Masaya nitong kalaro ang anak niya nang lumabas ang ginang. "Oh, halina kayo at handang-handa na ang komedor. Dali na apo," yakag nito sa anak. Saka tinignan nito ang kinaroroonan ng magkapatid.

"Ako na ang tatawag," presenta ni Aryanna na mabilis lumapit sa dalawang lalaki.

"Sabado ng gabi ang kinakasang operasyon. We have a final briefing Friday afternoon. I will inform you once it's finalize." Turan ni Lance nang may tumikhim sa likuran nila.

Binalot ang kaba ang dibdib at agad na lumingon. Tila nabunutan ng tinik ng makitang ang kasintahan ng kapatid ang dumating.

"Babe, handa na raw ang pagkain." Anito kay Kiel saka tumingin sa kaniya.

Agad na hinawakan ni Kiel ang beywang ng kasintahan saka nagpatiuna na. Sumunod naman agad siya sa dalawa at sa komedor ay naroroon na ang mag-ina niya.

"Masaya akong nakikita ko kayong masaya," hindi mapigilang wika ng mama nila. Kasunod noon ang pagbuntong hininga nito.

"Akala ko ba masaya ka Ma?" Turan ni Lance ng mapansin ang malalim na buntong hininga ng ina.

"Kayo okay na, pero ang kuya Liam niyo?" Anito na lumungkot.

"Mom malay mo may apo ka na rin sa kaniya," natatawang wika ni Lance. Naalala niya kasi ang babaeng minsang tinago ng kapatid. Kilala niya ito dahil pareho sila ng eskuwelahan noong high school.

"Oo nga Ma, ayaw lang sabihin ni kuya. Ma-sekreto," segunda ni Kiel na tila bumalik sa pagiging maingay nito.

"Sana nga, aba. Baka siya pa ang mahuli sa inyong lahat," turan ng ina na noon ay medyo nakangiti na.

"Lola, gusto ko po noon oh," nguso ng anak sa chicken barbeque.

"Sus! Nagustuhan ba ng apo ko," baling ng ina sa kaniyang anak. Napangiti si Lance dahil kahit papaano ay masigla ang anak.

Maya-maya ay umilaw ang cellphone niya. Hudyat na may nagpadala ng mensahe. Bahagyang sinilip iyon ay si Villanueva.

Sir, nasa target point ako. Nandito si Mercado. Kausap ang mark man natin. Basa sa mensahe nito.

Lumingon muna siya kay Kath. Nang makitang abala ito sa pakikipag-usap kay Aryanna ay mabilis na nag-reply.

Stay where you are. I will be there soon.

Mabilis na pinadala iyon sa tauhan. Masama ang kaba niya nang nabasa ang mensahe nito. Villanueva is a good man. Ayaw niyang mawala ito katulad ni kaniyang kaibigan.

Copy sir.

Sagot nito. Mabilis na bumaling kay Kath. Lumingon ito sa kaniya nang maramdaman nito ang paghawak niya sa kamay nito.

"Babe, alis lang ako saglit. May kakatagpuin lang akong kaibigan. Saglit lang," mabilis na turan. "May pag-uusapan lang kami, saglit lang talaga." Pangungumbinse rito.

Hindi niya namalayang nakatingin na rin pala sa kaniya ang kapatid na si Kiel.

"Don't worry Kath, stick to one iyang si kuya," sabad ng kapatid.

Napangiti na lamang si Lance dahil kahit medyo nagkainitan sila ng kapatid kanina ay heto at nililigtas siya.

"Okay babe. Mag-iingat lalo na at gabi na," turan ni Kath. Sino ba naman siya para pigilan ito? Pero sa totoo lang ay gusto pa sana niyang usisahin kung sinong kaibigan ang kakatagpuin nito.

Montecalvo Sibling: The NBI Agent(Completed)Where stories live. Discover now