong napatingin sa paligid at hinanap si Sky na sa naalala ko'y nais dukutin ng kung sinong mga werdong nilalang.

"Hey, where is Sky?" tanong ko rito.

"Nasa kwarto ko kumakain. Mukhang hindi niya naman narinig 'yung sigaw mo kaya wala siyang kaalam-alam na gising kana. Pero alam mo bang lagi ka niyang binabantayan? Para ka ngang naging instant daddy eh. His really sweet Ruru."

Napangiti ako bigla sa sinabi niya.

Tiningnan ko ang buong silid, at dun ko nakumpirmang nasa nirirentahang Inn parin kami.

"How do you feel? Do you feel anything?"--si Aira

Sandali kong pinakiramdaman ang katawan ko. Pero wala naman akong nararamdamang kakaiba o kung anong masakit.

"I don't, in fact, I am ten times feelin' better," I exclaimed.

Natawa si Aira sa sinabi ko.

"Hey, y'know kanina ko pa naririnig yang nag-aalburuto mong tiyan. Halika, kain muna tayo sa Cafeteria. Siyempre libre mo," turan niya habang natatawa pa sa kakupalan niya.

"Tss. Rupee face,"

~oOo~

~ºAiraº~

Grandina: The Black Tale (On-going)Where stories live. Discover now