IV. The Mark of a Goddess

74 38 13
                                    

~ºRogueº~

"Kruuu..."

Para akong nagising sa narinig,  tiningnan ko ang nilalang na kasalukuyang nasa bisig ko.
It looks so helpless. Its glow is being eaten by darkness. Hinang-hina na siya na mas lalo kong ikinabahala.

"Nasa sayo lang fala ang hinahanaf namin."

He already knew, so theres no point of hiding it. Agad kong sinalubong ng tingin ang lalaki na ngayon ay papalapit na sa'men.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" maang-maangan ko.

Pero wa epik dahil natawa lang siya sa sinabi ko. Ilang dipa nalang at malapit na siya sa'men. Mas lalo akong naalarma kaya't pilit kong itinayo ang sarili. Sandali siyang napahinto  at inobserbahan ang gagawin ko.

Hindi ka pweding magpadala sa emosyon mo Rogue.  Kilangan mong gawin ito sa ayaw at sa gusto mo. It needs my protection, and for now, that's my priority.

"Diyan ka lang! Hindi mo siya pweding kunin!" tapang-tapangan ko. Hindi ko maintindihan pero 'yung mismong tingin niya'y parang nagsasabing sobrang layo ng agwat ng lakas niya sa'ken', at kaya niya akong lampasuhin ng ganun kadali.

"Umalis ka sa daraanan ko," banta niya.

I formed a fist then posed a fighting stance. Wether I like it or not; I need to protect this helpless guy, and the only way to do it is to fight this fucking over muscled jerk.

"Vinalaan na kita vata," mas lalo niyang inilapit ang bato-bato niyang katawan sa harapan ko.

And to my surprise, his body was transformed into metal. Shit, how could I even smash a wall of steel.

"Ngayon mo savihing handa kanang mamatay."

Lihim akong natawa sa sinabi niya. Hindi dahil sa kampanti ako sa kakayahan ko, kundi dahil sa baluktot niyang dila.

"HAYAH!" isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa kanyang sikmura. Agad naman siyang namilipit sa sakit, kayat wala na akong inaksayang oras at sinundan ko ito ng isang upper cut na tumama sa mismong panga niya. Halos magkasabay pang tumalsik ang laway at ngipin niya sa lakas ng suntok ko.  Wala siyang panama sa galing ko sa pakikipaglaban. Kaya't wala pang isang minuto at bagsak siya sa lupa. Nakakatawa.

Nakakatawa talagang isipin na lahat ng 'yun ay imahinasyon lang.

Pero 'yun naman talaga ang plano ko, at bago yun, isang malutong na halakhak ang isinagot ko sa dambulang metal na kaharap ko ngayon.

"HAYAH---Aray! Putang-" Halos magtatalon ako sa sobrang sakit.

I hit him with a punch.

Subalit isang sapak palang sa sikmura niya'y para nang nadurog ang mga buto ko sa kamay. Shit. Hindi pala tamang sapakin ang isang metal na kalasag. Pilit kong binawi ang sarili mula sa kahihiyang ginawa at mabilis siyang pinaulanan ng sunod-sunod na upper cut sa mukha. Pero imbes na mamaga ang kanyang mukha'y recoil damage lang naman ang natamo ko. Halos magdugo na ang kamao ko sa tigas ng bakal niyang mukha.

Pero hindi ito dahilan para tumigil na ako dahil sunod ko siyang sinipa sa tagiliran, sinikmurahan, at kung anu-ano pang fighting technique na natutuhan ko simula pagkabata. Pero ang dambuhalang mukong, ni hindi manlang natinag. Para talaga siyang isang matibay at matayog na pader na pilit kong binabangga. Isang kalasag na sana at pinoprotekhan ang mahihina imbes na inaapi.

"Yun na va yun? Tss, hindi manlang ako nakiliti vata," naghikab pa siya at umarting inaantok sa laban namin.

"Tumigil ka nga dambuhalang unggoy! Hindi pa ako tapos!"

Grandina: The Black Tale (On-going)Where stories live. Discover now