01

31 7 0
                                    


"Sinag ng buwan, kislap ng bituwin.
Paano kita aabutin?
Kung ikaw naman ay nakatingin
sa direksyon kung saan hindi ka magiging akin."

"Everie! Kung hindi ka mananahimik d'yan sa kinalalagyan mo, makakaharap ka ng sampung sapak ni Luffy sa akin ng wala sa oras."

Tuwang-tuwa ako sa itsurang ginagawa niya. Kita ko kung paanong mamula ang mukha ng kaibigan ko habang nakabukas ng todo ang mata nito at namumula ang tenga at ilong.

"Kasalanan mo ang lahat ng iyon, Sanny. Kung hindi ka naghayag ng damdamin sa gagong 'yun sa malamang hindi ka magkakaroon ng dalawang sako ng eye bags ngayon at makakapasa ka pa sa dalawang quiz natin ngayon."

Nanlumo siya ng sinabi ko iyon sa kanya. Halos buong klase natunganga at hindi nagsasalita ang kaibigan ko magmula kahapon at ngayon ng dahil sa katangahan na ginawa niya.

I just shrugged at napabuntong hininga nalang ako sa nakikita ko ngayon.

Binalaan ko na huwag niyang ituloy ang pag-confess ng nararadaman niya sa varsity football player na si Christoffer Hernandez na ubod ng kagwapuhan at puno ng hangin sa katawan na siya'ng nagbigay rurok sa kaibigan ko na gawin 'yon.

Simple as that, naging tanga ang kaibigan ko ng dahil sa pag-ibig. Pag-ibig na nagbigay daan para latiin, katyawan at pagtawanan sa buong eskwelahan. Hindi ko alam kung bakit maraming estudyanteng ganyan dito. Parang walang pinag-aaralan at walang magulang.

Hindi ata naturo sa kanila ang Good Manner and Right Conduct sa grade school kaya ganyan ang sistema ng utak nila.

Bano-bano at utak talangka.

Di hamak na pare-parehas lang silang naglalaway sa lalaking yun. Kung makapang-lait kala nila ang gaganda at gwapo ng pagmumukha nila. Mukhang espasol naman sila.

"Bakit ako lagi? Ikaw 'din naman e. May gusto ka sa lalaking 'yun e." Napakunot ako sa sinabi nitong babaeng 'to.

"Mag-ingat ka sa sinasabi mo sa harapan ko, Sanny Mae Guazon, hindi mo nalang mapapansin may malaking kayumangging talong na 'dyan nakabara sa lalamunan mo ng dahil sa sinasabi mo ngayon."  Sinamaan ko siya ng  tingin.

"Mandira ka." Napairap nalang  ako sa kalokohang sinasabi niya. Nagpanggap akong nasusuka sa harapan niya at ito namang si gaga panay kunot ng kilay.

"Sabagay. Mas gusto mo nga si Haully the Nerd kaysa kay Christoffer." Ngiting saad niya.

"Buti namang alam mo."

I prefer nerds than jocks. Sila may itsura, talino, sipag at tyaga. San ka pa? Kaysa sa mga lalaking hangin lang ang laman na walang alam kundi ibalabad ang katawan sa mga pangit na nilalang. Kung ang mga babae at binabae ay nahumaling sa angking itsura na binubuga niya, pwes hindi ako.

Naiiba ako.

I am not attracted to handsome guys with a wind through their body like him. Yung mga lalakeng alam lang ipagmalaki ang mukha nila sa mga naglalawayan na kababaihan at binabae, pero hindi nila kayang ipamagmalaki ang buong sarili nila.

I was disgusted by that. Fuck them to hell. Fuck themselves.

I maybe a gay, from the third gender, but I have my own ways dealing with those kind of shits. I am not someone who thrown back from those gays you've seen so far. Hindi ako katulad ng mga kauri ko na katawan at itsura lang ang habol sa kalalakihan.

Hindi ko kayang gawin 'yon. Nakakadiri. Magka-AIDS pa ako. Ang tanging habol ko ay isang bagay na makakapagsaya sa akin habang-buhay. Isang bagay na magiging sandata ko sa lahat ng problema na dadaan ko.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Jan 07, 2021 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Feathers of HopeKde žijí příběhy. Začni objevovat