VI. Chosen

73 39 7
                                    

~ºRogueº~

"Why the hell did you come back?!"sigaw ni Aira habang pilit na nagpupumiglas.

Hindi ko inaasahang ganitong tagpo ang aabutan ko sa gitna ng kagubatang ito. She was captured by these rotten people; the metal guy and his  two hooded disciples.

Literal na hawak sa leeg ng dalawang lalaki si Aira, they took her as their hostage.

"Let her go JERKS!" utos ko sa dalawa, but they just ignore me.

"Kru-Kru!"

I could feel Sky's courage, its will to fight for Aira and I think I should do the same thing. I should fight for the both of them. Sila lang ang meron ako ngayon, hindi ko hahayaang mawala pa sila sa'ken. I will do everything to save their ass, even if it cost me my life.

"Woof! Nagbibiro ka ba?! Siyempre hindi papayag si boss! Amin na siya.! Waaha---Aray! Ano ba?!" turan ng lalaking nakapula matapos siyang batukan ng kasama niya.

"Tangena naman boy! Ang ingay mo. Wag ka ngang tahol ng tahol diyan."

Ngayon ko lang mapansin ang kakaiba nilang anyo. Hindi naikubli ng mahahaba nilang kasuotan ang mabalahibo nilang mga kamay, ang kakaibang wangis ng kanilang mga mukha.
They both had whiskers on their face. The guy in red hood resembles his hairy face to a dog, while the blue hooded guy looks exactly like a cat. Anong klasing nilalang kaya sila? They look so different. They aren't human, are they?

Well, one thing's for sure, they're a group of bandit weird mammals; a kitten, a puppy and a...

" May frovlema ka va sa'ken?!" galit na komento nung leader nilang mukhang gorilya.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay lihim akong natawa na naisip.

"Ruru! Tumakas na kayo! I can handle myself! Please, save Sky. His very important, hindi lang sa buong kontinente ng Grandina! More than everything ,you need Sky! You need him to solve your own puzzle---"

"TUMAHIMIK KA! MASYADO KA NANG MARAMING SINASAVI!" pagputol ng gorilya kay Aira.

"Shuttup! We'll never live you behind . Together with Sky, we will save you."

Isang malutong na tawa ang isinampal ng unggoy sa sinabi ko. Isang halakhak na para bang sinasabi niyang isang malaking biro ang sinabi ko.

"Finatatawa mo talaga ako vatang fakialamero. Kung gusto mo talagang iligtas ang vavaing to, isang vagay lang ang hihingin ko--- ang Nevula. Ivigay mo sa'ken ang nevula kafalit ng pinsan mo!"

"Boss, Nebula! Hindi Nevula, hihi," pagtatama ng lalaking nakapula.

Sa lahat ng sinabi niya, isang salita lang ang hindi ko naintindihan; ang nevula--- este NEBULA.

Kasabay ng pagsasalubong ng kilay ko ay ang pagkunot ng noo ko.

"NO! Rogue don't listen to him---"

"Ha. Ha. Ha! Talaga vang hindi mo alam kung sino ang tinutukoy ko??" inilipat nya ang tingin kay Sky at dun ko naintindihan ang lahat ,"ang halimaw na'yan. Siya ang tinutukoy ko! Ang Nev---Nevbu--- Argh! Vasta! Yang halimaw na'yan kafalit ng vuhay ng vavaing 'to."

Well, atleast he's trying his best.

Napatingin ako sa dalawang kasama nito na kanina pa nagpipigil ng tawa.

"Kruuh?" tumingin si Sky sa'ken na balot ng pagtataka.

Parang biglang kinurot ang puso ko.

Si Sky, kapalit ni Aira? Bullshit! Kung ibibigay ko sa kanila si Sky, maililigtas ko ba talaga si Aira. Pero si Sky, hindi ko siya pweding ibigay sa mga ugok na 'to. Nangako akong poprotektahan ko siya, sila ni Aira even if it cost me my life.

Grandina: The Black Tale (On-going)Where stories live. Discover now