"Sila Jonas 'yun 'di ba?" Tinignan ko naman 'yung papalapit na lalaki at tama siya sila Jonas nga. Na saan si Marshall?

"Eyy!" Nag apir silang lima.

"Si Marshall?" Tanong ko kaagad sa kanila.

"Second batch siya girl eh." malanding sabi ni Angelo.

"Eh ba't kayo tapos na?"

"Ayon kasi sa guro namin bunutan ang gaganapin kaya iyon, magkasama kami ni Jonas sa pang-una kami, si Marshall ang second at sila Angela naman at Jude mamayang third batch." napasimangot ako. siya lang ang lalaki doon?

"Kumain na ba kayo?" matamlay na tanong ni Jude.

"Ah oo kala kasi namin mamaya pa kayo eh." tumayo si Reyly at pinagtatapik sila sa balikat para mag sorry.

"Sige ayos lang mag-review na kayo at kakain muna kami." naglakad na papuntang canteen 'yung apat para kumain.

Kung ganun mamaya si Marshall lang ang mag isang kakain? Pano kung yayain siya ng mga classmate niyang babae kumain?

Homay! Sa kapogian ng jowa ko malamang sa alamang may nagkaka-crush na sa kaniya doon.

Pag na punta nga ako sa room nila ang sama ng mga tingin sa'kin ng mga classmate niya eh. Sure ako dahil crush nila ang boyfriend ko.

May tiwala naman ako kay Marshall pero pano kung landiin siya ng isa sa mga 'yun? Pano kung 'yung magaganda pa at mas sexy sa'kin? Alam ko namang pader ako at walang hams ang pwetan ko pero sabi niya maganda daw ako.

Sana lang talaga walang lumandi sa mahal ko baka matuyuan sila ng dugo sa katawan mga haliparot.

"Ey Fio, mag focus ka sa reviewer mo walang aagaw sa mahal mo." Na patingin ako kay Shun na seryosong nag susulat.

"Hahaha yah tiwala lang Fiolee hindi ka ipag papalit ni Marshy."

"Nababasa niyo isip ko?" Sabay silang tumawa, nakakaloko 'tong dalawang 'to ah, pano nila nababasa ang utak ko?

"HAHA Hindi namin nababasa 'yang nasa loob ng kokote mo." nag pipigil pa rin ng tawa si Reyly.

"Your just thinking out loud Fio," sabi ni Shun kaya na hiya naman ako, ganun ba talaga kahalata ang iniisip ko?

❦❦❦

Uwian na at wala pa ding Marshall Ferez dito sa tapat ng room namin, grabe ha kanina pa ko nag iintay at nauna na ding umuwi sila Shun at si Prince naman ihahatid daw si Reyly.

Iba na talaga ang tingin ko kay Prince, nahalata ko lalo 'yun nung binigay ko ang number ni Reyly at para siyang nakakuha ng napakabonggang papremyo.

Simula nun lagi na sila nag te-text at parang may mga lihim na sila lang talaga ang pwedeng makaalam.

Buti pa sila ang sweet.

5:30pm na pero wala pa rin si Marshall, baka madaming bitbit 'yun kasi nag bake sila, puntahan ko kaya?

Tama, Ako na lang ang pupunta sa building nila para naman matulungan ko siya sa mga gamit niya pang luto.

Masaya akong nag lakad papuntang building nila at ng tumapat ako sa room nila, iyon halos mag dilim ang paningen ko sa nakita ko.

Yung babae nakahawak sa dibdib niya at mukhang nakasubsob pa sa kaniya. At siya parang wala lang!

"Marshall!" Agad siyang tumingin sa'kin at nagbago ang ekpresyon niya. aalis na sana siya sa posisyon nila ng bigla siyang halikan nung babae kaya doon unti unting nag labasan ang mga luha ko sa mata at dare-daretsyo silang nag bagsakan ng walang paalam.

Mabilis akong tumakbo papaalis sa eksenang 'yun.

"Fiolee sandali!" narinig kong sabi niya pero hindi ko siya nilingon.

Ayaw ko siyang makita o makausap man lang, buong buo ang tiwala ko sa kaniya at sinira niya lang 'yun.

Kaya ba siya laging busy? Kaya ba siya maagang natutulog o baka nag kukulong lang siya sa kwarto dahil may ka-text or kausap siya?

Siguro nga! kasi hindi na siya nag re-reply sa mga text ko once na nasa school na kami at kaya siguro madalas ayaw niya ko papuntahin sa building nila dahil nga sa makikita ko ang babae niya.

Langyang buhay 'yan!

Kala ko kami ang forever dahil infinity ang buhay namin at walang katapusan 'to dahil imortal nga kami.

Sabi niya kami daw ang forever dahil habang nabubuhay kami ako at siya lang ang mag mamahalan pero bakit ganito?

Naniniwala na ko sa mga status sa facebook na walang forever! Bitter na rin ako pagdating sa love.

Kay GOD lang talaga may forever! Nakakainis ka Marshall!

Nakakainis ka!

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon