Prologue

55 9 9
                                    


Nakaupo at nakatingin sa madilim na kalangitan. Puno ng maliliit na bituwin na tanging nagbibigay liwanag at lakas sa akin upang magpatuloy na mabuhay.

Madilim ngunit walang ingay na madidinig. Ang sarap sa pakiramdam.

Mas maayos nang mag-isa kaysa makasama ang mga taong dalawa ang mukha. Mas maganda na ito upang makaiwas sa delubyong ibinibigay sa akin ng tadhana at kapalaran na walang ibang gawin kung hindi bigyan ako ng sakit sa ulo at puso.

"Kung bato nalang sana ako, mas mapapanatag pa ang loob ko." at naglabas ako ng apat na pungpitong butong hininga.

Gamit ang dalawang saklay, pinilit kong ilakad ang nangangatog kong dalawang paa. Magmula sa bench patungo sa dito sa malaking punong na nagbibigay sa akin ng balanse ay isang magandang improvement ito para sa akin.

Pinunasan ko ang mga pawis tumutulo sa ulo gamit ang isang kamay. Nakakatuwang tingnan at isipin na nagawa kong maglakad ng ganung kahaba. Ngunit papaano? Wala naman akong inspirasyon na pwedeng panghugutan para magawa ito.

Napapailing nalang ako sa naiisip ko. Hindi pwedeng siya ang dahilan nito. Sa simula't- sapul palang alam ko nang wala na akong aasahan at babalikan pa paglabas ko sa ospital.

Wala nang babalikan pa.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko na puno ng kalungkutan at pagdadalamhati. Kailan ba ako sasaya? Kailan ba ibibigay sa akin ng mundo ang kasiyahan na tanging inaasam ko matagal na, kahit noong siya'y nasa tabi ko.

Umupo nalang ako ulit sa ilalim ng puno at dinama ang lamig ng hangin. Tama! Ito nalang ang pag-asa kong bumangon, 'yun ay ang pagliko sa nakaraan at lumingon sa kasalukuyan.

A pain smile flash through my lips and I could feel that someday, matatapos na ang lahat ng ito. I just need to wait more time.

Ipipikit ko sana ang mga mata ko ng may kumalabit sa aking gilid. Sisigaw sana ako ng takpan niya ang bibig ko. Imbis na kumawala ako, patingin nalang ang mga mata ko sa gawi niya.

And then, I felt warm.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa bibig ko at ngumiti ng paunti-unti hanggang sa masilayan ko ang buong pigura niya gamit ang liwanag ng buwan na nanggagaling sa madilim na kalangitan.

"Huwag kang susuko. Lumaban ka. Nandito lang ako sa tabi mo palagi."

Sa mga salitang binigkas niya, isa-isang naglakbay ang mga luhang matagal ko ng pinipigilan mula ng tumungtong ako sa lugar na ito. Mga luhang patunay na tao pa 'din ako at nasasaktan at kayang masira kahit anumang oras.

Tao 'din ako na naghahanap ng mapayapang lugar kung saan ko lang mararamdaman ang saya. Sa pag-iisip ko, wala sa wisyo kong kinuha ulit ang kaliwang kamay niya at inilagay iyon sa kaliwang pisngi ko at dinama ang init na dinadala niya.

His hand giving me a warmest feeling that I never felt in my darkest life. A warm that giving me a courage to fight and move on. Kahit na hindi ko kilala ang lalaking ito, tila isang pagaspas ng pakpak ang nagbigay sa akin upang maramdaman ito.

Kung panghabang-buhay lang sana.

Kung ganito lang din ang madadama ko, please don't leave me.

Pero alam ko sa huli, hinagpis na naman ang madadama ko.

Kung ganun lang din ang mararamdaman ko, sana hindi nalang kita nakilala pa.

Feathers of HopeWhere stories live. Discover now