Nauntog pa ako sa kanya kaya napapikit ako.

Pagkadalat ko, nagulat ako kasi sobrang lapit ng mukha nya sakin. Konting maling galaw ko lang maglalapat na yung labi namin.

' Noona ? Vernon ? '

Oh shit.

Agad kaming tumayo at nagayos ng sarili.

Hala, nakakahiya ! Nakita nila kami ! Yung buong Seventeen nasa may pinto at mukhang gulat.

' Anong nangyari dito sa dorm ? '- tanong ni Seungcheol habang nakatingin sa paligid.

Basang-basa yung sahig, nakabukas pa yung gripo sa lababo at nagkalat yung mga damit na bagong laba ko sa sahig.

Ang gulo nga.

Masyado ata kaming na-carried away kaya pati yung mga damit napagtripan namin.

' Wag na yung dorm ang intindihin mo hyung. Ang tanong ay anong ginagawa nila sa lapag '- sabi ni Jeonghan

Juice colored. Nag-join force pa ang Jeongcheol.

' Nadulas '- sabay na sagot namin ni Vernon.

Tinaasan nila kami ng kilay.

' Nadulas nga ! '- sabay na sagot ulit namin.

Ngumiti naman silang lahat ng nakakaloko. Mga mukhang rapist !

' Bahala nga kayo dyan ! '- sabi ko tapos nagpunta ako sa lababo para patayin yung gripo.

Dinampot ko isa-isa yung mga damit at nilagay ulit sa basket. Lalabhan ko nalang ulit. Hiyang-hiya ako sa Jeongcheol eh.

Nag-mop na din ako tapos hinugasan ko na yung mga natirang pinggan.

Pagkatapos kong maglinis, naupo ako sa sofa nila.

Juice ko. Tatanda ako ng maaga sa kanila.

' Hoy, anong kalandian yung nakita namin kanina ? '- tanong sakin ni Seungkwan.

Ngayon lang nag-sink in sakin. Nakakahiya pala yung nangyari kanina.

' Nadulas nga kasi kami '- sagot ko.

' Bakit naman kayo madudulas ? '- tanong ni Hoshi.

Mga chismoso.

' Kasi naglandi kami ng tubig '- sagot ko.

' Feeling bata, ganon ? '- tanong ni DK.

Nakakainis naman sila eh.

' Joke lang Noona. Pero sana alalahanin mong may boyfriend ka na '- sabi ni DK.

Ako ba pinagti-tripan nila ?

' Boyfriend ka dyan '- sabi ko sabay hampas ng unan sa ulo nya.

' Hello ? Boyfriend mo si Joshua hyung diba ? '- sabi ni Hoshi.

Isa-isa ko silang binatukan. Yan napala nyo.

' Sadista mo Noona '- sabi ni Seungkwan sabay irap sakin. Dukutin ko mata nito eh.

Tinamad na din ako dun sa dorm nila kaya nisipan kong bumalik na sa apartment ko.

Naglalakad na ko pabalik ng apartment nang may naramdaman akong malamig na dumampi sa balat ko.

Pagkatingala ko, nagii-snow na pala.

Natuwa ako kaya pumasok agad ako sa apartment ko para kumuha ng sweater at meanieㅡ este beanie pala.

Mahilig ako sa snow. Wala lang. Natutuwa lang ako.

MILK / seventeenWhere stories live. Discover now