"It's my pleasure. Nandito naman talaga ako palagi para sa'yo. Best friend kita, eh. Hindi kita kayang hindi kausapin."

I hugged her for the last time before going out. She brought her car and she has her driver inside. Nang makapasok na kami sa sasakyan niya ay napuno agad ang isipan ko ng mga tanong.

Ni hindi ko siya nakausap ng ilang araw. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanya, but I'm still hoping that he's in a good condition. Sana nga ganoon kasi kinakabahan ako para sa kanya.

Did he got a good sleep because of what happened? Did he cried also? Did he experience the same pain as mine?

Kung ako nasaktan, paano kaya iyong naramdaman niya?

I know that Gab loves me so much that he's willing to do everything. Ngunit iyong nangyari nga ay medyo biglaan. We were both not expecting it.

We're happy before. We never thought about the problems that we may encounter. Tanging ang nasa isip lang namin ay puro pagpaplano pagkatapos kong mag-aral. Our plans for the future for the both of us.

Paano kung sakaling lahat ng sinabi namin sa isa't isa ay hindi na mangyari? What if it will just remain planned but it will not happen for real?

Buong byahe ay wala akong ginawa kundi ang tumingin sa labas at ang isandal ang ulo sa bintana.

Chesca never tried talking to me. Alam naman niya kasing masyado akong maraming iniisip. Nagugulo na ang utak ko.

Ganito pala talaga kapag sinuway mo ang utos ng magulang. You'll be crazy thinking about it.

"I'll pick you up later. Reminder, 10 pm. Nagpaalam ako kay tito na birthday ng Mama ko kaya gagabihin tayo sa pag-uwi mamaya."

Bumaba kami. She reminded me of everything from what will I gonna do and how I will act in front of my father later.

Tumango na lang ako saka nagpasalamat ulit sa kanya. She tapped my shoulder.

"Now go. Talk to him and never ever let him go again." She smiled. "Save the love you want, Aria. Gusto kong makitang ikasal kayo sa huli, okay?Magiging maid of honor mo pa ako."

Natawa ako saka pabirong tumango. She hugged me again before going inside her car. Hinintay ko munang mawala ang sasakyan niya sa paningin ko bago pumasok sa loob ng elevator.

My heart's hammering and I could never explain what I'm feeling. Kinakabahan at medyo nanginginig ang kamay ko sa kung anong pwedeng mangyari.

I fixed myself. Ginawa ko nalang na salamin iyong repleksyon ko sa loob ng elevator. Nang maayos na ay saktong palabas na ako.

I held my bag tightly as I am getting the key. Huminga muna ako ng malalim saka ipinasok iyon at tumambad sa akin ang madilim niyang unit.

Hinanap ko iyong switch. Nang makita na ang kabuoang liwanag ay wala akong nakitang bulto o anino man lang niya. His room is too clean, except for the kitchen.

Hinanap ko siya sa kusina at veranda niya pero wala. I went to his room and then opened his door.

Para akong nabunutan ng tinik nang makitang mahimbing na natutulog ito sa kama niya.

I sat beside him and tried waking him up. Nakailang tapik yata ako bago siya nagising.

At first, his eyes were just narrowed slits, not until he saw me. Bigla siyang napaupo saka tinignan ako... ng masyadong seryoso.

"Hi, Gab." Iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. I tried tightening it. Nanibago ako dahil ni hindi man lang niya ako niyakap pabalik.

Walking in the Wind (Valdemora Series #2)Where stories live. Discover now