Chapter 1

7 2 0
                                    

DIEL POV

TIRIK na tirik ang araw habang nag lalakad sa kalsada si Diel. Papunta siya ngayon sa trabaho niya sa kabilang kanto. Bakasyon nila kaya malaya siyang makapag trabaho ng walang sagabal. Nag iisa lang siyang anak kaya grabe ang kayod niya para lang makakuha ng pera.

Sila nalang dalawa ng tatay niya ang magkasama dahil iniwan sila ng Nanay niya nung bata palang  siya. Yun ang kwento ng tatay niya.

Kaya naman grabe ang trabaho niya para lang may pambili sila ng makakain. Hindi na makapag trabaho ang tatay niya dahil putol na ang kaliwang paa nito at bali ang kanan gawa ng pagka hulog sa ilang palapag na building nung nag tatrabaho pa Ito bilang construction worker. Wala silang pera pampagamot ng paa ng tatay niya kaya dito lang Ito sa bahay nila nag lalagi. Kaya siya ngayon ang naghahanap buhay sa kanilang dalawa.

Pag natatapos na ang shift niya sa coffee shop ay humahanap pa siya ng ibang pwedeng pagkakitaan pandagdag sa pang gastos nila dahil kulang na kulang ang kinikita niya

"Ang init! bakit ba kase nakalimutan ko pa yung payong!" Reklamo niya sa sarili habang pinangtatakip ang palad sa mukha dahil nasisinagan ng araw.

Malayo layo rin ang coffee shop na pupuntahan niya kaya ganun na lamang ang pagkainis niya dahil naiwan pa niya yung payong na lagi niyang dala dala kapag nagtatrabaho siya ng ganitong oras.

Wala siyang nagawa kundi bilisan ang paglalakad dahil sobrang init talaga. Sanay naman siya sa pagbibilad pero iba yung init ngayon dahil parang niluluto ang balat niya. Magsa summer narin kase.

Dahil nga binilisan niya ang paglalakad minuto lang ang binilang ay nakarating narin siya sa destinasyon niya pero grabe naman ang pawis niya.

At dahil closed ngayon ang coffee shop dahil lunch time ay nakapag ayos pa siya ng sarili. ilang minuto lang ang binilang ay tapos na siya kaya naman lumabas na siya para puntahan ang katrabaho niyang si Perl na nag aayos ng mga upuan.

"Oh diel bakit pawis na pawis ka kanina?" Tanong nito sakanya pag lapit niya, Nakita siguro siya nito kanina pag pasok at ngayon lang natanong.

"Nakalimutan ko kase yung payong ko sa bahay naalala ko lang nung palabas nako ng village. E tingnan mo sa labas tirik na tirik yung araw" Sabi ko habang tumutulong na ayusin yung ibang upuan.

Hinugot niya yung isang upuan na nakaayos na sa lamesa at umupo sa harap ko.

"Alam mo na kaseng kailangan mo yun bakit mo kinalimutan?" Tanong niya na nakataas yung kilay.

"Hindi ko naman sinasadya ang akala ko kase nailagay ko na siya sa loob ng bag ko kagabe nung inaayos ko yung mga gamit ko, Hindi pa pala." Sabi ko na kumuha ng tissue sa lamesa tsaka pinunas sa mukha. Tiningnan niya pa yung kabuoan ko bago tumango.

"Bubuksan kuna ulit yung shop " Sabi niya na tumayo na at inayos yung inupuan tsaka pumunta malapit sa may pinto para baliktarin yung tag na nakasabit dito.  From Close to Open.

Tumango ako at tumalikod na para
pumunta sa may powder room at I check ang sarili kung maayos naba talaga at nag lagay ng kaunting pulbos at nag suklay narin.

Lima kami ditong nag tatrabaho tatlong babae kasama na ako at dalawang lalaki. 

Habang sinusuklay ang buhok ay pumasok si Jessica, katrabaho ko rin kaya tiningnan ko siya sa reflection ko sa salamin at nginitian.

"Hi diel" bati niya ng nakangiti at nilapag yung bag na dala dala tsaka nag ayos rin ng sarili.

"Kadarating mo lang?" Tanong ko na tapos ng mag suklay at ibinalik ang ginamit sa bag tsaka isinara at humarap sakanya

When I Met you Where stories live. Discover now