"Charot, mami. Charot lang," natataranta niyang sabi sabay takip ng kaniyang mukha. "Chill. Huminga ka nga muna."

Sinunod ko siya. Huminga ako ng malalim. Pero hindi parin naaalis ang kunot ng noo ko. May nagbabadyang mga luha sa'king mga mata pero pinipigilan kong bumagsak ang mga ito. Hindi ako iyakin pero bakit ganito? Urgh! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

"Bakit nandito sila?" tanong ko. "Alam ba nila?"

Napakamot si Raffy. Humarap siya sa gate sabay punas ng namumuo niyang pawis sa noo. "Hindi. Hindi nila alam. Well..." he trailed.

Nagpamewang ako sa harap niya. "Well?"

Huminga siya ng malalalim. "I told Jerald. I'm sorry I lied to you. Please don't hit me," he confessed, covering his face.

Napapikit ako. I touched the leaf of a nearby plant. "Sigurado ka bang hindi nito sinabi sa nanay n'yo? Bakit niya sinabi 'yun?"

Muli siyang nagbuntong-hininga. "Hindi ko alam. Pero, matagal na akong kinukulit ni Nanay tungkol sa pagkakaroon ng apo. Nagbibiro lang 'yun kanina. I'm sorry."

I'm still reluctant to believe him but I nodded. "So, anong gagawin natin?"

"Ikaw," pagbabalik niya ng tanong saakin. "You tell me. Kung ako ang masusunod, sasabihin ko na sakaniya. But you don't want to."

Natahimik ako. Ano ba ang tamang gawin? Sabihin o ilihim? Ngayon na ba o sa susunod na?

Naguguluhan ako. At naiiyak. At nagugutom! Mukhang masarap 'yung dala nilang kutsinta. Urgggggh!

May dumaang tricycle sa labas, dahilan para mapalingon ako sa direksyon ng kalsada. I heave another sigh to let go of all my worries. "I need more time, Raffy," I said without looking at him. "I'm sorry."

I heard him shift his footing. "Sure. I can wait."

Dahan-dahan akong lumingon sa gawi niya. There's a kind smile resting on his face that melted my heart.

"Tara na," muli niyang sabi. "Baka nagtataka na sila."

Tumango ako. "Mauna ka na. Susunod ako."

Raffy nodded before leaving me outside.

Muli akong napatingin sa tanim na malapit saakin. Hindi ko alam kung anong tawag dito pero napangiti ako nang makitang namumulaklak na ito.

○●○

"Pumunta ka sa bahay, hija," imbita ng Nanay ni Raffy.

Kumakain na kami ngayon sa kusina at nabanggit nila ang nalalapit na opening ng resataurant nito. Iniimbitahan nila akong pumunta sa opening.

"Birthday rin kasi ni Nanay," dagdag ni Jerald, kapatid ni Raffy.

Napatingin ako kay Rafael. Nakatingin rin siya saakin, naghihintay ng sagot ko.

"Pag-iisipan ko po," sagot ko na hindi inaalis ang tingin kay Raffy. He smiled at me when I answered.

Pagkatapos noon ay muli na siyang humarap sa kaniyang pamilya. Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan.

Maya't maya akong isinasali ni Tita Sally sa usapan. Kung ako ang tatanungin, I think Raffy's mother mean what she said. Nag-sorry na ito pagkabalik namin, sabi'y nagbibiro lang siya.

But by the looks of Tita Sally, she seems like the kind of person who wants to see her grandchildren before she dies.

Hindi naman sa mukhang malapit na itong mamatay. Nasa 50+ palang ang edad nito sa tingin ko. Pero, some mothers like her think that they need someone to spoil and take care of, since their children have their own lives now and their husbands are already dead.

Before RosaWhere stories live. Discover now